"Ah, wala 'yon." Nakakatuwa naman ang batang 'to.


"Hindi ko pa naipakilala ang sarili ko, how rude of me. My name is Millie Emiliano. Nice to meet you," sabi ng mukhang ten year old na bata sa harap ko. Bigla syang naging pormal!


"A-ako si Kayleen. Mary Kayleen Santos, nice to meet you rin." Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.


"Kayleen," ulit nya sa pangalan ko. Natuon sa akin ang buo nyang atensyon. "Ikaw yung crush ni Gio."


"H-ha?" nagulat na sambit ko. Kilala nya si Gio? Iisang Gio lang ba ang kilala namin? O ibang Gio yung tinutukoy nya?


"Millie!" tawag ni Janin. Kahit saan tignan, hindi sya komportableng nandito ang pinsan nya. "Ano ba ang ipinunta mo rito?"


"Gusto lang kitang makita. Umalis ka sa party nang hindi nagpapaalam sa akin."


"Hindi mo ba narinig kung ano ang nangyari sa party?"


Hindi ko talaga alam kung dapat na ba akong umalis o mag-stay.


"Please sit down, Kayleen," sabi ni Millie. Kinuha nya ang cupcake ny at inumpisahang kainin. "Gusto rin kitang kausapin."


"Millie," may pagbabanta sa tono ni Janin.


Kung titignan mabuti, parang isang normal lang na bata si Millie. Pero kapag bubuksan nya ang bibig nya para mag-salita, naiiba ang tingin ko sa kanya.


May pagtataka sa tingin na ibinigay ni Millie kay Janin. "I see. Hindi mo sinabi sa kanya ang tungkol sa pamilya natin. Do you not trust your friend o sadyang ikinakahiya mo ang pamilya natin?"


"Millicent Cordova Emiliano, please enough," mariing sabi ni Janin habang di inaalis ang tingin sa pinsan nya.


Ayoko nang maipit pa rito kaya naglakad na ako paalis.


"Hindi ka ba curious na malaman Kayleen?" rinig kong tanong sa akin ni Millie na nakapagpatigil sa akin. "May pamilya syang pwede nyang uwian pero mas pinili nyang dito tumira. Hindi ka ba nagtataka kung bakit inilihim nya sa'yo?"


Bumuntong hininga ako at humarap ulit sa kanila. Humigpit ang hawak ko sa tray habang tinitignan si Millie sa mata.


"May mga bagay na mahirap i-explain sa ibang tao kaya mas pinipili natin na ilihim nalang, kasi 'yon ang mas madali. Hindi naman nasusukat ang pagkakaibigan sa dami ng sikreto na alam sa isa't-isa." Tumingin ako kay Janin. "Hindi ko itatanggi na curious akong malaman, pero hindi ko pipilitin si Janin na sabihin sa akin ang lahat kung hindi pa sya handa. May dahilan si Janin, bilang isang mabuting kaibigan, ibibigay ko sa kanya ang pang-unawa ko at respeto. Pero kahit na ano pa ang lihim nya, o kahit na sino pa sya, kaibigan ko parin sya at iyon ang isang bagay na hindi magbabago sabihin man nya o hindi ang sikreto nya."


Isa. Dalawa. Lumipas ang pinakamahabang sampung segundo ng buhay ko. Natahimik ang buong bahay. Nanatili sa akin ang mapanuring tingin ni Millie.

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon