"Okay," sagot niya saka binalik ang atensyon sa hinahalong bowl.


Lumabas na ako ng bahay bago pa ako mag-dalawang isip na iwan sila. Hindi naman siguro nila masusunog ang bahay?


Pagkalabas ko ng gate ng subdivision namin, tumayo ako sa ilalim ng waiting shed at naghintay ng dadaan na bus. Isang magarang sasakyan na nakaparada sa tapat ng karinderya ang nakita ko. Nasa kabilang dako iyon ng kalsada, sa tapat ng subdivision namin.


Shit! Yung Dodge Viper yun ah! Shit. Wallpaper ko yan sa laptop ko noong college days. Shit. Kulay pula pa! Ang astig! Rich kid! Pero bakit nasa karinderya nakahinto? Noong nakaraang buwan pa naman may nanakawan ng sasakyan dyan; nadali ng 'laglag barya gang'. Mga taong naglalagay ng barya sa likod ng sasakyan, at kapag bumaba ang driver para i-check ang tumutunog sa likod ng sasakyan nila; dali dali nilang tatangayin ang kotse. Good luck kung sino ka man. Mamaya wala na yan.


Kaya hanggang ngayon gamit ko parin ang motor ko na binili nina Mama noong college days ko. Hindi ako makabili ng kotse. Ayos. Parang may pambili ako ng kotse ah. Kailangan ko munang bumili ng sarili kong bahay bago ang kotse. Magkano na nga ulit ang naipon ko sa banko? Iiwan ko nalang ang bahay para kay Ikay. Ah, sila kaya ni Ashton ang magkatuluyan?


Napatigil ako sa pag-iisip nang makita ko ang bus na dadaan sa subdivision nina Kean. Agad akong sumakay sa hindi pa punong sasakyan. Forty minutes ang hihintayin bago ako makarating doon.


***

Pumasok ako sa loob ng subdivision at diretsong pumunta sa bahay na nirentahan ni Kean. Itinulak ko ang nakasarado niyang gate at bumukas nga ito. Tumingin ako sa paligid. Nakasarado ang pinto ng bahay at napakatahimik. Walang tao. Kinuha ko na ang motor ko sa garahe at pinaandar iyon. Umuwi rin ako kaagad.


Saktong pagtapat ko sa gate ng Westwood, nakita kong bumaba ng jeep si Janin. Hininto ko ang motor ko para hintayin sya.


"Janin!" tawag ko sa kanya.


May mga dala siyang paperbags. Naglakad sya palapit sa akin. Umusog ako pauna sa upuan ko.


"Angkas ka na sa likod," sabi ko.


Mabilis naman syang sumunod. Bigla akong nakaramdam na parang may nagmamasid sa amin. Lumingon ako sa paligid pero wala naman akong nakitang taong nakatingin sa amin. Kahit ang guard sa may gate ay hindi kami tinitignan.


Narinig ko ang malakas na harurot ng isang sasakyan. Nalingunan ko ang pulang kotse sa tapat ng kainan na mabilis na umandar paalis.


"Dylan?" tawag ni Janin mula sa likod ko.


"Ah? Sorry. Kapit ka nang mabuti sakin." Pinaandar ko na ulit ang motor at pumasok na kami sa subdivision.


***


Nagulat ako nang makita ang pamilyar na lalaki sa loob ng bahay namin. Nakaupo sya sa sofa sa livingroom.

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon