93: Group Study

150K 3K 279
                                    


Kararaos lang namin sa project week, dibdibang review week naman ngayon. Sa Oct.15-16 na rin kasi ang Second Quarterly Exams. Buhay-estudyante nga naman! Dagdag pressure pa na graduating kami! Nakakamiss ang petiks days.

At dapat nga hindi ako nagsusulat ngayon dito. Dapat subsob na ako sa pagre-review kaso may naisip ang mga kasama ko kaya kailangang isulat ko ito. Kaninang last recess namin:

LAHAT KAMI: (Tahimik. Nagre-review)

KASPER: Hay! Walang pumapasok sa isip ko!

ARA: Ako rin!

KASPER: Ikaw lang kasi lagi nasa isip ko.

ARA: (Napahampas ng mahina sa braso ni Kasper dahil sa kilig)

MINA: Sige, pagpatuloy niyo pa 'yan. Lalo kaming hindi makapag-concentrate!

ROSE: Nakaka-stress na 'to. Hindi ko talaga keri ang maagang mag-review.

DEANE & AKO: (No comment. Nagre-review pa rin)

KASPER: Nakaranas na ba kayong mag-group study?

ARA: Madalas kaming mag-review nina Mina at Rose sa bahay namin kapag malapit na ang exams.

KASPER: Talaga? Pasali naman ako!

ROSE: If I know, ang gusto mo lang ay makadalaw sa bahay ni Ara.

MINA: Oo nga! Hindi na lang aminin! Group study pa raw!

MINA & ROSE: (Humagikhik ng sabay)

ARA: (Nag-blush)

KASPER: (Nag-panic) Seryoso! Gusto ko talagang mag-aral!

ARA: Hindi kasi pwede sa amin kapag may kasamang lalaki. Bukod sa strict sina papsie, sobrang dami natin kung sakali!

MINA: Ay! Kawawang Kasper!

ROSE: Better luck next time.

KASPER: (Halatang na-depress) Hindi kasi ako makapag-concentrate sa amin dahil pinapa-renovate ang bahay. Tapos 'yung kwarto ko, hindi ko malaman kung kwarto ko pa ba o tambakan na.

ARA: (Hindi nakatiis) Kung sa ibang bahay siguro, baka matuloy natin ang group study na 'yan.

MINA: Maliit lang bahay namin!

ROSE: Hindi rin pwede sa amin!

KASPER: Eh kayong dalawa?

DEANE & AKO: (Nagre-review pa rin)

KASPER: Hoy Pards at Stacey!

AKO: Oh?

DEANE: Kami na ba kausap niyo?

KASPER: Grabe kayong dalawa! Nakakapag-review pa rin kayo?

DEANE: Madali lang naman. Manahimik ka lang at mag-focus sa notes mo. 'Di ba, Yecats?

AKO: (Tumango. Nag-review na ulit)

KASPER: Hindi kami katulad niyo. Ikaw, henyo ka na. Si Stacey, tahimik lang 'yan pero matalino rin! Tulungan niyo naman kami! (Saka siya nagpaawa sa akin) Stacey?

AKO: Hindi pwede sa bahay namin. (Aral ulit)

KASPER: Pards?

Sandali akong natigil sa pagre-review dahil biglang kinuha ni Kasper ang kamay ni Deane. OMG! Bihira na lang silang mag-PDB kaya hindi ko palalampasin ito. No offense to Ara.

KASPER: Maawa ka na sa akin, please?

DEANE: Ayoko.

KASPER: Matitiis mo ba talaga ako?

DEANE: Oo.

KASPER: Ganyan ka, pards. Tandaan mo, alam ko ang sekreto—

DEANE: Tae ka! Oo na!

ARA, MINA & ROSE: Anong sekreto 'yun?

DEANE: Wala. Pwede tayong mag-group study sa amin sa Sabado. Pahihiramin ko na rin kayo ng reviewer na gamit ko.

KASPER: Yown! Salamat pards! (Napahalik sa kamay ni Deane)

DEANE: Takte naman oh! Nilawayan pa ako! (Nagpunas kunwari pero mayamaya ay tumingin sa akin) Oy Yecats! Tatahi-tahimik ka na naman dyan. Kasama ka rin ah.

May choice pa ba ako? Gusto ko rin naman maranasan na makasama sa isang group study. Magpapahiram pa raw ng reviewer niya si Deane. Anyway, tama na muna ang puro kwento at daldal. Aral na muna ulit.




Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon