Dylan

118K 2.9K 510
                                    

Dylan


Kakatapos ko lang basahin ang proposal ni Pancho. Sobrang simple lang ng dating sim game na gagawin namin. Hindi rin ganoon kabigat ang graphics katulad ng inaasahan ko. Parang libro lang ito na may kwento, pipili ka ng gusto mong i-date at may mga options ka sa gagawin o sasabihin mo sa bawat scenario. At depende sa mga sagot mo kung mapupunta kayo sa happy ending o friendzone.


Kaya namin itong tapusin sa loob ng isang buwan. Ngayong naalala ko na, isa lamang itong trial katulad ng sabi ni Pancho kaya siguro hindi ganoon kalaki ang game. Hindi kami mahihirapan dito, kahit kami lang ni Digs ang tumapos nito.


Three hundred thousand ang bayad para sa ganitong kasimple na project. Mas malaki ang bayad nito kumpara sa mga ginawa naming sales and inventory at iba pang websites. Nang sabihin sa akin ni Pancho ang offer, akala ko ay may ipapadagdag silang espesyal sa laro. Pero normal lang ito katulad ng ibang dating sim. Paano kaya nakuha ni Pancho ang project na 'to? Hindi kaya ibinenta nya ang kaluluwa nya?


Nagulat ako nang tumunog ang cellphone ko. Inabot ko ang cellphone mula sa ilalim ng unan ko.


BickDIG: dy

Dillan: oi

Dillan: bakit?

BickDIG: last project ko na to

Dillan: ha?

BickDIG: pinapasunod ako ni insan sa dubai

BickDIG: kailangan nila ng marunong sa autocad

Dillan: wow

Dillan: nasabi mo na ba kay pancho?

BickDIG: hindi pa

BickDIG: tulungan mo ako magsabi

BickDIG: kilala mo naman yon

Dillan: sige

Dillan: kailan ang alis mo?

BickDIG: next month


Haaah. Kapag nawala si Digs, hindi na balanse ang team. Siguradong mahihirapan yon kay Pancho. Tumayo ako sa kama at lumabas ng kwarto. Nakaamoy ako ng mabangong luto sa kusina kaya pinuntahan ko. Nakita ko sina Ikay at Janin na nagluluto ng ulam.


"Ang bango naman nyan. Anong niluluto nyo?"


"Gising ka na pala, kuya." Inilapag ni Ikay sa lamesa ang kasasandok pa lamang sa kawali na ulam. Nakita ko ang berdeng kulay ng ampalaya, itlog at maliliit na piraso ng karne.


Napaatras ako.


"Inaantok pala ako. Matutulog na ako ulit." Tumalikod na ako at naglakad palabas ng kusina. Bigla naman akong hinila pabalik sa lamesa ni Ikay.


"Kuya! Kumain ka muna, niluto namin to ni Janin," sabi niya. Humigit pa sya ng isang silya at pinilit akong umupo. 


"Hindi ka ba kumakain ng ampalaya?" tanong ni Janin. May hawak syang mga plato at inilagay iyon sa lamesa.

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon