Dylan

110K 3K 871
                                    


Dylan


Humihikab pa ako habang naglalakad sa lobby ng building ng Royal Star. Lunes. Ngayon ang kukunan ng larawan ang mga artista na gagawing character sa game na gagawin namin. Kasama na roon ang kaibigan ko na si Kean. Kung iisipin, kaya naman itong tapusin ni Digs. Ewan ko nga ba kung bakit ko kailangan pa na pumunta rito. Nahihiya siguro sa mga artista. Kay tangkad na tao pero napaka-mahiyain. Di ko namalayan ang lalaking kasunod ko. Bigla niya akong inakbayan at muntik ko na siyang masiko dahil sa sobrang gulat.


"Kean!" gulat na sambit ko nang makita ang mukha niya.


"Dy, mabuti sabay tayo dumating," masiglang sabi niya. Inalis niya ang pagkakaakbay niya sa akin at sumabay sa paglalakad ko papunta sa elevator.


Pumasok kaming dalawa nang bumukas ang pinto. May isang babae roon na naunang sumakay.


"Okay ka na ba, Dy?" tanong sa akin ni Kean.


"Oo," sagot ko.


"Hindi na ba sumasakit ang likod mo?" tanong ni Kean na mukhang nagi-guilty.


"Hindi na."


"I'm really sorry, alam kong kasalanan ko 'yan," sabi niya.


Ah. Kalahati kasalanan niya pero kasalanan ko rin naman dahil hindi ako nag-iingat. Dahil sa ulan noong sabado, nabasa ni kean ang sahig ng second floor pagkaakyat niya para sabihin sa akin na nasa kusina si Janin. Hindi ko naman iyon kaagad napansin kaya nadulas ako nang malakaran ko iyon.


Oo, masakit nga ang likod ko pero hindi naman ako babasagin para hindi iyon kayanin. Napapailing nalang talaga ako kay Kean.


"Hindi ako babae Kean, para ka naman..."


Bigla akong inakbayan ni Kean.


"Bawi nalang ako sa susunod na pupunta ka sa bahay."


"Kahit hwag na," sagot ko.


"Sigurado ka na hindi na sumasakit ang likod mo?" pangungulit pa niya.


Nailang ako dahil naalala ko na may kasabay kaming babae dito sa elevator. Shit. Mapagkamalan na naman kami. Loko tong si Kean, di nag-iingat talaga.


"Hindi na nga kasi."


"Galit ka?" bulong ni Kean sa akin habang nakaakybay parin.


Gusto kong batukan si Kean dahil hindi siya makaramdam sa paligid niya.


"Shit naman Kean. Kulit mo rin eh."


Nilingon ko siya nang inalis na niya ang pagkakaakbay sa akin. Huminga siya nang malalim at mukhang nagsisisi talaga. Loko talaga 'to, parang yon lang.

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon