Kayleen

150K 4.8K 896
                                    

Kayleen

Kumusta kaya si Kuya Kean? Nakita kaya nya si Janin? Sinabi ko naman sa kanya kahapon kung anong floor naka-assign si Janin. Binisita kaya nya sya? Hindi nya ako binigyan ng update kung nagkita na ba sila. Sinabi nya kaya kay Kuya Dylan? Unfair.

"Ano'ng problema?" tanong ni Ashton.

Nalipat sa kanya ang tingin ko mula sa cellphone ko.

"Si Kuya Kean di ko tine-text. Unfair," sumbong ko sa kanya.

Bumuntong hininga sya. "Nandito ako pero iba ang iniisip mo," sabi nya na parang walang gana.

"Huh? Sorry! May gusto lang kasi akong malaman eh. Meron na kasi syang lovelife. Gusto kong malaman kung successful yung una nilang pagkikita," paliwanag ko saka ko sya nginitian. "Sorry na, baby boy."

Automatic na namula ang mukha nya na umabot hanggang sa leeg nya.

"S-Sabi ko sayo hwag mo akong tatawagin na baby boy kapag maraming tao," aniya saka sya uminom ng juice.

"Sorry na, baby boy," ngiting-ngiti kong sabi. Ang cute nya talaga!

"Kung hindi ka lang cute..." bulong nya.

"Ay ganon? Paano kung di ako cute?"

"Kung hindi lang kita mahal," pag-iiba nya na ikinapula pa lalo ng mukha nya. Ang cute ng tenga nyang namumula.

"I love you too! Ubusin mo na yung cupcakes na ginawa ko."

"Pero Kayleen, date 'to, hindi ba?"

Ngumiti ako. "Oo naman! Nagde-date tayo ngayon!"

"Kung ganon, bakit mo sinama yan?" turo nya sa katabi ko.

Nasa isa kaming coffee shop ni Ashton. Plano namin na manood ng sine mamaya. At may double date kami kasama sina Ashleen at Alex mamayang dinner. Sa ngayon, ang tinuturo ni Ashton ay ang ka-bandmate nyang si Gio.

"Hwag nyo akong pansinin," ani ni Gio saka muling kumagat sa hawak na cupcake. Mukhang ang saya saya nya kumain.

"Kain ka pa Gio. Marami akong ginawa kanina."

"Thank you," kumuha sya ng dalawang cupcake mula sa dala kong tupperware.

"Wala ka bang ibang pupuntahan?" tanong sa kanya ni Ashton na halatang gusto syang paalisin.

"Wala."

Tumingin sa akin si Ashton.

Kinabahan ako. "Erm. Pumunta sya sa bahay kanina kasi gusto raw nya kumain. Kaso paalis na ako non sa bahay kaya sumama nalang sya sa'kin dito."

"Kunin mo na lahat ng cupcakes at iwan mo na kami Gio," utos ni Ashton.

"Malungkot kumain mag-isa."

"Hindi na namin problema yon."

Nagpatuloy lang sa pagkain si Gio. Nararamdaman ko ang disappointment ni Ashton. Ano ba ang gagawin ko sa ganitong sitwasyon? Hindi ko naman pwedeng paalisin si Gio. Kaya mo bang paalisin ang isang cute na batang nagugutom at ayaw kumain mag-isa? Hindi mo kaya diba? Hindi mo yon magagawa sa isang cute at inosenteng katulad nya! Hindi mo yon kaya! Tanging walang pusong nilalang lang ang makakagawa non. At... at... si Gio ang aking number one fan! Lahat ng bine-bake ko pinupuri nya. Hwaa~

"Bakit?" tanong sa akin ni Ashton.

Kanina ko pa kasi sya tinititigan.

"Ang gwapo mo," nakangiting sagot ko.

Hindi na sya sumagot pero nakita ko ang pag-angat ng sulok ng kanyang labi habang umiinom sa baso nya. Hehe! Success!

Biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa mesa. Kinuha ko yon at binuksan. Galing ang text kay Kuya Kean. 'I saw her yesterday, she didn't see my face. Can you ask her what floor she's assigned today? Please?'

Tinext ko sya ng okay at muling tinext si Janin. Binaba ko ang cellphone ko at kumain ng cupcake. Hmm. Yung text ni kuya Kean parang... 'she didn't see my face'? Ibig sabihin ba non, nakatalikod sya kay Janin? Hahaha! Torpe pala si kuya Kean!

"Nakangiti ka," puna sa'kin ni Ashton.

"Hahaha! Si Kuya Kean kasi," tawa ko.

"Kean na naman..." bulong nya.

"Baby boy naman."

"Kung hindi lang kita—"

"Mahal! I love you too!"

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon