Dylan

115K 2.9K 791
                                    

Dylan


Huwebes. Hindi pupunta sa bahay ni Kean ngayon si Janin. Pwede ko nang kunin ang motor ko roon. Nang lumabas ako ng banyo matapos maligo ay nakarinig ako ng boses ng lalaki sa kusina. Kaagad ko iyong sinundan.


"Magaling," bulong ko nang makita sina Gio at Ashton kasama sina Ikay at Janin. Nagbe-bake sila ng kung anuman. Mukhang cookies ulit. Tsk. Ayos, naligo lang ako biglang may breezy boy na sa kusina namin.


Hindi ko na sila pinakialamanan pa. Pumunta na ako sa kwarto ko para magbihis. Nasa bahay niya kaya si Kean? Iniwan naman daw nyang hindi naka-lock ang gate nya kaya pwede kong makuha ang motor ko. Mahigpit din ang security sa lugar na iyon kaya di nakakatakot na mag-iwan ng bukas na gate.


Kinuha ko na ang pitaka at cellphone ko at nilagay sa bulsa ng pantalon ko. Lumabas ako ng kwarto para magpaalam kina Ikay. Nakaka-miss talaga ang dating Ikay na hahabol sa akin at kakapit sa binti ko para hwag ko syang iwan sa bahay.


"Ikay," tawag ko sa kapatid ko.


Nakita ko naman ang mabilog nyang mata na tumingin sa akin. May harina pa sa pisngi nya. Nagbe-bake ba sila o naglalaro?


"Yes kuya?" sabi nya sa akin habang may hinahalo sa hawak na bowl.


"Alis muna ako."


"Okay kuya, ingat." Di man lang ako pinigilan. Di man lang tinanong kung saan ako pupunta. Huhu. O kay saklap nga naman na mapalitan sa buhay ng nag-iisa kong kapatid.


"Oy Ashton," tawag ko sa lalaking katabi ni Ikay. Tumikhim ako at itinuro ang dalawa kong mata. "I'm watching you."


"Opo kuya," sabi niya na nakangiti pa.


Nakanang... gusto kong maiyak. Kuya. Mas matanda si Ikay sa kanya ng dalawang taon. At mas matanda ako kay Ikay ng tatlong taon. Kuya. Napaka-totoy ng tingin ko kay Ashton kahit na mas matangkad na siya sa akin ngayon. Pero kahit na gaano pa sya ka-totoy alam kong nagbabasa na sya ng adult magazine. Tsk.


Binalingan ko si Gio. Nakatayo sya sa tabi ni Janin. Para siyang nawawalang tuta kung makatingin sa katabi niya. O baka gusto lang nyang makatikim na ng cookies kaya ganyan sya? Ang batang ito...


"Hoy Gio, magtira ka."


"Opo kuya," sagot niya rin na kumikislap ang mata sa kainosentihan.


Unti unti akong nakaramdam ng pagsakit ng ulo dahil sa dalawang lalaking nasa bahay ko. Makaalis na nga.


"Janin," tawag ko sa tanging tao na maasahan ko rito.


Nilingon niya ako at hinintay ang sasabihin ko.


"Pakibantayan sila."

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon