Dylan

107K 3.3K 559
                                    

Dylan


Abala ako sa pag-test ng program ko nang biglang tumunog ang chatbox.


Pancho: Master! Pumunta ka na sa Monday!


Kahit pumunta ako roon, wala naman akong gagawin. Sa mga deals, si Pancho ang kumakausap sa mga kliyente. Kung gusto nya ng kasama, pwede naman nyang isama si Digs na graphic designer namin. Sa behind the scenes lang ako nagtatrabaho, ang programmer ng team.


"Kuya! Kuya!" tawag sa akin ni Ikay mula sa labas ng kwarto ko. Bumukas ang pintuan ng kwarto ko at nagmamadali syang pumasok. "Kuya Dylan!!!" sigaw nya malapit sa tenga ko.


Napahawak ako sa tenga ko. "Ikay! Ano ba ang problema mo? May ginagawa ako."


"Kuya! Kuya! Si Janin!" nagpa-panic na sabi nya.


"Bakit?" Kinabahan ako bigla sa hitsura ni Ikay. "Anong nangyari sa kanya?"


"Umalis ng bahay!"


"Huh?! Saan daw pupunta?"


"Sa mall."


Napakamot ako sa ulo ko. Sa mall lang pala. Akala ko naman kung saan na. Humarap na ulit ako sa screen ng computer ko at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.


"Kuya!! Sundan natin sya!!" hinawakan nya ang sleeve ng tshirt ko at hinila-hila. "Kuya!!"


"Ikay, malaki na yung kaibigan mo. Hindi na maliligaw 'yon."


"May mali kay Janin kuya. Ang weird ng mga kinikilos nya simula pa kahapon. Nag-aalala ako. Baka makikipagkita sya sa ex nya. O kaya baka may nag-contact sa kanyang budol gang!"


Bumuntong hininga ako. "Baka naman nasobrahan lang sa pagpapakain mo ng biscuit na gawa mo, Ikay. Alam mo, ang pagkain ng ganoon karaming biscuit, kailangan ng proper training nyan. One hundred push-ups, one hundred sit-ups araw-araw."


"Kuya naman e!" Hinampas nya ako sa balikat. "Seryoso ako tapos niloloko mo lang ako!"


"Ikay, palagi naman akong seryoso pagdating sa'yo."


Hindi sya sumagot. Sinilip ko ang mukha nya. Nagulat ako dahil mukha na syang iiyak. "S-Sige na, Ikay. Ano ba ang gusto mong gawin ni Kuya?" nakangiti kong tanong sa kanya.


Pinatay ko ang monitor ng computer ko at tuluyan humarap sa kanya.


"Sundan natin sya!" utos nya sa akin. "Magbihis ka kuya!" tinalikuran na nya ako at nagmartsa sya palabas ng kwarto ko.


Napailing ako. Tumayo na ako at kumuha ng pamalit na damit mula sa drawer. "Si Ikay talaga..."


Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon