Janin

118K 3.4K 501
                                    

Janin


Matagal bago ko nagawang buksan ang pinto ng kwarto ni Kayleen. Nauna syang nagising kaysa sa akin. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago lumabas. Nag-aalala ako tungkol sa nangyari kahapon, ayokong mabago ang pakikisama nya sa akin. Hindi ako mapalagay. Ano kaya ang tingin nya sa akin ngayon? Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa pamilya ko, tungkol sa insecurities ko at tungkol sa sitwasyon ko sa pamilya namin.


Aaminin ko na nadala ako ng emosyon ko kahapon. Nang sagutin ni Kayleen ang tanong ni Millie, naintindihan ko na ano man ang maging desisyon ko, hindi sya aalis sa tabi ko. Dahil doon, nagawa kong sabihin sa kanya ang lahat. Alam ko na malayo sa inaasahan nya ang bigat ng problema ko. Masyadong komplikado ang pamilya namin. Hindi katulad ng sa kanya kung saan lumaki siyang may masayang pamilya.


Nang lumabas ako ng kwarto, nagulat ako dahil hindi pa umaalis ang mga magulang ni Kayleen. Malapit nang mag-alas nuebe at karaniwan, mga ganitong oras ay nakaalis na sila.


"Janin, gising ka na pala hija," nakangiting bati sa akin ni Tita na galing sa kusina at papunta sa salas. May dala syang tasa ng kape. "Nakahanda na ang almusal sa lamesa, kumain ka na."


"Ah, opo."


Lumapit sya kay Tito na nagbabasa ng dyaryo sa salas. "Heto na ang kape mo, mahal."


"Ang sweet talaga ng asawa ko," nakangiting sabi ni Tito kay Tita.


Napaiwas ako ng tingin. Pakiramdam ko kasi ay iniinvade ko ang privacy nilang dalawa. Pumunta na ako sa kusina at nakita ko roon si Kayleen na naghuhugas ng plato. May mga pagkain sa mesa at mukhang kakatapos lang nila kumain.


"Janin, good morning!" bati niya nang makita ako sa likod nya. "Kumain ka na."


Nakahinga ako nang maluwag. Normal lang ang bati nya. Walang nagbago.


"Kayleen, may okasyon ba? Bakit hindi pumasok sa clinic ang parents mo?"


"Haha! Kasi gusto nilang mag-date. Sobrang busy kasi nila, hindi na sila masyadong nakakalabas. Manonood sila ng sine mamaya tsaka maglalaro sila ng bowling kasama ang parents nina Ashleen," masayang sabi ni Kayleen. "Matagal na nilang na-plano itong araw na 'to eh. Ang daya nga, kasi hindi nila tayo isasama."


Matagal na itong naglalaro sa isip ko. Baka masyado nya akong iniisip kaya hindi sya nakakalabas ng bahay madalas. May boyfriend sya, hindi ba sila nagde-date? Iniisip nya kayang baka mainip ako dito sa bahay nila kaya sinasamahan nya ako? Wala naman kasi akong ibang mapuntahan. Bukod sa nagtitipid ako, hindi rin talaga ako interesado sa mga bagay na nasa labas.


"Kayleen, kung gusto mong makipag-date kay Ashton ngayong araw, pwede naman kayong lumabas."


"H-ha? Date?"


"Iniisip ko kasi na baka, hindi kayo nakakalabas kasi inaalala mo ako rito. Okay lang naman ako, Kayleen. Manonood nalang ako ng TV o magbabasa."

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon