Namamawis na ako nang mapunta kami sa tapat ng kwarto nya. Nahirapan pa akong buksan ang pinto.


"Ka...pag ako nagka...girlfriend..." bulong nya. "H-hindi na kita...hic!"


Pumasok kami sa loob ng kwarto nya. Kumakapit na sa damit ko ang amoy ng alak mula sa katawan nya. Nahihilo ako.


Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko ang kama nya. Tiniis ko nalang ang bigat nya habang naglalakad papunta roon. Halos hindi na sya naglalakad, hinihila ko nalang ang mabigat nyang katawan.


"Oomph!"


Sunod-sunod ang paghinga ko nang malalim nang maibagsak ko sya sa kama nya. Bakit ba ang malas ko yata talaga ngayon? Hindi pa sapat na nasunugan at nanakawan ako, kailangan ko ring magbuhat ng lasing na lalaki sa kwarto nya. Ang malas ko. Pinaparusahan ba ako dahil ayokong umuwi? Nilingon ko ang kapatid ni Kayleen at nakitang nagtatanggal na sya ng tshirt nya. Uminit ang mga pisngi ko at umiwas ng tingin. Kailangan ko nang umalis. Bukas magpapanggap nalang akong walang nangyari o nakita.


Pagtayo ko bigla naman nya akong hinila sa damit. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari naramdaman ko nalang na bumagsak ako at may matigas na bagay na tumama sa ulo ko. Nagdilim ang paligid.



"AAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!!!!!!!!"


Isang malakas na sigaw ang gumising sa akin. Pagmulat ng mga mata ko nasilaw ako sa liwanag.


"ANO'NG GINAWA MO KAY JANIN, KUYA?!!!"


"HINDI KO ALAM!!"


"BAKIT HINDI MO ALAM?!!"


"WALA AKONG MATANDAAN!!"


"ANO'NG GINAWA MO SA KANYA, KUYA?!!"


"OH MY GOD!!! BAKIT MAY BABAE SA KWARTO KO?!!!"


"UMAMIN KA KUYA!!!"


"I AM INNOCENT!!!"


"KUYAAA!!!"


"HWAG KANG MAGALIT SA'KIN KAYLEEN!!! IKAW LANG ANG BABAE SA BUHAY KO!!! WAAAAAAAHH!!!"


"BAKIT KA NAKAHUBAD, KUYA?!!!"


"OH MY GOD!!! BAKIT WALA AKONG DAMIT?!!"


"KUYA!!! ANO'NG GINAWA MO SA KAIBIGAN KO?!!"


"NAPAGSAMANTALAHAN AKO!!!"


"HINDI KAYANG GAWIN YON NI JANIN, KUYA!!!"


"OH MY GOD, ANG KATAWAN KO!!!"


Pinanood ko ang nangyayari sa loob ng kwarto. Nasa isang sulok silang dalawa. Patuloy sa paghampas si Kayleen sa isang nakahubad na lalaki. Nakahiga ako sa sahig. Ang sakit ng likod ko. Pinakamasakit ay ang likod ng ulo ko, kumikirot iyon. Nang umupo ako, nakaramdam ako ng hilo.


"OH MY GOD, GISING NA SYA!!!"


"OMG! GISING KA NA JANIN!!!"


"OH MY GOD, ITAGO MO AKO!!!"


Humawak ako sa noo ko. "Ang sakit ng ulo ko."


Kaagad akong nilapitan ni Kayleen para alalayan na tumayo.


"Janin ano ba ang nangyari? Bakit ka nandito sa kwarto ni Kuya? Okay ka lang ba?"


"Nahihilo lang ako," sagot ko. Unti-unting nawawala ang sakit ng ulo ko. Naamoy ko na naman ang alak sa damit ko. Kailangan kong maligo.


"S-Sino ba sya, Ikay?"


"Sya si Janin, Kuya."


"Eh? Ja...nin? Yung Ja-NIN?!"


Napatingin ako sa kapatid ni Kayleen. Ngayong maliwanag na, nakikita ko na nang mabuti ang mukha nya. Hindi sila magkamukha ng kapatid nya. May kakaibang reaksyon sya sa mukha nya habang nakatingin sa akin at sa kapatid nya. Kung normal siguro sya ngayon, matatawag syang gwapo ng ibang babae.


"OMG! Oo!" reaksyon ni Kayleen sa kakaibang tingin na ibinibigay sa kanya ng kapatid nya. Parang nag-uusap sila sa pamamagitan ng tingin. "Nakalimutan ko na sya nga pala 'yon."


Ano ba ang pinag-uusapan nila? Napahawak ako sa damit ko, inamoy ko ang collar nito. Amoy alak. Kailangan ko na talagang maligo.


"OH MY GOD!!! KEAN!!! PATAWARIN MO AKO!!!" biglang sigaw ng kapatid ni Kayleen. "KEAN!!! HINDI KO SINASADYA NA MAGKASALA SA'YO BRO!!!"


"Ano ba ang problema ng kapatid mo Kayleen?"


"Ha-ha-ha! H-Hindi ko alam. Ha-ha-ha!"




Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon