Janin

75.3K 2.5K 306
                                    

Janin


Rinig na rinig ko ang tahulan ng mga aso pagkababa ko ng kotse ni Kean. Bahagyang kumunot ang noo ko dahil hindi naman sila ganito kaingay madalas. May bisita kaya sila?


"Thank you sa paghatid, Kean," sabi ko.


Napansin din siguro niya ang ingay sa loob ng bahay kaya siya nakatingin doon. Isinara niya ang pinto ng kotse.


"Janin, wait here," sabi niya na hindi tumitingin sa akin.


Nagulat ako nang pumasok siya sa nakabukas na gate ng bahay nina Kayleen. Bigla siyang pumasok sa loob, baka magulat sina Kayleen sa kanya. Hindi ako nakinig sa kanya at sumunod akong pumasok sa loob.


Nagulat ako nang may lalaking naka-helmet na tumakbo palabas at sumakay sa motor niya. Mabilis niya iyong pinaandar.


"Dylan!" narinig kong malakas na tawag ni Kean mula sa loob ng bahay.


Kinabahan ako sa boses ni Kean. Para bang may nangyaring masama.


Mabilis akong pumasok sa loob ng bahay at nagulat sa nakita. May lalaking nakahiga sa sahig at tila walang malay; nakaitim at may suot na helmet. Di kalayuan sa kanya ay nakita ko si Dylan, may kumakalat na kulay pula sa kanyang dibdib. Dugo. Ang daming dugo sa damit niya.


Namumutla ang mukha niya habang nakasandal siya sa pader sa tabi ng pinto ng kanyang kwarto. Katabi niya si Kean. Sandali akong napahinto dahil sa nakita ko. Nalito ako sa nangyayari. Bigla nalang akong nablanko habang nakatingin sa kanilang dalawa. Rinig na rinig ko ang malakas na tibok ng puso ko. Hindi ako makagalaw.


"Janin!" nagulat ako sa tawag sa akin ni Kean. Puno ng pag-aalala ang mukha niya. "Tawagan mo ang guards dito."


Agad akong sumunod. Nanginginig ang mga kamay ko na humawak sa telepono.


"Dylan," tawag ni Kean. "Dadalhin kita sa ospital."


Nakita kong inalalayan niya si Dylan patayo. Nakapikit na si Dylan at namumutla. Umaagos ang dugo mula sa kanyang dibdib. Basa na ng dugo ang kamay niya pati ang kamay ni Kean.


"Hello po?" bati ng lalaki sa kabilang linya.


"H-hello, m-may pumasok sa bahay namin. P-please magpadala kayo ng tulong. Please."


Nag-lakad na si Kean palabas ng bahay. Nakasampay sa balikat niya ang isang braso ni Dylan. Halos si Kean na ang nagdadala kay Dylan.


"Dylan! Don't fall asleep, dammit!" sabi ni Kean na may halong takot na sa boses.


Sinabi ko sa guard ang number ng bahay. Agad daw silang magpapadala ng tauhan nila. Sumunod ako sa labas at nakita kong isinara na ni Kean ang pinto ng kotse sa front seat. Nasa loob na si Dylan.

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon