Kean

241K 5.2K 375
                                    

Kean 

“Kean!”

Mabilis na isinara ni Kean ang maliit na pink journal na hawak nya. Pumasok sa loob ng tent  ang manager nyang si Ms Yuko.

“Ready ka na?” nakangiting tanong ni Yuko kay Kean.

“Yes.” Tumayo si Kean at itinago ang maliit na journal sa loob ng bag nya. Ibinigay nya ang bag sa personal assistant nyang si Marco.

“Last scene na itong gagawin nyo ngayon. Pagkatapos makakauwi na tayo,” paliwanag ni Yuko. “By the way, palagi kong nakikita na hawak mo ang notebook na ‘yon. Ano ba ang nakalagay doon?”

Umiling si Kean sa kanya “Wala naman.”

“Magpahinga ka na pagkatapos nito dahil mag-uumpisa na tayo sa mall tour nitong movie after three days.” Inabot ni Yuko ang script kay Kean. “Kailangan mo pa ba?”

“Hindi na.”

Ngumisi si Yuko. “As usual.”

Pumwesto na si Kean sa tabi ng kapareha nya at nakinig sa instruction ng direktor. Maaga silang matatapos ngayon.

“Stand by!”

“Ready direk!”

“And action!”

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon