Kayleen

110K 3K 592
                                    


Kayleen


Madalas sabihin ni Lola ang 'para kang pusa na hindi mapaanak'. Palagi ko iyong naririnig noong nasa baguio pa ako. Ewan ko ba kung bakit ko biglang naalala. Ang ganda ng gising ko tapos nakita ko si kuya na parang pusa na di mapaanak. In short, ang balisa niya. Hindi siya mapakali. Ano na naman kaya ang tumatakbo sa isip ng kapatid ko?


May naalala kaya siya na gusto niyang kalimutan? Ang hilig pa naman ni kuya makalimot. Pero mas maganda na iyon, mas tipid siya, kasi yung iba kailangan pa ng alak para lang makalimot, si kuya hindi na. Natural sa kanya 'yon eh. Talent? Gifted talaga si kuya.


"Janin, ano'ng oras ka makakauwi?" tanong ko sa kanya. Sinusuot na niya ang kanyang doll shoes sa may pinto ng bahay. "May activity kasi mamaya sa clubhouse. Baka wala kami dito pag-uwi mo."


"Hindi ko pa alam eh. Pero magtetext ako sa'yo mamaya."


"Sige, ingat ka ha?"


"Alis na ako."


"J-JANIN!!!" malakas na tawag ni kuya. "M-mamaya... promise, mamaya talaga..."


"Ano 'yon Dylan?" nagtatakang tanong ni Janin kay kuya.


"A-ahhhh... basta! I'm sorryyyyy!" Biglang tumakbo papasok ng kwarto niya si kuya.


Tumingin ako kay Janin. Nagtataka siyang tumingin sa akin. Nagkibit ako ng balikat. Ano kaya ang nangyayari kay kuya?


***


Humarap ako sa salamin at tinignan ang suot kong pulang miniskirt at puting tshirt. Tuwing summer, may hinahandang activities ang commitee ng subdivision na ito. Palagi kaming pumupunta sa clubhouse para sumali. Magandang event ito para sa mga bagong pamilya na lumilipat dito.


Hinahati ang mga trabaho sa ilang categories. Ngayon, kasali kami ni Ashleen sa cheer squad mamaya sa basketball game.


May tatlong katok mula sa pintuan ng kwarto ko. Pumasok si Ashleen na nakasuot katulad ng damit ko.


"Kayleen! Ready ka na? Let's go!"


"Teka, si kuya kasi..." Napakamot ako ng ulo ko.


Kinuha ko ang maliit kong bag at lumabas kami ng kwarto.


"Bakit? Hindi ba siya pupunta sa clubhouse? Sayang naman yung barbeque. Paborito niya 'yon, diba?"


"Nagkulong siya sa kwarto niya kanina. Kinakatok ko kanina pero hindi siya nasagot."


"Anong problema niya? Dapat pumunta siya. Gustong gusto pa naman siya ng mga senior citizens. I'm sure na hahanapin siya doon ng mga lola. Ang dami niya kayang fans. Kapag di siya pumunta baka di na niya makuha yung award niya," sabi ni Ashleen.

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon