Dylan

178K 4.7K 573
                                    

Dylan

Napasipol ako nang makita ang suite ni Kean. Iba talaga kapag VIP. Umupo ako sa couch. Chineck ko ang cellphone ko para i-text si Kayleen. Lumapit naman si Kean sa mini bar para kumuha ng inumin.

“Sigurado ka ba na okay lang na nandito ako?” tanong ko habang nagte-text.

Nagulat ako sa text message nya kaninang umaga na pinapupunta ako rito.  Alam kong busy sya ngayon dahil sa papalapit na showing ng movie nya. Marami silang pupuntahan na lugar para sa promotion ng pelikula.

“What do you mean?”

Sasabihin ko ba sa kanya na may kumakalat na chismis tungkol sa amin? Tsk. Awkward. Hwag nalang.

“Nevermind,” sabi ko. “Kumusta?”

Inabutan nya ako ng malamig na coke in can. Umupo sya sa kabilang sofa na katapat ng akin. Huminga sya nang malalim. Mukhang problemado.

“Laki ng problema mo ah? Tungkol saan ba yan?” Binuksan ko ang coke at uminom.

“In love ako.”

Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko. “Seryoso ka ba?”

“Hindi ko sya maalis sa isip ko,” kwento pa nya.

“Wow. Malala nga yan.”

“Pero may problema ako. Hindi ko sya mahanap.”

In love sya sa babaeng di nya mahanap. Paano sya na-in love? Ito ba yung mga kwento na napapanood ni Mama sa tv?

“Sandali. I need time to process this. Kean, alam kong hindi ka mahilig sa mga babae pero ito ang unang beses na maririnig kong nakipag-one night stand ka. Hindi ako interesado sa detalye pero kung talagang—”

Bigla syang tumawa nang malakas.

“No. Hindi sya ganoong klase ng babae.”

“No offense meant, Kean. Anong klase ng babae ba ang bumihag sa puso mo?” natatawa kong tanong.

“Sya yung tipo ng babae na sobrang nasaktan.”

“Ah. Damsel in distress.”

“Pero hindi pa kami nagkikita.”

Napa-kunot ako ng noo. “Ha? Teka, naguguluhan ako.”

“Love before first sight siguro ang tawag dito,” natatawa nyang sabi.

“Paano ka na-in love sa babaeng di mo pa nakikita? Textmate ba kayo? Uso pa ba ‘yon?”

Tumayo sya at may kinuha sa bag nya na nakapatong sa lamesa. May kinuha syang pink na notebook na ikinalaki ng mga mata ko. Shit. Tinignan kong mabuti si Kean. Pink?

Napansin nya ang uri ng tingin na ibinibigay ko sa kanya. “Bago mo ako tignan ng ganyan, gusto ko’ng sabihin sa’yo na hindi sa akin ‘to. Diary ‘to ng babaeng gusto kong hanapin.”

“Hehe. Hindi ko naman pagdududahan ang pagkalalaki mo Kean,” paliwanag ko. Napatingin ako sa notebook. “Kung ganon na-in love ka sa babaeng nagsulat sa journal na yan?”

Binuklat buklat nya ang journal. “May mga entries sya rito na nabanggit ang pangalan ni Kayleen.”

“Kapatid ko?”

“Hindi ko sigurado.” Huminga sya nang malalim. “Mukhang college student din sya katulad ng kapatid mo. Kaya naman naisipan kong ipatanong sa’yo kung may kakilalang Nin si Kayleen.”

Naitanong ko na kay Kayleen ang tungkol sa babaeng may pangalan na Nin. Wala naman daw syang kilala na may ganoong pangalan.

“Hintayin nalang natin na makarating dito ang kapatid ko para makausap mo sya.” Sumandal ako sa sofa. “Ano ba ang balak mo Kean? Pagkatapos mo syang mahanap, ano ang balak mong gawin?”

“Gusto ko syang makilala.”

Napabuntong hininga ako sa sagot nya.

“Mula highschool tayo ganyan ka na. Palagi kang naa-attract sa mga babaeng may malaking pasanin sa buhay. Pero iba na ngayon Kean, kung magugustuhan mo sya baka lalo mo lang syang maipahamak.”

“Sa tingin mo?”

“Maraming nagmamahal sa’yo bilang artista, Kean. Ano nalang ang gagawin ng mga tao kung malalaman nilang may babae ka nang nagugustuhan? Hindi naman nila matatanggap ‘yon nang ganoon kadali. May ilan na maiintindihan ka pero alam mo kung gaano nagiging kasama ang mga salita nila pagdating sa social media. Buong pagkatao ng babaeng mamahalin mo ang huhusgahan nila.”

Napagsalikop nya ang kanyang mga kamay. Itinukod nya ang kanyang mga siko sa kanyang tuhod at yumuko.

“Tama ka. Siguro nga mas mabuti na hindi ko sya hanapin. Kahit na gaano ko pa sya kagustong makita, sa tingin ko mas mahihirapan sya kung bibigyan ko sya ng atensyon. Pero gusto ko parin syang matulungan, kahit papaano. Kahit na gaano kaliit na bagay, gusto ko syang matulungan. Para naman gumaan ang pakiramdam nya.”

“Ganoon ba kabigat ang problema nya?”

“Nang mabasa ko ang mga nakasulat dito,” turo nya sa journal. “Pakiramdam ko may isang parte ng pagkatao nya na nagmamakaawang sagipin sya. Gusto ko syang bigyan ng pag-asa. Gusto ko syang makita. Gusto ko syang tulungan kahit na mula sa malayo lang.”

“Kean, may mga taong hindi mo kayang sagipin kahit na tulungan mo. May mga tao na hindi aabutin ang kamay na iaalok mo. May ilang tao na, nakalimutan na kung sino sila dahil sa problemang dinanas nila.” At may mga tao na gagamitin ka lang. Pero alam kong alam mo na ‘yon.

“Pero hindi ko sya kayang pabayaan nalang.”

“Concerned lang ako sayo Kean, ayokong mangyari ulit ang nangyari noong college pa tayo. Ayokong makita ka ulit sa ganoong kalagayan.”

Pero kahit na ano’ng sabihin ko sa’yo Kean, alam kong hindi ka rin makikinig. Tutulungan mo parin ang taong ‘yon kahit na ika-sira mo pa. Katulad ng nangyari noon.

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon