Entry #13

156K 4.8K 343
                                    

Dear Ex-Boyfriend,

May inampon akong aso. Nakita ko syang gumagala sa tapat ng apartment ko. Ang payat nya at nalalagas na rin ang mga balahibo sa ibang parte ng katawan nya. Hindi sya pwede sa loob ng apartment, gusto ko syang dalhin sa loob pero hindi pwede. Hindi rin naman sya papasok dahil hindi pa nya ako kilala. Binibigyan ko sya ng pagkain araw-araw. Tuwing umaalis ako para pumasok sa school at tuwing umuuwi ako. Unti-unti nagkakalaman na sya at nagkakaron ng buhay ang mga mata nya. Hinihintay nya ako palagi sa tapat ng apartment ko mula umaga hanggang gabi.

Mabuti pa ang aso kahit na iwan mo nang matagal hihintayin  ka parin. Magiging loyal sya sa’yo at ipagtatanggol ka rin. Sana ganon din sa mga tao. Bigyan mo ng kaunting atensyon, alagaan mo at mahalin, mamahalin ka rin pabalik. Sana hindi rin sila nang-iiwan at nananakit ng mga taong nagmamahal sa kanila.

Sa ilang linggo na pinagsamahan namin ng inampon kong aso, narealize ko na mas malaki ang naibigay nyang pagmamahal sa akin kumpara sa naibigay mo sa loob ng isa at kalahating taon. Kung malalaman mo kaya ito, ano ang mararamdaman mo? Na ikinumpara kita sa isang galang aso?

Your Ex,

Nin

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon