Dear Ex-Boyfriend

By Alesana_Marie

13.3M 351K 55.8K

Read Dear Future Boyfriend first para di ma-spoil. :) *Nin's Story* [Completed] More

Copyright
Entry #1
Entry #2
Entry #3
Entry #4
Entry #5
Entry #6
Kean
Entry #7
Entry #8
Entry #9
Entry #10
Janin
Entry #11
Entry #12
Entry #13
Kean
Janin
Dylan
Kayleen
Kayleen
Janin
Janin
Janin
Kayleen
Janin
Kean
Dylan
Janin
Janin
Janin
Janin
Janin
Janin
Dylan
Janin
Kayleen
Kean
Dylan
Janin
Kean
Dylan
Janin
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Dylan
Kayleen
Kayleen
Janin
Kean
Janin
Dylan
Leon
Dylan
Janin
Janin
Dylan
Robin
Janin
Dylan
Leon
Leon
Dylan
Dylan
Dylan
Kayleen
Janin
Dylan
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Yohan
Janin
Janin
Janin
Kayleen
Kayleen
Dylan
Janin
*Janin
*Janin
*Janin

*Janin

115K 3.1K 1.5K
By Alesana_Marie


*Janin

One year later



Inangat ko ang tingin ko mula sa cellphone ko nang marinig kong bumukas ang pinto ng cafe. At mula roon, pumasok ang taong hinihintay ko.


"Kanina ka pa?" tanong niya saka umupo sa harap ko.


Umiling ako. "Mga fifteen minutes lang."


Tumingin siya sa kanyang wristwatch. "Sorry, late ako."


Nginitian ko siya. Inangat niya ang kamay niya para umorder sa waiter na agad naman siyang nilapitan.


"Well it's been a while, Janin. Kumusta ka na?" tanong niya saka ako tinignan nang mabuti.


Huminga ako nang malalim. "Millary, I'm sorry. For everything na nagawa ko sa inyo noon."


Natahimik siya sandali habang tinitignan ako. Bigla siyang tumawa.


"Ang tagal na non ah," sabi niya habang pinupunasan ang naluluhang mata. "Ang akala ko kung na ang nangyari."


"I'm serious. I'm sorry sa lahat ng nasabi ko sa iyo noon. I'm sorry dahil nasira ko kayo ni Leon. Kasalanan ko kung bakit kayo naghiwalay."


"Well, kami ni Leon ay never naman na naging perfect couple. I'm sure na magb-break din kaming dalawa dumating ka man o hindi. But I'm happy now with my husband. At iyon ang importante. But I appreciate it. So, okay na tayong dalawa?"


Tumango ako. "Thank you."


Natigil kami sandali nang iserve ng waiter ang inorder niya.


"Kumusta ka na?" tanong niya.


"I'm good. Plano kong umalis papuntang New York bukas."


"And si Leon? Nakapag-paalam ka na ba sa kanya?" usisa niya.


Napayuko ako sa cup ng coffee ko.


"Matagal na akong walang balita sa kanya."


"Hinanap mo ba siya?"


"No."


"I swear to God. You guys are really stubborn."


"Wala namang reason para magkita kaming dalawa. At ang isa pa, bigla nalang siyang nawala."


Ibinaba niya ang tasa niya matapos uminom. "Well, according to Yohan, sobrang busy nga ni Leon. Alam mo bang ni-launch na last month ang kotse na ginawa niya? Matagal na niyang pangarap na makapag-produce ng kotse using his own designs. He's very succesful right now. Sikat na sikat na siya."


"Kotse?" tanong ko.


"Really? Hindi mo ba alam?" nagtatakang tanong ni Millary. Ipinatong niya ang dalawang siko sa lamesa at lumapit sa akin. "Na-feature pa nga siya sa ilang magazines dahil sa futuristic designs niya. But not only that, since kumalat ang picture niya, dumami rin ang fangirls niya." Umayos siya ng upo. "That Leon. Ang dami talagang naaakit sa kanya. Ang malas ng next girlfriend niya. Mabuti nalang hindi na ako 'yon. At naalala ko pa, tinatawag siyang most eligible bachelor. Hah! Kung alam lang nila..."


Napayuko ako. Wala akong idea na ganon pala ang nangyari. Bigla kong naalala ang drawings niya sa notebook na nakita ko noon.


"Anyway, ano na ang plano mo pagkatapos?" tanong niya sa akin. "Gaano ka katagal sa New York?"


"Hindi ko pa alam. Maybe a year or two. Depende sa training na gagawin ko. Sa akin na kasi ipapahandle ni Papa ang company. So kailangan kong matutunan ang pasikot sikot."


"New York, huh? Well, goodluck."


Ngumiti ako. "Thanks."


"May pupuntahan ka pa ba ngayon?" tanong niya.


"Hmm. Plano kong puntahan si Alfonse para magpaalam sa kanya."


Bumuntong hininga siya. Tumingin siya sa labas ng bintana na tila may naalala.


"He's a good kid. That guy. Kabaliktaran siya ni Leon. Hindi sa sinasabi kong hindi mabuting tao si Leon, pero si Alfonse... Kung gaano kabarumbado si Leon, ganoon naman ka-gentle si Alfonse," sabi niya na bakas ang lungkot sa mata.


Malungkot akong ngumiti nang maalala ko ang mga araw na magkasama kaming dalawa ni Alfonse. Alam ko, alam na alam ko kung gaano kalaki ang pagkakaiba nilang mag-kapatid.


"I know."


***


Sa isang mausoleum na napapaligiran ng mataas na bakod at mga puno, nandoon si Alfonse. Hindi ito ang unang beses na pumunta ako rito pero ito ang unang beses na makakapasok ako. Wala ang guard na karaniwang nagbabantay doon, at nakabukas din ang mataas na bakal na gate.


Tumingin ako sa paligid, walang tao. Nilingon ko si Oliver sa likod ko. Nakatayo siya sa tabi ng kotse at naghihintay.


"Oliver, kapag may nakita kang tao na papasok, please send me a text."


"Understood," magalang na sagot niya.


Huminga ako nang malalim at pumasok sa nakabukas na gate. Ano kaya ang nangyari? Nasaan ang guard? May tao kaya sa loob? May dumalaw din ba sa kanya? Pero wala naman akong nakikitang sasakyan na nakaparada sa tapat o sa loob.


Nag-masid ako at nakiramdam sa paligid kung may tao. Pero tahimik ang lugar. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Napapaligiran ng hardin ang tila puting bahay na gawa sa purong bato at mga salamin.


Nilakad ko ang stone pathway at tinungo ang pintuan na nasa gitna ng dalawang pillars. Nang hilahin ko ang handle ay agad na bumukas ang pinto. Nakabukas ang mga ilaw kaya maliwanag sa loob. Una kong nakita ang isang malaking stained glass painting ng mga anghel na lumilipad sa langit. Mataas iyon na umabot mula kisame hanggang sahig. Bukod doon, kulay puti na ang lahat.


Tumambad sa akin ang pader ng mga nakahilerang lapida. At automatikong napunta ang tingin ko sa mukhang bagong lagay lang na bulaklak sa dalawang pangalan. Kaagad ko iyong nilapitan. Nabasa ko ang pangalan na Kristina Corabel Gozon at sa tabi niya ay ang pangalan na Alfonse Lewis Gozon.


Nang makita ko ang pangalan niya, kakaibang lungkot ang naramdaman ko. At kasama non ay ang matinding pagsisisi dahil hindi ko siya natawag sa pangalan niya noong magkasama kaming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang nakita niya sa isang katulad ko para mahalin niya nang ganoon kalalim. Sobra siguro siyang nasasaktan sa tuwing pangalan ng kapatid niya ang binabanggit ko kapag magkasama kami.


Nilagay ko ang bulaklak na dala ko sa vase sa gilid ng pangalan niya. Hinaplos ko ang pangalan niyang nakaukit sa malamig na puting marmol.


"Alfonse, nandito na rin ako sa wakas," bulong ko sa kanya. "Sorry kung ngayon lang kita napuntahan."


Huminga ako nang malalim at binasa nang paulit ulit ang pangalan niya.


"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa'yo? Ang daya mo. Ang dami kong gustong itanong sa'yo pero hindi na masasagot. Nabasa ko ang sulat na ibinigay mo kay Leon. Sa totoo lang, hanggang ngayon, natatandaan ko parin ang mga sinabi mo roon kahit na isang taon na ang lumipas nang huli ko iyong basahin." Napalunok ako nang maramdamang umiinit ang sulok ng mga mata ko. "Alfonse, ang dami kong gustong ihingi ng tawad sa'yo. Hindi ko nagawang tawagin ang pangalan mo noong magkasama pa tayo. At dahil doon, hindi kita nagawang samahan noong naghihirap ka. Kahit na palagi kang nandyan tuwing kailangan ko ng masasandalan. Palagi mo akong pinapasaya. Gusto kong humingi ng tawad sa'yo para sa lahat ng sakit na idinulot ko sa'yo sa tuwing pangalan niya ang naririnig mo sa'kin. Dapat, mas kinilala pa kitang mabuti. Ang dami kong pagsisisi."


Pinunasan ko ang luha na pumatak sa mata ko.


"Gusto kong malaman mo na minahal kita. At habangbuhay kitang mamahalin sa paraan na kaya ko. Ikaw ang nagligtas sa akin, Alfonse. Maraming salamat dahil minahal mo ako."


Nakagat ko ang dalawang labi ko habang pinipigilan na umiyak. Pinilit kong ngumiti.


"Bukas, aalis na ako papuntang New York. Yung position na inaalok sa akin ni Papa, tinanggap ko na. Sa dami ng nangyari sa akin nitong nakaraang taon, pakiramdam ko kahit na anong mangyari sa akin, kakayanin ko na. Ah. Nakalimutan kong sabihin sa'yo. Tungkol sa mga pinsan ko, hwag ka nang mag-alala pa tungkol sa mga ginawa nila sa akin. Kaya ko na silang harapin ngayon. Simula nang i-announce ni Papa na papasok na ako sa kompanya, natakot na silang saktan ako."


Tumawa ako sa naisip ko.


"Sa tingin mo, parurusahan kaya ako ng langit kung pahihirapan ko silang lahat? Hindi rin kasi ako ganoon kabait para kalimutan ang lahat. Pwede mo ba akong tulungan sa parteng iyon?"


Bigla nalang umihip ang hangin na ikinagulat ko. Napatingin ako sa paligid. Saradong sarado ang lugar. Imposibleng may hangin na pumasok dito.


"Uhh. Is that a yes?"


***


Nang makalabas ako ng gate, kaagad na akong pinagbuksan ng pinto ng kotse ni Oliver. Lumingon ako sa mausoleum bago pumasok sa sasakyan. Mabuti nalang at pumunta ako rito ngayon. Hindi ko alam kung makakapasok ako ulit sa loob kung sa ibang araw ako dumalaw. Masyadong mahigpit ang lugar na iyon.


Kahit papaano, nasabi ko sa kanya ang mga iyon bago ako umalis ng bansa.


Binuhay na ni Oliver ang kotse at paandar na sana kami nang pigilan ko siya.


"Sandali Oliver, may nakalimutan ako sa loob," sabi ko saka mabilis na binuksan ang pinto at lumabas.


Tumakbo ako papasok ng gate. Hindi ko alam kung bakit o kung saan nanggaling, parang may nagsasabi sa akin na bumalik ako.


Nang makapasok ako sa loob ng mausoleum, kaagad kong naintindihan kung bakit ko iyon naramdaman. Mabilis kong inalis ang isa kong sapatos at ihinagis sa lalaking nakatalikod sa direksyon ko. Kaagad iyong tumama sa ulo niya.


"Aw! Fuck! What the hell?" aniya habang hawak ang natamaang bahagi ng kanyang ulo. Pinulot niya ang sapatos ko. Lumingon siya sa pinanggalingan ng non at nakita ako. "J-Janin?"


"Nandito ka?!" galit kong tanong saka ko siya nilapitan. "Kanina ka pa nandito?! Narinig mo ba lahat ng sinabi ko sa kanya?!"


Sandali siyang walang maisagot at gulat lang na nakatingin sa akin.


"No. Kadarating ko lang," sagot niya habang hawak parin ang sapatos ko. Parang hindi pa niya alam kung ano ang gagawin niya doon.


"Sinungaling! Nasa tapat ng gate ang sasakyan ko, paano ka makakadaan nang hindi kita nakikita?"


"Shh. You'll wake up the dead," aniya.


Napatigil ako. Sandali kong nakalimutan kung nasaan kaming dalawa. Nakaramdam ako ng kaunting hiya sa inasal ko.


Lumapit siya sa akin at ibinigay ang sapatos ko. "Let's talk outside."


Isinuot ko ang sapatos ko. Lumabas kaming dalawa at bahagyang lumayo sa pintuan.


"Bakit ka bumalik?" tanong niya.


"Bakit ka biglang nawala?" naiinis kong tanong sa kanya. "Ang dami ko pang gustong itanong sa'yo noon tungkol sa kapatid mo!"


Huminga siya nang malalim saka umiwas ng tingin.


"Just... to forget."


"Wow. How nice of you to do that. Matapos mong i-dump sa akin ang lahat ng 'yon bigla kang mawawala?!"


"Then what the hell did you expect me to do after that?" tanong niyang sinalubong ako ng tingin. "Sa tingin mo ba kayong dalawa lang ng kapatid ko ang nahirapan sa nangyari? Ako rin Janin! Sa isang iglap bigla nalang nagbago ang lahat! Bigla kang sumulpot sa buhay ko. At kinailangan kong magpanggap. Tapos bigla kang nakipag-hiwalay at iniwan ako. Bigla ka ring nawala noon, kung natatandaan mo! So I'm sorry kung ginusto kong kalimutan nalang ang lahat! Ibaon ka sa limot! Dahil hindi ko na alam kung saan pa ako lulugar sa buhay mo noong nalaman mo na ang lahat!"


"And did you?" tanong ko.


"Did I what?" tanong niyang nagtitimpi ng galit.


"Nakalimot ka ba?"


Tinignan niya ako ng ilang segundo saka umiwas ng tingin. Naihilamos niya ang isa niyang kamay sa kanyang mukha. Halata ang inis sa kanya.


Bigla akong naawa sa kanya. Para kasing hindi na niya talaga alam ang gagawin niya. Mukha siyang naliligaw.


Naghintay akong lumipas ang isang minuto bago mag-salita.


"Paano mo nalaman na pupunta ako ngayon dito?" mahinahon kong tanong.


"Yohan told me."


"At sinabi sa kanya ni Millary." Kaya pala wala yung guard at nakabukas ang gate.


"Kailan pa kayo naging magkaibigan?" nagtataka niyang tanong.


"Gusto mo talagang malaman?"


"No. But one thing's for sure, you talked about me."


"Paano mo nalaman 'yan? Sinabi rin ba ni Yohan?"


"Natural lang na pag-usapan ng mga babae ang ex nila, hindi ba?"


"You're not my ex."


Bumuntong hininga siya. "Right."


Nakagat ko ang ibabang labi ko.


"Nai-kwento sa akin ni Millary ang sasakyan na nilabas ng kompanya ninyo. Ikaw daw ang nag-design. Congrats."


"Is that all? Iyon lang ba ang sinabi niya sa'yo?"


Tumango ako.


"Nag-sorry lang ako sa kanya tungkol sa nangyari sa inyong dalawa noon."


"That wasn't your fault. You didn't know."


"Pero kahit na. Ako parin ang naging dahilan kung bakit kayo nag-break."


"Let's not dwell on the past. That's the reason why I chose to stay away, Janin."


May biglang kumurot sa puso ko at nahirapan akong huminga. Mukhang desidido na talaga siyang kalimutan ang lahat. Pati ang tungkol sa aming dalawa.


"Well, it's nice to see you again, Leon. I hope next time, makalimutan mo na rin ako nang tuluyan. Hanggang sa point na hindi mo na kailangan pang magtago kapag makikita mo ako."


"Janin..."


"Sana magawa ko rin 'yan kapag nasa New York na ako. I think, tama nga ang desisyon ko na pumunta roon. I need to move on and start a new life."


Nanatili siyang tahimik at nakatingin lang sa akin. Hindi ko kinayang salubungin ang mga mata niya. Kaya naman pinili ko nang tumakas.


"Well, goodbye Leon."


Naglakad na ako paalis.


Ang bigat ng pakiramdam ko.


Ang bigat ng mga hakbang ko.


Huminga ako nang malalim.


Malapit na ako sa gate nang tawagin niya ako.


"Janin!"


Lumingon ako sa kanya. Nandoon parin siya sa pwesto namin kanina.


"Can I wait for you?" parang nalilito niyang tanong.


"H-huh?"


"I said..." Naglakad siya palapit sa akin. "Can I wait for you?"


Natigilan ako saglit sa tinanong niya.


"At bakit mo naman gagawin 'yan? Ang sabi mo kanina—"


"Hindi ko..." huminga siya nang malalim. Mukha siyang desperado. "Hindi ko magawang kalimutan ka."


Unti unti kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.


"So, can I wait for you instead?"


Hindi ko siya masagot. Nakatingin lang ako sa mukha niya. Unang beses kong makita ito sa kanya, ang desperado niyang mukha na naghihintay sa sagot ko.


"Janin?"


Marahan akong tumango. At nagdulot iyon ng pagliwanag ng kanyang mukha. Tila bumagal ang takbo ng oras nang makita ko ang unti-unti niyang pag-ngiti. Naramdaman kong hinawakan niya ang dalawa kong kamay habang hindi inaalis sa mukha ko ang kanyang tingin.


"I'll do that then."


***


"Mag-iingat ka, okay?" bilin sa akin ni Kayleen bago ako pumasok sa airport. "Mami-miss ka namin."


Niyakap niya ako nang mahigpit. Ganoon din ang ginawa ni Ashleen.


"Aalis din naman kayong dalawa papuntang Paris, hindi ba?" tanong ko.


Nagpasya silang dalawa na umalis para mag-aral ng two year course. Si Kayleen ay tungkol sa pastry at si Ashleen naman ay tungkol sa fashion and design.


"Ate," tawag sa akin ni Gio. Nilapitan niya ako at niyakap din ako nang mahigpit. "Susunod ako sa inyo ni Papa."


"You don't have to. Uuwi rin naman kami kapag natapos na ang training ko," sabi ko sa kanya.


Isang taon na ang lumipas. Marami na ang nangyari. Mas lalong sumisikat ang banda nina Gio. Busy na sila dahil meron na silang mga shows ngayon. Siguradong pagbalik ko, buong bansa na ang nakakakilala sa kanila.


"Kahit one week lang. Susunod kami ni Mama sa inyo," sabi niya habang nakayakap parin sa akin.


Nitong nakaraang taon, pinilit kong magpaka-ate sa kanya. Pinilit kong punan ang pagkukulang ko bilang kapatid niya. At masaya ako sa ginawa ko. Mas naging open na ako sa pamilya ko ngayon. At nakikita kong masaya sila sa nangyari.


"Okay," nakangiting sagot ko.


Humiwalay na siya sa akin.


"Kuya," tawag ni Kayleen sa kapatid niya. "Diba may ibibigay ka kay Janin?"


Napatingin ako kay Dylan. Napahawak siya sa kanyang batok.


"Pinangunahan mo naman ako Ikay."


"Bagal mo kasi kuya. Aalis na siya eh."


Lumapit sa akin si Dylan at may inabot. Kinuha ko naman iyon kaagad.


"Good luck charm," sabi ni Dylan na mukhang nahihiya pa.


Napangiti ako sa nakitang silver na charm bracelet.


"Thank you," sabi ko at saka isinuot iyon. Nahirapan pa ako kaya naman tinulungan ako ni Dylan.


Tinignan ko silang lahat saka huminga nang malalim. Ngumiti ako sa kanila.


"Well, this is goodbye. Wish me luck."


Nakangiti nila akong inihatid papasok sa airport. At nang mag-isa nalang ako, hindi ako kinabahan. Naramdaman kong handa na akong harapin kung ano man ang naghihintay sa akin sa ibang bansa. Alam kong mahihirapan ako dahil wala roon ang mga kaibigan ko pero... pakiramdam ko... maaasahan ko ang anghel na nagbabantay sa akin ngayon.


***


Naramdaman kong umalis ang katabi kong babae nang nawala na ang seatbelt sign sa itaas. Nasa himpapawid na kami at nakikita ko na ang mga ulap sa katabi kong bintana. Bigla kong naalala ang mga cotton candy.


Umayos ako ng upo at kinuha ang bag sa may paanan ko. Mula roon, kinuha ko ang libro ko para may magawa.


Habang nagbabasa ng libro, naramdaman kong bumalik na ulit ang katabi ko.


"That's a good choice," sabi ng isang baritong boses.


Gulat akong napatingin sa kaliwa ko at nakita siyang nakaupo.


"Are you serious?!" hindi makapaniwalang tanong ko sa katabi ko. Tinignan ko siyang mabuti.


"Yes. And the ending? Mind blowing. I'm not even exaggerating, believe me."


"What? That's not..." tumingin ako sa paligid at hinanap ang babaeng katabi ko dapat. "Leon? Nasaan yung babaeng katabi ko rito kanina?"


"Oh, her? Yeah, we decided to switch seats," paliwanag niya. Kinuha niya ang magazine sa tapat niya saka inumpisahan na buklatin.


Wala akong masabi sa sobrang gulat ko. Ilang segundo ko siyang pinanood.


"You're staring. Like what you see?"


Napakurap ako. "A-ano'ng ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ako?" halos pabulong kong tanong.


Hinarap niya ako. Nakakunot ang kanyang noo. "You'll be gone for a year. You really expect me to wait? Do you like torturing people?"


"P-paano mo nalaman na one year akong mawawala? Stalker."


"Rude. I'm just a man in love."


"H-huh?!" Mababaliw na yata ako sa mga nangyayari. Naramdaman kong uminit nang husto ang mukha ko.


Umayos siya ng upo at lumapit sa akin. Napalunok ako at napaatras.


"Say Janin, how do I make you mine?" sincere niyang tanong.


And that question left me speechless.



***THE END



***AN -- Sira parin ang wattpad app. Lahat ng di makitang chapters ay may asterisk.

Well, this is the 2nd book. See you sa 3rd book, Dear Future Husband. Multi-pairings 'yon so if you're not into that, then stay away from it. HAHAHA! I do apologise for the confusion— ehem ehem! May mga chapters dito na maybe nakita ninyong unnecessary, naglagay kasi ako ng maraming foreshadowing para sa next book. Para alam ninyo na, hindi naman biglang sumulpot sa ere yung mga nangyayari doon.

Anyway, maraming nagtatanong, ano'ng role ni Kean or ni Dylan sa buhay ni Janin, bakit ganon? Bakit hindi sila nagkatuluyan? I don't know. Lahat ba ng tao sa buhay natin may malaking role? Hmm. And I dunno, siguro hindi lang talaga sila para sa isa't-isa.

Sa umpisa palang naman kasi, sinabi na ni Kean kay Dylan na okay lang kahit ano'ng mangyari, basta matulungan lang niya si Janin. And I quote; "Tama ka. Siguro nga mas mabuti na hindi ko sya hanapin. Kahit na gaano ko pa sya kagustong makita, sa tingin ko mas mahihirapan siya kung bibigyan ko siya ng atensyon. Pero gusto ko parin syang matulungan, kahit papaano. Kahit na gaano kaliit na bagay, gusto ko syang matulungan. Para naman gumaan ang pakiramdam niya."

And he did. Natulungan niya si Janin. You know when it comes to love, hindi na mahalaga kung may makuha siyang kapalit. Worthy siyang mahalin, obviously. Pero not meant to be. Hindi lahat ng worthy, minamahal ng mahal nila. Sad. But true. (sino ang relate? lol)

Anyway, don't worry. Kung akala ninyo kilala ninyo na sina Kean at Dylan, nagkakamali kayo. That's why, kinailangan ko ng maraming foreshadowing, kasi yung past nila... Basta. Basahin ang 3rd book para malaman ang past nila. And no, they are not gays. Get your mind out of the gutter! XD

It's 4am na. Thank you for supporting this story!

Nakalimutan ko na yung iba ko pang sasabihin. Am sleepy na. Gumornayt. Ay oo nga pala, ayon sira parin ang wattpad app. Lahat ng di makitang chapters ay may asterisk. 2x XD



XOXO

Alesana Marie



Continue Reading

You'll Also Like

13.1M 433K 40
When Desmond Mellow transfers to an elite all-boys high school, he immediately gets a bad impression of his new deskmate, Ivan Moonrich. Gorgeous, my...
2.4M 63.3K 39
Since she was 10 years old Kendall's mother had abused her and her father had never noticed it. After eight years of abuse, one day her father walked...
1.4M 49.5K 31
Ella never expected to steal the spotlight when she joined her famous brother's band on tour - or for Max, her childhood crush, to finally see her as...