Umupo siya sa sofa at tinignan ako. "Kailan ka huling tumingin sa calendar?"


Bumuntong hininga ako. Ano ba ang date ngayon? Ganoon ba ka-importante ang party sa sabado para mapagalitan ako ni Millie nang ganito? Anniversary ba ng kompanya? May bagong branch na binuksan? May bagong partnership? Merger? Nag-retire na ba si Papa? May bagong president? Hindi. Masyado pang bata si Gio.


"May twenty one sa sabado, Janin. Nakalimutan mo na ba?" paalala niya na tila naubusan na ng pasensya.


Kung wala lang siyang suot na cat ears, siguro mas seseryosohin ko siya.


"May twenty one..." bulong ko. Iyon ay... Napatayo ako. Bigla akong namutla. Napatakip ako sa bibig ko. "May twenty one na sa sabado?"


"Naalala mo na?" usisa niya.


Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit naiinis sa akin si Millie. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Paano ko nakalimutan iyon?


Tumayo na si Millie. "Sasabihin mo parin ba na hindi ka pupunta?"


Napalunok ako. "Pupunta ako."


"Good. Sa Friday may package na dadating dito. Ipinahanda ko na ang isusuot mo. Sa hotel gaganapin ang party, maraming important guests na pupunta," sabi niya saka lumapit sa pinto. "Don't forget to bring your escort. What's his name again? Kean? Bring him, maganda ang response sa kanya ng mga bisita. Kilala ang pamilya nila."


Umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung dapat kong sabihin sa kanya na tapos na ang relasyon namin ni Kean. Hindi ko na siya employer at ang isa pa, ni-reject ko na siya noong nag-confess siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag nagkita ulit kami.


Bigla kong naalala ang huli kong kita sa kanya. Sa tapat ng bahay nina Dylan... noong gabing 'yon kung saan...


"Aasahan kita sa party, okay?" sabi ni Millie saka lumabas sa unit ko.


Isinara ko na ang pinto pagkalabas niya. Napaupo ako sa sofa at naalala si Gio. Naalala ko ang hitsura niya kagabi. Kaya pala parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi. Kaya pala parang nalungkot siya sa sagot ko.


Kinain ako ng konsensya ko. Napahiga ako sa sofa at napatakip sa mukha.


"Paano mo nakalimutan ang birthday ng kapatid mo, Janin?" buntong hininga ko.


Tumingin ako sa kisame. Kinuha ko ang throw pillow at tinakpan ang mukha ko. Sa sabado, May twenty one, ang ika-eighteenth birthday niya.


Muli kong naalala ang mukha ni Gio nang iwan ko siya sa sasakyan. Ah! Nainis pa ako sa kanya kahapon dahil doon. Hindi ko alam. Hindi ko naalala!


***


Pababa ako ng hagdan nang makasalubong ko ang landlady. Papunta na ako sa trabaho ko. Ngayon palang ako pupunta pero pakiramdam ko ay napagod na ako. Naubos ang lakas ko sa pakikipag usap kay Millie. At dahil na rin sa pagkain sa akin ng konsensya ko.


"Janin, okay ka lang ba sa unit mo?" tanong niya nang mapansin ako.


"Maayos naman po ako sa unit ko."


"Mabuti. Kapag nagkaroon ka ng problema, sabihin mo lang sa akin, okay?"


Tumango ako at may bigla akong naalala. Kailangan ko talagang malaman kung sinusundan ba talaga ako rito ni Leon.


"Hm. May gusto lang po sana akong itanong."


"Ano iyon?"


"Yung nakatira po sa three-o-six, gaano na po siya katagal dito?"


"Three-o-six..." saglit siyang nag-isip. Nagliwanag ang kanyang mukha. "Ah. Yung binatang iyon, matagal na. Mga isang taon na rin siguro. Naalala ko, hindi kayo nalalayo ng edad, hindi ba? Tiyak na magkakasundo kayo ng taong iyon. Masayahing bata."


Nagulat ako. Masayahin? Si Leon? Matapos kong malaman iyon, nagpaalam na ako at bumaba na sa hagdan.


Isang taon na siya rito. Kung ganon hindi nga niya ako sinusundan. Nagkataon lang ang lahat? Pati na rin kaya ang pagtatrabaho niya sa convenience store? Teka. Naghihirap na ba siya? Ano'ng nangyari sa kompanya nila? Pero imposible naman na magsara ang kompanya nila. Gozon sila. Matibay ang kompanya nila.


Ano kaya ang nangyari?


"Ooh. What's this? What's this?" sabi ng isang boses sa taas ko. "Kailan ka pa naging detective, Janin?"


Gulat akong napatingin sa harap ko. Nakita ko siyang nakatayo sa dulo ng hagdan at nakangiti sa akin.


"Yohan?" gulat kong sambit.


"The one and only."


"Nandito ka rin?"


"Hey. Dito ako nakatira," sagot niya.


"Dito ka rin nakatira?"


"Nakakagulat ba? Ako ang may-ari sa unit na tinatanong mo kanina kay Madam."


Eh? Kung ganon, si Leon...?


"Kailan pa katagal—"


"Sinabi ko na sa iyo kahapon, Janin." Napatingin ako sa likod ko. Pababa ng hagdan si Leon at sandaling tumigil sa harap ko. "Hindi kita sinusudan." Nilagpasan na niya ako matapos sabihin iyon.


Naiwan akong nakatingin sa likod niya. Humigpit ang hawak ko sa strap ng shoulder bag ko. Hindi nga niya ako sinusundan.


"Pfft!"


Napatingin ako kay Yohan na mukhang nagpipigil ng tawa. Namula ako. Pinagtatawanan ba niya ako?


"Hwag kang magalit, Janin. Hindi kita tinatawanan," paliwanag niya habang mukhang natutuwa sa nangyayari. "Si Leon ang tinatawanan ko. Cute niya, no?"


Sinamaan ko siya ng tingin at nilagpasan ko na siya. Tsk. Bakit ko ba sila hinahayaan na inisin ako nang ganito?


Dear Ex-BoyfriendWhere stories live. Discover now