Entry #1

628K 11K 1.6K
                                    

Dear Ex-boyfriend,

Marami akong gustong sabihin sa’yo na hindi ko nasabi noong magkasama pa tayo. One month na tayong hiwalay at araw-araw kino-congrats ko ang sarili ko dahil hanggang ngayon hindi parin kita tinatawagan o tine-text. Siguro iniisip mo rin na hindi magtatagal ay bibigay din ako para balikan ka. Katulad noong una tayong nag-hiwalay at ng mga sumunod pa nating paghihiwalay. Ako naman kasi yung mahina sa ating dalawa. Ako yung palaging nauunang sumuko. Ako kasi yung mas nagmamahal. Pero tama na ang isa at kalahating taon ng pagsasayang ko sa buhay ko. Kasi na-realize ko na, na kahit magpaka-tanga ako sa pagmamahal ko sa’yo kahit kailan hindi ka magpapakatanga para sa akin. Kasi ganon ka, sanay ka na nang-iiwan at ako naman ay sanay nang iniiwanan.

Your Ex,

Nin

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon