"Okay, let's do this," ani ni Leon na nauna nang naglakad upang tawirin iyon.


"Leon," pabulong kong tawag.


Nilingon niya ako. "Don't worry, I won't let you fall."


Huminga ako nang malalim at mabagal na sumunod sa kanya. Tinantya ko ang tatapakan ko. Mahigpit ang hawak ko sa lubid habang naglalakad sa tulay. Bahagya iyong gumagalaw. Hindi lang kaming dalawa ni Leon ang tumatawid.


Namamawis ang mga kamay ko sa kaba. Nililingon ako ni Leon minsan at sinisiguradong hindi kami magkalayo. Nakahinga naman ako nang maluwag nang marating ko ang dulo.


Nakita ko si Leon sa tabi ko na mukhang masaya.


"That was easy. You passed level one, Nin!"


"Hwag mo akong tawaging Nin," sita ko sa kanya. Pinunasan ko ang pawis sa noo ko.


"Fine," sagot niya. Bigla niya akong inakbayan. "Let's go, babe."


Babe?


***

May nakilala akong babae, ang pangalan niya ay Janin. She thought I was you, kuya. Nakikita mo ba ang panyo na kasama ng sulat na ito? Sa iyo 'yan. Apparently, ibinigay mo 'yan sa kanya noon nang makita mo siyang umiiyak. Sa isang cafe na malapit sa lake. Sa akin niya naibalik ang panyo mo sa pag-aakalang ako ay ikaw. Hindi na ako nakahanap pa ng pagkakataon na itama iyon. Sa totoo lang, nahirapan ako dahil baka bigla niya akong iwasan. I fell in love with her at first sight. Janin was incredibly beautiful. Her heart was pure. Malalim siya kung magmahal at masaktan. At dahil doon, kaya naduwag ako na sabihin sa kanya ang totoo. Kahit na noong naging kami na.

She's the quiet type. The type of girl na iniiwasan mong i-date. Yung tipo ng babae na kailangan mong ligawan sa old fashion way. Kuya, kailangan mong malaman kung saan siya nanggaling. Kung ano ang mga rason niya para itago ang nararamdaman niya. Kapag nagtanong ka ng tungkol sa kanya, hindi niya sasabihin ang ilang importanteng bagay na kailangan mong malaman. Hindi niya sasabihin kung ano ang kinatatakutan niya. Hindi niya sasabihin na sinasaktan siya ng mga pinsan niya. Hindi niya iyon sasabihin dahil ayaw niyang maging pabigat. You have to protect her. I did what I could but it wasn't enough. Kailangan mo siyang protektahan kahit na hindi niya iyon hingiin.

She's fragile Leon, so please do not break her. Do not let her fall apart.

***


"Babe, c'mon. Kaya mo 'yan!"


"Shut up!" nanginginig kong sita kay Leon na chini-cheer ako sa isang tabi. Inaayos ng babae ang mga straps na ikinakabit sa akin. Napalunok ako nang humangin nang malakas. Napahawak ako sa cable.


"Okay na po," sabi ng babae.


"S-sure ka ba? Baka may hindi ka pa naikabit sa akin?"


Ngumiti siya. "Hindi po ma'am. Okay na po kayo."


Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon