Dear Ex-Boyfriend

By Alesana_Marie

13.3M 351K 55.8K

Read Dear Future Boyfriend first para di ma-spoil. :) *Nin's Story* [Completed] More

Copyright
Entry #1
Entry #2
Entry #3
Entry #4
Entry #5
Entry #6
Kean
Entry #7
Entry #8
Entry #9
Entry #10
Janin
Entry #11
Entry #12
Entry #13
Kean
Janin
Dylan
Kayleen
Kayleen
Janin
Janin
Janin
Kayleen
Janin
Kean
Dylan
Janin
Janin
Janin
Janin
Janin
Janin
Dylan
Janin
Kayleen
Kean
Dylan
Janin
Kean
Dylan
Janin
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Dylan
Kayleen
Kayleen
Janin
Kean
Janin
Dylan
Leon
Dylan
Janin
Janin
Dylan
Robin
Janin
Dylan
Leon
Leon
Dylan
Dylan
Dylan
Kayleen
Janin
Dylan
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Yohan
Janin
Janin
Kayleen
Kayleen
Dylan
Janin
*Janin
*Janin
*Janin
*Janin

Janin

77.4K 2.5K 462
By Alesana_Marie


Janin


"Janin, long time no see?" sabi ni Monti sa akin.


Hindi ko parin alam kung paano ko siya pakikitunguhan. Lalo pa at nalaman ko na naging sila pala ng pinsan ko na si Shelly noon. May koneksyon parin kaya sila ni Shelly ngayon?


"Millary," bati ko sa babaeng naging kaagaw ko noon kay Leon. Mukha rin siyang hindi komportable sa nangyayari ngayon.


Bakit sila nandito? At bakit nila kasama si Dylan? Sila ba ang kasama niya kanina? Sinasabi ko na nga ba, hindi dapat isinama ni Yohan si Dylan kanina. Ano kaya ang pinag-usapan nila?


"Janin, malapit nang matapos ang shift mo. Ihahatid na muna kita bago ako umuwi," sabi ni Dylan sa akin. Ako parin ang inalala niya.


Tumango ako.


"Hey, kapitbahay namin si Janin, remember?" paalala ni Yohan kay Dylan. "Kami na ang bahala sa kanya."


"No, thanks," tanggi ko. "Hindi naman tayo ganoon ka-close para magsabay na umuwi. Actually, mas mabuti pa nga na mauna na kayo. Tapos na ang shift namin. Hihintayin ko nalang si Emil na dumating."


Halatang natuwa sa sinabi ko ang mga babaeng kasama nila.


"So pwede ka na palang umalis, Leon! Sama ka sa amin sa GoBoh!" sabi ng isang babae na kaibigan ni Millary. "Let's celebrate!"


Biglang tumawa si Yohan habang nakatingin kay Leon. Parang may joke na nangyari na sila lang ang nakakaalam.


"Look at that, Leon," sabi ni Monti sa kaibigan niya na natatawa. Inakbayan niya si Leon. "Ano'ng nangyari? By the way, bagay sa'yo ang suot mo. Yellow shirt with nametag pa. Guys, picturan nyo nga kami! Hahaha!"


Inis naman na inalis ni Leon ang akbay sa kanya. Nang mapatingin siya sa direksyon ko, nag-iwas ako kaagad ng tingin. Halata sa kanyang bad mood siya.


Wala rin nagawa si Leon kundi ang umalis kasama ang mga kaibigan niya. Nakahinga ako nang maluwag nang nawala na sila. Ito ang unang beses na nakita ko ulit sila matapos ang break-up namin ni Leon last year. Huminga ako nang malalim. Naiwan kami ni Dylan sa loob ng store.


"Saan kayo pumunta ni Yohan kanina?" tanong ko sa kanya.


"Sa internet cafe. Naglaro kami ng CROW," sagot ni Dylan. Nakaupo siya sa kaninang inuupuan ni Leon. Hinihimas niya ang kanyang mga mata. Halatang napagod siya. "Nakipag-pustahan siya sa kabilang grupo. Mabuti nalang nanalo kami."


"Magaling ka ba sa mga games?" Madalas kong naririnig ang larong CROW. Ang mga classmates namin ni Kayleen ay palagi iyong pinag-uusapan.


Tumingin siya sa akin at confident na ngumiti. "Don't underestimate me, Janin. Hindi ako tinawag na Master ni Pancho para sa wala. Kung hindi mo naitatanong... Ah! Hwag na pala."


"Bakit? Ano 'yon?"


"W-wala. Wala," bawi niya sa dapat na sasabihin.


"Dylan, ano 'yon?" Bigla akong nacurious. Ano ba ang sasabihin niya dapat?


"Hindi naman 'yon importante. Ha-ha!"


"Hindi naman pala importante, walang dahilan para itago mo."


"Ha-ha-ha! Ano'ng oras ba dadating yung kapalit mo rito?" tanong niya.


"Hmm. Nag-text siya kanina, on the way na raw."


"Sa sabado, gusto mo bang sumabay sa amin ni Ikay?" tanong niya.


Tungkol ito sa party ni Gio sa sabado. Sa hotel gaganapin ang party. Mas mabuti nga siguro kung makikisabay ako sa kanila.


"Okay lang ba?"


"Oo naman, dadalhin ko ang kotse ni Papa."


"Marunong kang mag-drive?" Palagi lang kasi siyang naka-motor.


Umiling siya habang nakatingin sa akin. "Tsk. Tsk. Wala ka talagang bilib sa akin."


"Hm. Okay."


Bumukas ang pinto at sabay kami ni Dylan na napatingin doon. Pumasok si Emil.


"Sorry, sorry, late ako," hinging paumanhin niya. Sa pagkakaalam ko, may trabaho rin siya bago ito.


"Okay lang." Kinuha ko na ang bag ko at ibinigay kay Emil ang susi ng cash register machine.


Lumabas na kami ni Dylan ng convenience store matapos magpaalam kay Emil. Nagulat ako nang makita kong nakatayo sa tapat si Millary. Tumingin siya sa amin nang makalabas kami.


"Janin," sambit niya. "Pwede ba tayong mag-usap?"


"Tungkol saan?"


"Uhh." Nalipat ang tingin niya kay Dylan.


Ilang segundo ko siyang tinignan. Kung anuman ang sasabihin niya, hindi niya ito sasabihin sa harap ng kasama ko. Nilingon ko si Dylan sa tabi ko.


"Sorry," sabi ko sa kanya.


Umiling siya saka ngumiti. "Okay lang. Ingat kayo pag-uwi."


Tumango ako sa kanya at nag-umpisa na siyang maglakad palayo.


"Gusto mo bang pumunta sa apartment ko?" tanong ko kay Millary. "Malapit lang 'yon dito."


Hindi ko na hinintay ang kanyang sagot. Nauna na ako sa paglalakad papunta sa apartment ko. Habang siya naman ay tahimik na nakasunod sa likod ko.


Mabilis din kaming nakarating sa unit ko at kaagad ko siyang pinapasok.


"May gusto ka bang inumin?"


"Just... water."


Pinaupo ko siya sa sofa at ako naman ay kumuha ng baso ng tubig. Inilapag ko iyon sa coffee table sa harap niya bago ako umupo.


"You've changed," sabi niya habang nakatingin sa akin. "Ang laki ng ipinagbago mo simula noong huli tayong mag-usap. Somehow, nawala ang timid personality mo."


Nakaupo kami sa magkabilang dulo kami ng three seater kong sofa.


"Ikaw rin, nagbago ka. Mas mukha ka nang mabait ngayon."


Tumawa siya. "I'm getting married next month."


"June bride? Best wishes."


"Thank you." Inabot niya ang baso ng tubig at uminom. "Nagka-ayos na pala kayo ni Leon. Buti nalang..."


"Hindi. I don't think magkakaayos pa ulit kaming dalawa. Masyado niya akong nasaktan noon."


"Pero nagtatrabaho na kayo ngayon nang magkasama."


"Sa ngayon, wala akong magagawa kundi ang i-tolerate ang existence niya," sagot ko. Bakit ba namin siya pinag-uusapan? "Ano nga pala ang sasabihin mo sa akin? Hindi sana ito tungkol kay Leon."


"M-may kilala ka bang Alfonse?" tila kinakabahan niyang tanong. Parang hindi siya sigurado kung dapat ba niya itong itanong sa akin o hindi.


Umiling ako. "Hindi ko siya kilala."


Napabuntong hininga siya. "Hindi mo parin pala alam."


"Ang tungkol saan? Sino ba si Alfonse?"


"Ang sabi sa akin ni Yohan, may ibinigay daw na box sa iyo si Leon. Hindi mo pa ba iyon binubuksan?"


Bakit alam nila kung ano ang laman ng kahon na 'yon?


"Tungkol ba ito sa sulat ni Leon? Wala akong balak na basahin iyon. Kung anuman ang nangyari noon, wala na akong balak na balikan pa." Bakit ba siya nakikialam sa problema namin? Mahal pa ba niya si Leon? "Naka-move on na ako. Si Leon ang hindi pa. And Millary, please hwag ka nang makialam. Ano nalang ang iisipin ng fiance mo kung malaman niya na..." Bigla akong napahinto. Bakit ako ganito makipag-usap sa kanya? Hindi ko siya kaaway. Pero bakit parang naiinis ako sa kanya?


Biglang sumeryoso ang mukha niya. "Kapag nalaman niya na dumidikit parin ako sa ex ko? Don't worry, alam naman niya ang ginagawa ko ngayon. Like I said, ikakasal na ako. Gusto ko lang ayusin ang mga problema na nangyari noon. Pakiramdam ko kasi, kahit isang taon na ang nakalipas, hindi parin tapos ang problemang ito. Ayokong dalhin ito hanggang sa pagkatapos ng kasal ko."


"Hindi mo problema ang problema namin ni Leon."


"Janin, ako ang naging dahilan kung bakit ka palaging umiiyak noon, hindi ba?"


"Hindi ikaw ang nanloko sa akin. Hindi ikaw ang pumili na saktan ako, si Leon 'yon. Desisyon niya ang nanakit sa akin."


"Hwag mo sanang isisi kay Leon ang lahat," malungkot niyang sabi.


Hindi ko maipaliwanag ang inis na naramdaman ko. Bakit ba niya gustong iinvolve pa ang sarili niya rito? Labas na siya!


"Ano ang gusto mo, sisihin din kita?" hindi ko naiwasan na lakipan ng inis ang tono ko.


"Sinabi mo na nasaktan ka pero inalam mo ba talaga ang totoo? Kung ano lang ang nakita mo, iyon lang ang pinaniwalaan mo," sagot niya sa akin na parang ako pa ang may mali. Na parang ako pa ang dapat na sisihin sa nangyari noon. Na kasalanan ko kung bakit ako nasaktan nang paulit-ulit.


"Kung ganon, may iba pa bang ibig sabihin noong nakita ko kayong magkasama at naghahalikan? Magkaakbay na naglalakad sa mall?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Napatayo ako at tinitigan siya. "Sabihin mo!"


Bigla rin siyang tumayo at sinalubong ang tingin ko. "Oo! Kung inalam mo lang! Kung malakas lang sana ang loob mo na tanungin siya tungkol sa katotohanan! Hindi sana tayo nasaktan pareho!"


Nasaktan pareho?! "Hwag mong isisi sa akin ang nangyari noon! Kayong dalawa ni Leon ang nanakit sa akin!"


"No, Janin! It's you! You ruined us both!" galit niyang sabi.


"Tama na Millary, ang akala ko matino kang babae. Pero wala nga palang matinong babae ang papayag na makipag-relasyon sa taong may girlfriend na!"


"Don't call me that! Noon, hinayaan ko ang sarili kong matawag na mang-aagaw pero iba na ngayon! Gusto kong malaman mo kung ano ang totoo! Alam kong may galit ka parin sa akin kahit na itago mo pa. Hindi maiiwasan iyon dahil pakiramdam mo ay inagaw ko siya sa iyo. Pero ngayon, hindi ko na ulit hahayaan pa ang sarili ko na matawag ng isang bagay na hindi naman ako! You have no right!"


"I have every right, Millary! Alam mong kami ni Leon pero nakisiksik ka parin katulad ng ginagawa mo ngayon! Why don't you just admit it? Mahal mo parin siya hanggang ngayon. Kung gusto mong siguraduhin na tapos na kami, oo matagal na! Thanks to you!"


Mabilis niya akong sinampal sa pisngi. Hindi ko nakita ang kamay niya at naramdaman ko nalang ang pamamanhid ng pisngi ko. Tinignan ko siya. Balak ko siyang gantihan pero nakita ko nalang na umiiyak na siya. Natigilan ako. Ngayon ko lang siya nakitang umiiyak. At sa aming dalawa, naramdaman kong ako ang masama at hindi siya. Sa unang pagkakataon, ako ang masama sa aming dalawa.


"Wala kang karapatan na paratangan ako ng ganyan! Because in the first place, hindi naman naging kayo ni Leon kahit na kailan!" mabilis na sagot niya. Pinunasan niya ang kanyang basang pisngi. "Kung may nanira man ng relasyon dito, ikaw 'yon! Sinira mo kami! Akala mo ikaw ang biktima, no Janin! Sa ating dalawa, ako ang mas nasaktan! Kaya hwag mo na ulit ipapamukha sa akin na naging other woman ako ni Leon dahil that time, ako lang ang girlfriend niya!"


"A-Ano'ng sinabi mo?"


"Kung gusto mo talagang malaman ang totoo, basahin mo ang sulat sayo ni Alfonse. Alamin mo ang totoo, Janin."


Nagmadali siyang lumabas ng apartment ko. Naiwan akong nakatingin sa sumaradong pintuan. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Hindi ako naging girlfriend ni Leon?


Napaupo ako sa sofa. Gulong gulo ang isip ko at patuloy kong naririnig ang boses ni Millary. Gusto ba niyang sabihin sa akin na nauna siyang naging girlfriend ni Leon? Na noong naging kami, sila parin. Kaya ako ang sumira sa kanila? Ako ang...


Tumayo ako at pumasok sa loob ng kwarto ko para hanapin ang kahon. Nang makita ko iyon ay ilang minuto ko itong tinitigan. Nanginginig ang mga kamay ko nang buksan ko ang kahon.


Nakita ko sa loob ang dalawa nitong laman. Isang panyo. Isang sulat.


Maingat kong binuksan ang sulat at nagulat ako sa una kong nabasa. Hindi ito nakapangalan sa akin. Ito ay para sa ibang tao. At ang taong iyon ay si Leon. Bakit niya ipinapabasa sa akin ang sulat na para sa kanya?



***AN

Late update. Haha! Inuna ko ang updates sa Project: Yngrid. Tapos na siya ngayon. Pwede nyo na siyang mabasa ng isang upuan. Maganda raw yon, sabi ng mga nasa comments. XD Read nyo na guys. Haha! 

Continue Reading

You'll Also Like

12.3M 449K 62
"Feel that?" He asked, keeping her hand still. "That's what you do to me. Every time I see you. Every time I hear you laugh. Every time I think of yo...
2.8M 152K 55
Liam Smith is in Texas for the funeral of a fallen comrade. He proudly serves his country and would do anything for a fellow Marine. What he doesn't...
2M 67K 81
Eleanor Selwyn and Draco Malfoy had three things in common: a high, pure-blood status, academic talents and Slytherin house. Other than that, they we...
1.6M 200K 74
Unicode ၁၉၄၀ခုနှစ်လောက်က ဇာတ်လမ်းတစ်ပုဒ်။ မိန်းမအဝတ်အစား၊ မျက်နှာချေမှုန့်၊ နှုတ်ခမ်းနီရဲရဲတို့ကို နှစ်ခြိုက်ခဲ့သော ယောကျ်ားပျိုတစ်ယောက်၏ အမည်ကား မြတ...