Janin

85.9K 2.4K 385
                                    


Janin


"Kailangan natin ng welcome party," masayang sabi ng Mama ni Kayleen.


Tumango si Tito. "Ngayong araw, sarado ang clinic kaya dapat lang na may gawin tayong espesyal. Dapat talaga tayong bumawi at i-celebrate ang paglabas ni Dylan sa ospital."


Naghahanda sila ni Tito na umalis para sunduin sa ospital si Dylan.


"Kayleen, Janin at Ashleen, maasahan ba namin kayo?" tanong ni Tita.


"Opo!" sagot ng dalawa at tumango naman ako.


"Exciting 'to! Surprise party dapat para epic ang reaction ni Dylan!" excited na sabi ni Ashleen.


"Siguradong matutuwa si Kuya! Baka umiyak siya," tumatawang sabi ni Kayleen.


May nag-doorbell at pumunta si Tito sa may gate para buksan iyon. Pumasok sina Ashton at Gio.


"Nandito na pala ang bodyguards nyo," sabi ni Tito. "Ang mga matatapang at magigiting na tagapagtanggol ng mga naaapi."


"Papa," medyo nahihiyang sabi ni Kayleen.


"O sya, maiwan na namin kayo," sabi ni Tita.


"Be good, boys," sabi ni Tito sa dalawang lalaki.


Umalis na sina Tito at Tita. Naiwan kaming lima sa bahay.


"So, paano natin hahatiin ang mga gagawin?" tanong ni Ashleen.


"Iwan nalang natin siguro ang decoration ng bahay sa mga lalaki," mungkahi ni Kayleen.


"Bakit kami maiiwan? Saan nyo balak na pumunta?" tanong ni Ashton na medyo kunot ang noo.


"Syempre kaming mga babae ang pupunta sa palengke para bumili ng lulutuin," sagot ni Ashleen sa kapatid.


"Sasama ako," sabi ni Ashton na nakahalukipkip.


"Hindi ka namin kailangan sa palengke, baby brother," sabi ni Ashleen. "Hindi ka naman sanay pumunta roon."


"Ibinilin kayo sa amin, hindi kami pwedeng maiwan lang dito. Paano kung may mangyari sa inyo sa labas?"


"At ano naman ang mangyayari sa amin sa labas?"


"Pwede kayong ma-kidnap," seryosong sagot ni Ashton.


"Kidnap agad? Sa 'laslas bag' muna, pwede?" tanong ni Ashleen.


"Ashleen, that's not the point!"


"Hey, that's Ate for you, baby brother!"

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon