Janin

154K 4.4K 231
                                    

Janin

"This is unacceptable! Paano nyo nagawa yon sa isang VIP guest?! Hindi nyo man lang ba naisip kung ano ang magiging epekto nito sa hotel?" galit na sabi ni Ms Glam sa amin ni Jammy.

Matapos naming linisin ang buong 30th floor kanina, kaagad nya kaming ipinatawag sa kanyang opisina. Narinig nya ang mga nangyari kanina sa security team ng hotel. Nakita rin nya ang video na kuha kanina mula sa CCTV.

"S-Sorry po Ms Glam," sabi ni Jammy.

Nanatili naman akong tahimik at nakatingin sa sahig. Wala namang mali sa ginawa ko. Hindi rin sya dapat na mag-sorry kay Ms Glam.

"This is the first time na nangyari ito sa hotel na ito! Paano nyo malilinis ang pangalan ng hotel sa mga VIP guests natin? Sabihin nyo! Malaki ang influence nila sa media. One word at kaya nilang sirain ang pangalan ng hotel. Dito pa naman gagawin ang press conference nila! Mga hindi kayo nag-iisip! Bakit kailangan ngayon pa kayo pumalpak?" galit na galit na sabi nya. "Janin, magsalita ka!"

"Ms Glam wala kaming ginawang mali. Kung may nagkamali man dito, sila—"

"I don't wanna hear your excuse! Bilang staff ng hotel na ito, duty natin na pagsilbihan at gawing komportable ang mga guests. Now tell me, paano sila magiging komportbale kung alam nilang may mga katulad mo rito sa hotel?"

Sinalubong ko ang tingin nya. "Ms Glam, sa tingin nyo okay lang kung mabastos ang staff nyo, hwag lang ang mga guests?"

"That's it Janin! I've had enough of this. Umuwi ka na, you're done for today. Hangga't wala pang naiisip na desisyon ang General Manager about your actions, umuwi ka muna. Hindi ko kayang makita ka ngayon," sabi nya. Umupo sya sa swivel chair nya na mukhang pagod sa pagkausap sa akin.

Lumabas kami ni Jammy ng opisina. Nakatingin sa aming dalawa ang ibang staffs ng hotel na nakarinig ng usapan mula sa opisina. Sa lakas ng boses ni Ms Glam, siguradong narinig nila lahat yon. Dumiretso ako sa locker ko para kunin ang damit ko pamalit.

"Sorry Janin," narinig kong sabi ni Jammy mula sa likuran ko.

"Okay lang ba kayong dalawa?" tanong ni Karen.

Hindi ko sila hinarap at nagpatuloy sa pagbibihis.

"Pero last day mo na Janin bukas. Kung hindi ka nila papatapusin sa OJT mo, uulitin mo 'yon sa ibang lugar," sabi ni Rochel.

"Pwede nilang patapusin si Janin sa OJT nya pero malalagyan sya ng bad remarks at mababang grade," komento ni Karen.

"Mas mabuti siguro kung mag-sorry ka nalang Janin," suhestyon ni Jammy.

Sinarado ko ang locker ko at hinarap sila. Binitbig ko ang bag ko.

"Hindi ako magso-sorry. Kung gagawin ko 'yon, parang sinabi ko na rin na okay lang ang ginawa nila. Parang sinabi ko na rin na tama ang ginawa nila. Hindi 'yon okay para sa akin. At walang problema sa'kin kung kailangan kong ulitin ang OJT ko, wala rin naman akong balak na mag-quit sa pagta-trabaho ngayong summer vacation."

"Janin," sambit ni Jammy. Alam kong nagi-guilty sya sa nangyari. Pero wala naman syang kasalanan.

"Uuwi nalang muna ako ngayon." Naglakad na ako at nilagpasan silang tatlo. "Babalik ako bukas."

Lumabas na ako ng locker room at dumiretso palabas ng hotel. Uuwi nalang muna ako ngayon. May maliit na parte sa isip ko na gustong bumalik at magmakaawa na patapusin nila ako sa OJT ko. Pero maliit na parte lang yon, mabilis ding naalis sa isipan ko yon nang makatawid ako sa footbridge at makasakay ng bus. Hindi ako magso-sorry.

Nang makauwi na ako sa apartment ko, pinakain ko kaagad si Sirius. Wala na syang sipon at magana na ulit syang kumain. Naglinis ako ng apartment ko buong araw.

Kinabukasan bumalik ako sa hotel. Kakatapos ko lang sa pagbibihis ko nang lapitan ako ni Charity. Pinatatawag daw ako ni Ms Glam sa kanyang opisina.

"Nakausap na namin si Ms Yna, ang sabi nya hindi mo na kailangan mag-sorry sa kanya," sabi ni Ms Glam. Nakaupo sya sa kanya swivel chair at may tina-type sa laptop. "Pero sinabi nya ang opinyon nya sa nangyari at nagdesisyon ang management para makabawi ka sa hotel. Since last day mo na ngayon, ia-assign ka namin sa lugar na ikaw lang ang maglilinis."

"Walang problema sa akin."

"Maganda sana kung kinabahan ka man lang Janin at nagsabi ng sorry. Baka sakaling magbago ang desisyon namin," sabi nya at tinitigan ako. "In charge ka sa paglilinis sa buong conference room. Hindi namin iyon ipinagalaw kahapon kaya naman marami paring kalat doon. Kailangan mong linisin yon at tapusin ngayong araw. That is all."

Pagkalabas ko sa opisina ni Ms Glam, sinalubong ako nina Rochel, Karen at Jammy. Mukha silang kinakabahan para sa akin.


"Anong sabi ni Ms Glam, Janin?" tanong ni Jammy na kagat kagat ang kuko sa hintuturo nya.



"Kailangan ko lang linisin ang conference room ngayong araw," paliwanag ko.

"C-Conference room?! Ang laki non ah! Kalahati na 'yon ng isang buong floor! At ang dami pang pumunta kahapon dahil sa press conference sa movie nina Sir Kean," sabi ni Rochel.

"Oo nga, sigurado ka bang kaya mo? Pupuntahan ka namin mamaya para tumulong," sabi ni Karen. Tumango naman sina Rochel at Jammy bilang pagsangayon sa plano ni Karen.

Umiling ako. "Hwag nyo akong alalahanin, may iba pa kayong trabaho ngayon."

"Pero Janin," tutol ni Jammy.

"Magaan lang na parusa 'to. At ang isa pa, huling araw ko na ngayon sa hotel, gusto kong tapusin ang assignment ko ngayon para wala silang masabing masama sa performance ko pagdating sa cleaning."

Kahit na magkakaroon ako ng bad remarks dahil sa inasal ko sa isang guest, hindi naman matatamaan ang grades ko sa service ko. Sigurado rin ako na maganda ang grade ko mula sa kitchen staffs.

Pumunta na ako sa conference room na nasa second floor lang dala ang isang cart ng cleaning supplies. Malaki ang conference room na kayang magpapasok ng hanggang walong daang tao. Sumalubong sa akin ang magugulong silya, lamesa at maduming sahig. Umuulan nga pala kahapon. Kailangan kong linisin ang wooden floor. Siguro dapat tinanggap ko nalang ang mga tulong nina Karen. Pero kailangan ko itong gawin mag-isa. Ngayon, saan ako mag-uumpisa?

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon