37: Wala lang

187K 3.6K 186
                                    


Last week pa nagsimula ang pasukan. Maliban sa mga freshmen na nangangapa pa rin sa schedule nila at dito na rin sa school, nasa usual routine na ang karamihan sa mga lumang estudyante.

As usual din, wala akong naging ka-close sa section na 'to. Walang Melanie Abriano na naghahanap ng weirdong taong kagaya ko. Mukhang ayaw nilang lahat sa akin. Alam kasi nila 'yung issue from last year.

Ang alam pa rin nila, ako talaga ang dahilan ng break-up nina Deane at Amanda. Tuloy, 'yung mga known couples dito, nilalayuan ako. As if naman din na may pake ako. Hindi ako affected dahil alam kong hindi naman totoo.

Pero 'yung isa pang chismis nila na ako raw ang dahilan kung bakit maagang namatay si Mel, hindi ko alam ang irereact ko. Kasi totoo. Hindi mamatay si Mel kung hindi niya ako ipinagtanggol noong araw na 'yun.

Hay, nadi-depress tuloy ako. Baka itong entry na 'to ay maging suicide note na. Mabuti na lang may bagong flavor ng potato chips na itinitinda sa cafeteria namin.



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon