Leon

105K 2.9K 483
                                    

Leon


"Please, let's break up."


Humigpit ang kapit ni Leon sa kanyang manibela at mas bumilis ang takbo ng kanyang pulang Dodge Viper.


Isang taon na ang lumipas simula nang sabihin iyon sa kanya ni Janin. Hindi parin mawala sa isip niya ang nangyari ng gabing 'yon. Bigla nalang itong nakipagkita sa kanya para sabihin na gusto na nitong tapusin ang relasyon nila. Napangiti sya ng mapakla.


Ang hindi niya matanggap ay kung paano ito biglang umalis matapos 'yon. Tila ba kung ano man ang sasabihin niya ay hindi na mahalaga pa para rito. Kasunod non ay bila nalang itong naglaho. Tumiim ang kanyang bagang. Wala siyang plano na pigilan ito sa gusto nito pero sa kanya dapat nanggaling ang mga katagang iyon.


"...let's break up."


Nalasahan niya ang pakla sa kanyang dila. Shit. Parang kahapon lang iyon nangyari. At dammit! Hindi parin niya makalimutan iyon! Eksaktong isang taon na ngayon! Pero naaalala nya parin. Fuck!


Huminto ang sasakyan niya sa tapat ng GoBoh; isang bar na may bilyaran sa loob. Rinig niya ang malakas at mabilis na musika sa labas palang ng entrance. Pagkapasok niya ay sumalubong na agad sa kanya ang isang pamilyar na babae.


"Leon! I'm glad you're here na!" anito na halatang tipsy na. "Guys, nandito na si Leon!"


Nakaikot sa mahabang lamesa ang mga kaibigan niya kasama ang mga girlfriends ng mga ito. Napupuno ang lamesa ng mga alak at ilang pagkain.


"Leon, pare!" bati sa kanya ng ilang kaibigan niya.


"Si Yohan?" tanong niya sa mga ito.


"Nasa bilyar," nakangising sagot ni Monti. Dalawang babae ang akbay nito habang nakaupo.


Mabilis niyang iniwan ang mga kaibigan para puntahan si Yohan. Naabutan nya itong tumitira ng bola sa bilyar. May dalawang lalaki itong kalaro. Mukhang may pustahan na naman.


"Yohan!" tawag niya.


"Leon!" nakangiti nitong bati nang makita sya. Lumapit ito para tapikin siya sa balikat. "Sandali lang, malapit nang matapos 'tong game. I'm winning, man! Haha!"


Imbes na maghintay ay lumapit siya sa bar at um-order ng Bourbon. Mabilis siyang binigyan ng bartender at agad niya itong ininom. Makalipas ang tatlong baso ay naramdaman niyang tumabi sa kanya ang kanyang kaibigan.


"Remember Aya? The one I was dating back in College?" tanong nito na may kumikislap na mga mata.


"What about her?" tanong nyang hindi interesado sa maririnig. For fuck's sake, kung pinapunta lang sya nito para pag-usapan ang past girlfriends nito...

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon