Entry #4

272K 5.9K 238
                                    

Dear Ex-Boyfriend,

Gusto kong bawiin yung mga bagay na ibinigay ko sa’yo. Pero ayoko na makipagkita sa’yo kaya hindi ko ‘yon magagawa. Yung mga bagay na ibinigay mo, inilagay ko sa kahon. Kaunti lang naman ang mga ‘yon. Pero kahit kaunti lang yon, sobra akong napasaya ng mga ‘yon. Kasi naisip ko noon na, kahit paano naisip mo ako. Sa mga simpleng bagay na ibinigay mo, sobra mo akong napasaya. At akala ko noon ‘yon ang gusto mo, mapasaya ako. Pero akala ko lang pala ‘yon. Kasi sa bandang huli sinaktan mo na naman ako.

Your Ex,

Nin

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon