Entry #2

455K 8K 689
                                    

Dear Ex-Boyfriend,

Siguro alam mo na noong umpisa palang, bago mo pa malaman ang pangalan ko, alam mo na kung ano ang mga bagay na kinatatakutan ko. Maiwan. Nahalata mo siguro sa kilos ko o sa mga mata ko kung ano yung isang bagay na sobrang kinatatakutan ko. Kaya siguro ako ang nagustuhan mo. Dahil alam mo na kahit ilang ulit mo akong iwan o ipagpalit, tatanggapin parin kita. Ang tanga ko talaga no? Pero minahal kasi kitang gago ka. Nagpa-uto ako sa mga salita mo. At oo, gago ka. Hindi ko nasabi ‘to noong tayo pa. Pero ang laki mong gago kasi sinaktan mo ang isang taong nagmahal sa’yo ng totoo. Isang araw, alam ko na mag-sisisi ka. Yung araw na ‘yon ang araw na wala nang matitira na tao na magtyatyaga sa’yo. Kasi gago ka! Ang laki mong gago! Pero minahal kita kahit na gago ka. At maraming babae ang magpapakatanga sa isang katulad mo kahit gago ka pa.

Your Ex,

 Nin

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon