Dylan

77.9K 2.7K 690
                                    


Dylan


"Salamat saan—" natigilan ako sa tanong ko nang maramdaman kong may dumamping malambot na bagay sa kanang pisngi ko. Noong una ay nalito ako kung ano iyon kaya napatingin ako kay Janin. Nakita ko siyang nakatingkayad at malapit ang mukha sa akin. Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko. Shit.


"Para sa lahat," nakangiti niyang sagot.


Saglit akong natulala sa mukha niya. Uminit nang husto ang mukha ko. Gulat at hindi parin ako makapaniwala sa nangyari.


"A-ah. Y-you're welcome." Napalunok ako. Shit. Ang init ko. Parang lalagnatin ako.


May narinig akong tunog nang tila nagmamadaling sasakyan. Lumingon ako sa pinanggalingan non at nakita ang nag-U-turn na kotse. Hindi ko na sana pupunahin iyon pero nakita ko ang plate number sa likod. Para akong nabuhusan ng balde ng tubig.


"Shit. Si Kean," sambit ko habang nakatingin doon.


"H-huh?"


"Shit. Shit. Shit."


Pumasok ako sa gate at dumiretso sa garahe. Kinuha ko ang helmet ko at nagmamadaling isinuot iyon. Naramdaman kong sumunod sa akin si Janin.


"Aalis ka?"


"Oo. Pakisabi kina Mama at Papa na kasama ko si Kean."


"Dylan... Sorry."


"Ayos lang, Janin. Kailangan ko lang ipaliwanag sa kanya ang nakita niya. Siguradong nasaktan 'yon."


Umiwas siya nang tingin. Wala na ang ngiti niya kanina. Tinapik ko siya sa balikat at sumakay na sa motor ko. Pinaandar ko na ito palabas ng gate at nagmamadaling sinundan ang sasakyan ni Kean.


***


Huminto ang sasakyan ni Kean sa Caeci Domina. Inalis ko ang suot kong helmet matapos iparada di kalayuan doon ang motor ko. Mabilis akong naglakad patungo sa entrance pero may dalawang security na pumigil sa akin.


"Sir, hindi po kayo pwede sa loob," sabi ng isa sa kanila.


Sa dami ng pagkakataon na mahaharang ako, ngayon pa.


"May kailangan akong kausapin sa loob," paliwanag ko.


"Sige po sir, ano po ang pangalan at itatawag namin."


"Si Kean Lee."


Nagkatinginan ang dalawang lalaki. Ang isa sa kanila ay gumamit ng radio tranceiver at tinanong kung may hinihintay na guest si Kean.

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon