Janin

113K 3.4K 237
                                    

Janin



"Janin, gusto mo bang sumama manood ng practice?" tanong sa akin ni Kayleen matapos naming pakainin ang mga aso.


"Practice ng ano?" Pumasok kami sa loob ng bahay. Inilagay namin ang dog food sa ibabang cabinet ng lababo.


"Ng banda. Nasa bahay kasi nina Ashleen ang banda ni Ashton. Doon sila magpa-practice ngayon. Gusto mong sumama?"


"Okay lang ba na nandon ako?"


"Oo naman!" ngiting-ngiti na sagot nya. "Ano, tara?"


Wala rin naman akong gagawin dito sa bahay nila. Ayokong maiwan kasama ang kapatid nya.


"Sige."


Nagbihis kaming dalawa at umalis na. Ilang lakad lang ang ginawa namin at kaagad kaming nakarating sa bahay nina Ashleen. Sinabi ba ni Kayleen sa bestfriend nya ang tungkol sa akin? Hindi na sya nag-doorbell at diretso nalang sa pagpasok sa bahay na parang kanya rin ito. Sumunod nalang ako sa kanya habang minamasdan ang disenyo ng bahay.


Nang makapasok kami sa loob ng bahay, agad kaming sinalubong ni Ashleen. Mukha syang bouncing ball habang bumababa sa hagdan. Naka-suot sya ng kulay pink na dress na maraming ribbons at kulot kulot ang mahaba nyang buhok. May party ba?


"Kayleen! Janin! Buti nakarating kayo, may kasama na ako sa wakas!" masayang bati ni Ashleen sa amin.


Hinawakan nya kami ni Kayleen sa tig-isang kamay at hinila sa kung saan man.


"Nag-umpisa na ba?" excited na tanong ni Kayleen.


"Oo, mga fifteen minutes na."


Bumaba kami sa tila basement ng bahay. Malakas na ang tunog ng mga instrumento dito. Pinagsama-samang tunog ng gitara at drums. Babae ang bokalista nila at masasabi kong magaling itong kumanta. Ang akala ko dati, amateur band lang sina Ashton, pero sa musika na ginagawa nila ngayon, para na rin silang professional. Pwede na silang makakuha ng mga music deals.


Una kong nakita ang couch, may nakaupong dalawang babae at isang lalaki roon. Mukhang pinapanood nila ang banda sa pagtugtog.


"Mga classmates nila," sabi ni Ashleen na nilakasan ang boses para marinig namin.


Pumasok kami nang tuluyan at saka ko nakita ang kabuuan ng basement. Malawak ang basement nila, hindi madilim, tama lang ang liwanag na nanggagaling sa iisang ilaw sa kisame na mukhang puting plato. May mga bookshelves at CD racks sa magkabilang gilid na pinag-gigitnaan ang isang malaking flatscreen tv at sound system.


May dalawang lalaking gitarista sa magkabilang gilid ng babaeng bokalista na may pulang buhok. Ang isa namang lalaki ay natatakpan ng drum set na patuloy nyang hinahampas gamit ang dalawang sticks.

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon