Dylan

109K 3.2K 492
                                    

Dylan



"...it is rare to find someone like you, who looks much more adorable than any woman."


"Hindi ako homo."


"Needless to say, you are more convenient too since you cannot get pregnant.


"Hindi ako bakla!"


"What do I do? I think I like you too."


"AAAAAAAAAAARGH!!!!"


Riiiiiiiiiiiiiiiiing!


Nalaglag ako sa kama ko sa sobrang gulat sa tumutunog na alarm clock. Panaginip. Bangungot! Nanlalamig ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Shit. Parang nandito parin sya sa paligid at tinitignan ako gamit ang asul nyang mga mata. Shit! Straight ako! Shit yan! Lalagnatin pa yata ako sa sobrang...


May kumatok sa pintuan ng kwarto ko.


"Dylan," tawag ni Mama mula sa labas ng pinto. "Kakain na. Lumabas ka na r'yan."


Automatic na nawala ang kaba ko nang marinig ko ang boses ni Mama.


"Opo, Ma!" sagot ko.


Inabot ko ang alarm clock mula sa kama at in-off. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Nang makita ko si Janin na naglalakad papunta sa kusina, napabalik ulit ako sa loob ng kwarto ko. May ibang tao nga pala rito, mabaho na ba ang shirt ko? Pinagpawisan ako sa bangungot ko. Kalimutan ko na nga 'yon. Nagpalit ako ng tshirt saka lumabas at pumunta sa kusina.


Nakahanda na ang almusal sa lamesa. Nakaupo na sina Mama at Papa, pati narin sina Ikay at Janin. Sandali kaming nagpasalamat sa Diyos bago kumain. Nang matikman ko ang luto ni Mama, kalahati ng bangungot ko ang nawala. Nagpapasalamat talaga ako dahil ipinanganak ako sa pamilyang ito. Hindi ako nauubusan ng masasarap na pagkain.


May isang mukha ang nagsumiksik sa isip ko. Si Gio. Ang karibal ko sa pagkain. Nandito nga pala iyon kahapon. Siguradong nalimas na naman ang cookies na gawa ni Ikay. Kung daga lang yon, lalagyan ko na yon ng mouse trap. Wala bang para sa tao?


"Maaga kaming uuwi ng Mama nyo, anong gusto nyong gawin natin mamaya?" tanong ni Papa.


"Talaga po, Pa?" kumikinang sa excitement ang mga mata na tanong ni Ikay.


"Oo. Babawi naman kami ng Mama nyo. Matagal tagal din nang huli tayong nakalabas."


"Oo nga, sulitin natin ang bakasyon mo Kayleen," sabi ni Mama.


"Sige po, mag-iisip ako mamaya kung saan tayo pupunta," masayang sabi ni Ikay.


"Ako ba hindi nyo tatanungin kung saan ko gusto?" tanong ko.


"Ay nako, Dylan malaki ka na. Hindi ikaw ang bunso," nakangiting sabi ni Mama.


"Oo nga kuya, hwag ka nga," parang bata na sabi ni Ikay na ikinatawa naman nina Mama at Papa.


Naiiling ako habang tumatawa sa kanila. Napatingin ako sa direksyon ni Janin. Nakita ko syang nakayuko. Nang mag-angat sya ng tingin para tumingin kina Mama, nakita ko kung gaano kalungkot ang mga mata nya. Nang maramdaman nya ang tingin ko, lumingon sya sa akin at mabilis na nag-iwas ng mata.


"Janin, sasama ka sa amin mamaya, ha?" aya ni Mama.


Tumingin sa kanya si Janin. "S-Sige po."


Pinanood ko si Janin hanggang sa biglang tawagin ni Papa ang pangalan ko. Nahalata nya yata akong nakatitig kay Janin. Pero hindi ko kasi maalis ang tingin ko sa kanya. May kung anong kababalaghan ang bumabalot sa taong ito. Hindi ko lang alam kung ano ba iyon. May biglang sumagi na tanong sa isip ko. Nasaan ang pamilya ni Janin?


Nang umalis sina Mama at Papa nagpaalam si Ikay sa akin na aalis daw sila ni Janin para puntahan si Ashleen. Napabuntong hininga naman ako dahil ako na naman ang tao dito sa bahay. Madalas talaga akong mag-isa. Lalo na nang dumating sa buhay ni Ikay si Ashton. Tsk. Hindi na ako ang paborito ni Ikay.


Nakaupo ako sa office chair ko at nagpaikot ikot sa harap ng computer. Sobrang boring! Kakatapos lang ng trabaho ko. Kailan kaya darating ang next offer? Kadalasan si Pancho ang bahalang humanap ng mga kliyente. Isa kaming team nina Pancho at Digs. Basta kahit na anong may kinalaman sa programming, tinatanggap namin basta legal.


Pero itong sina Pancho, pati paggawa ng thesis ng ibang college students pinasok na rin. Kumikita rin kasi sila doon. Ayokong makisali sa kanila. Walang thrill kung college level ang system na gagawin namin. Napagdaanan na kasi namin yan noon. Paulit-ulit nalang ang mga thesis proposals. Kung hindi website, inventory system naman. Mas gusto ko ng komplikado. Kahit na nakakabaliw, ang saya naman sa pakiramdam kapag natapos mo. Tipong naakyat mo ang Everest.


Tumunog ang cellphone ko at nakita kong nag-chat sa akin si Pancho. Lakas makaramdam nito ah.


SuperPunch: Master!

Dillan: Oi

SuperPunch: May client na tayo!

Dillan: Di nga? Ano comp?

SuperPunch: Talent agency nyaha :D

Dillan: ...

SuperPunch: Artista na tayo master! :D

Dillan: ...

BickDIG: Client natin ang Royal Star

Dillan: O_O

SuperPunch: Pakyu Digs! Epal!

Dillan: ANONG PROJECT?

SuperPunch: Sa Monday pa idi-discuss. Sumama ka!

SuperPunch: Sambahin nyo ako mga alipin!!! NYAHAHAHA!!

SuperPunch: ...

Seen by everyone


SHIIIIIT!!! Ang galing mo Pancho! Paano mo nakuha yon? Shit. Teka. Doon sina Kean ah. Ano kayang ipapagawa nila? Shit malaking kompanya 'to! Teka... May nakakalimutan ako. Dito rin si... yung homo. Shit yan! Makikita ko ba sya doon? Nanginig ako. Bigla akong nanlamig. Tsk.


Dillan: Good job! Kayo na bahala sa Monday!

SuperPunch: MASTEEEEEEEER!!!


Bahala na. Nakasalalay dito ang pagkatao ko. Ako nalang ang iiwas. Ayokong sumugal.


Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon