Dylan

107K 3.1K 801
                                    

Dylan


"Hindi ka namin ma-contact kahapon, master! Inabandona mo kami, huhu," wika ni Pancho sa kabilang linya ng telepono.


Kahapon? Martes. Ah, may meeting nga pala sila noong lunes sa client namin. Nakalimutan ko na. Bakit ko nga pala nakalimutan? Awtomatikong nanindig ang balahibo ko sa katawan. Hwag kang masyadong mag-isip, Dylan. Hwag mong tahakin ang kadiliman. Ignorance is bliss!


"Sensya na, tulog ako buong araw kahapon." Hindi naman talaga ako tulog. Wala lang talaga ako sa sarili ko kahapon. Pinilig ko ang ulo ko bago pa mapunta ang isip ko sa senaryong gusto kong kalimutan. Naibaon ko na iyon sa limot... kasama ng aking dangal. O kay saklap ngang talaga!


"Pumunta ka na rito. Ililibre mo pa ako ng pagkain, master! Gutom na ako," sabi niya.


"Ang dami mo naman sinabi, magpapalibre ka lang pala! Sige, papunta na ako. Kung gusto mo, umorder ka na dyan." sabi ko.


"Yes! Salamat master!"


Pinutol ko na ang tawag.


Miyerkules ngayon at napaka-tahimik ng bahay namin. Kinatok ko sa kwarto si Ikay pero wala sya nang buksan ko ang pinto. Wala rin si Janin. Saan sila pumunta? Tumingin ako sa wall clock namin at nakita na tanghali na pala. Nasa bahay na naman kaya sila nina Ashton?


Mabilis akong naligo at nagbihis. Sinigurado kong naka-lock nang maayos ang bahay bago ako lumabas. Sinalubong ako ng dalawang aso na kumakawag ang buntot. Hinimas ko sila pareho sa ulo bago ako pumunta sa garahe.


Isang bagay ang kaagad kong napansin. May nawawala sa garahe ng bahay namin. Hindi ko makita ang motor ko. Bakit wala rito ang motor ko?


Tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Kean sa screen. May isang imahe na gustong sumulpot sa isip ko kaya napakanta ako ng ABC pabaliktad.


"Kean," sagot ko sa tawag.


"Dylan, kinakabahan ako," bakas nga sa boses niya ang kaba.


Nakapagtataka dahil hindi naman sya nerbyosong tao. Kaya nga sya nakapag-artista. Kung kakabahan man sya, madali nya itong nalalagpasan.


"Bakit? Anong meron?"


"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kailangan ko ng tulong mo," aniya.


"Kean, shit!" Napahawak ako sa noo ko. Hindi ko alam na sa ganitong klase pa matatapos ang career nya. "May nasagasaan ka ba? Napatay mo ba sya? Hit and run? Shit, Kean, balikan mo! Baka buhay pa 'yon!"


"H-ha? Hindi, hindi ko nasagasaan."


Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon