Dylan

80.4K 2.4K 927
                                    


Dylan



Napapansin kong weird si Ikay ngayong araw. Hindi lang ngayon, nag-simula pa ito kagabi. Pero ang akala ko, inaantok lang siya kaya hindi niya ako kinausap pagka-uwi namin.


"Kuya, ibili mo nga ako ng mongo bread sa SM."


"Wala ba sa bakery sa tapat?" tukoy ko sa bakery na nasa tapat ng subdivision.


"Gusto ko yung nasa SM. May slice na kasi," sabi niya.


"Ikay naman, hihiwain ko nalang yung tinapay para sa'yo—"


"Kuya, gusto ko nga yung nasa SM. Ano ba?" parang naiinis na sabi niya.


Tinignan ko siya at nakaramdam ako ng takot. Bakit parang inaaway niya ako? M-may nagawa ba akong masama? AH! Kinain ko ba yung ibibigay niya dapat kay Ashton? Aksidente ko bang nagamit ang paborito niyang mug? Nagkalat ba ako sa sala?


In-off ko muna ang monitor ng computer ko saka ako tumayo sa upuan. Mamaya ko na re-replyan ang email ni Pancho.


"Sige, ibibili na kita."


Tumalikod siya at lumabas na ng kwarto ko.


I-Ikay... n-nasaan ang t-thank you mo? Palagi siyang sweet kapag may ipapagawa siya sa'kin pero iba ngayon. G-galit nga si Ikay.


M-may nagawa nga akong masama... Ano ba ang kasalanan ko?


***


Pawis na pawis ako na naglakad papunta sa pinto ng bahay namin.


"I-Ikay natabas ko na yung damo sa garden ni Mama," sabi ko pagkapasok ko sa loob ng bahay.


Agad akong napahiga sa sofa. Sobrang init sa labas.


"Ah. Good. Ipasyal mo na sina Siri at Toothy," utos ni Ikay sa akin habang siya ay nagbabasa ng recipe book sa kabilang upuan.


"Ikay naipasyal ko na sila kanina, bago mo ako inutusan umakyat ng puno at ipitas ka ng mangga." Kahit na sinabi ng kapitbahay namin na bibigyan nalang nila kami dahil nakapitas na sila kahapon. Ayaw naman pumayag ni Ikay. Huhu.


"Ay ganon? Sige, magbunot ka ng sahig, kuya."


"Ikay, tiles ang sahig natin."


"Edi i-mop mo."


"Sandali nga, bakit ka ganyan mag-utos?" tanong ko. "Ano ba talaga ang kasalanan ko sa'yo? Hindi ka ba naaawa sa'kin?"


"Haaah?" tinignan niya ako mula sa binabasa niyang recipe book.


Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon