"A-ano bang sinasabi mo? Hindi ko alam na ganito ka pala ka-cheesy," namumula ang mukha na sabi ko. "Ang layo sa imahe mo noong una tayong nagkakilala."


Tumawa siya.


"Ano ang mas gusto mo, ako noon o ako ngayon?" tanong niya.


Tumawa ako dahil parang pinagseselosan niya ang dating siya. Pero natigil ako nang makitang seryoso siya at naghihintay ng sagot. Napalunok ako.


"Pareho," mahina kong sabi. "Kasi pareho lang naman na ikaw iyon. Gusto ko yung pagiging cold mo noon. At gusto ko rin ang side mo na ako lang ang nakakakita. Sino ba kasi ang mag-aakala na sweet ka pala?"


"Janin."


"Hmm?"


"Say you love me too."


Namula ang mukha ko. Hindi ko maalis ang tingin ko sa mga mata niyang nakikiusap.


"I love you," sagot ko. "I love you too, Leon."


Matapos ang araw na iyon, hindi ko na siya nakita pa ulit. Ang mga text messages na sine-send niya sa akin ay matagal dumating at maiikli lang. Sa tuwing tinatawagan ko siya, hindi niya sinasagot.


Sobra akong nasaktan dahil pakiramdam ko ay iniiwasan niya ako. Halos hindi na ako maka-concentrate sa pag-aaral ko. Hindi ko alam kung may nangyari ba sa kanya o sadyang busy lang siya. O baka dahil...


Dalawang linggo ang lumipas bago ako nagkaroon ng lakas ng loob para puntahan siya sa university na pinapasukan niya.


Nasa loob ako ng sasakyan at naghihintay kung makikita ko siya sa may gate. Maraming estudyante ang dumaan. Makalipas ang tatlong oras ng pag-aabang, nakita ko siya.


Lumabas ako ng kotse para lapitan siya.


"Leon!" tawag ko sa kanya.


Saglit akong natigilan dahil may babaeng humawak sa braso niya. Hinintay ko na umiwas si Leon sa babae pero hindi niya ginawa. Parang matagal nang sila.


"Ano'ng ibig sabihin nito?" kunot noong tanong ko sa kanya.


Pero hindi siya sumagot. Nakita kong nagsalubong ang mga kilay niya at tinignan ako mula ibaba pataas.


"Leon, sino na naman ba ito?!" galit na tanong sa kanya ng babae na inalis ang hawak sa kanya. "Isa na naman ba siya sa mga babae mo?!"


"Millary, wala akong ibang babae. Shit." Lumipat ang tingin niya sa akin. "Miss, may kailangan ka ba sa'kin?"


"Ilang linggo lang tayong hindi nagkita, nakalimutan mo na ako?" naiinis kong tanong sa kanya. Ang lakas ng tibok ng puso ko habang tinitignan silang dalawa. "Ako ang girlfriend mo."

Dear Ex-BoyfriendWhere stories live. Discover now