Dear Ex-Boyfriend

By Alesana_Marie

13.3M 351K 55.8K

Read Dear Future Boyfriend first para di ma-spoil. :) *Nin's Story* [Completed] More

Copyright
Entry #1
Entry #2
Entry #3
Entry #4
Entry #5
Entry #6
Kean
Entry #7
Entry #8
Entry #9
Entry #10
Janin
Entry #11
Entry #12
Entry #13
Kean
Janin
Dylan
Kayleen
Kayleen
Janin
Janin
Janin
Kayleen
Janin
Kean
Dylan
Janin
Janin
Janin
Janin
Janin
Janin
Dylan
Janin
Kayleen
Kean
Dylan
Janin
Kean
Dylan
Janin
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Dylan
Kayleen
Kayleen
Janin
Kean
Janin
Dylan
Leon
Dylan
Janin
Janin
Dylan
Robin
Janin
Dylan
Leon
Leon
Dylan
Dylan
Dylan
Kayleen
Janin
Dylan
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Kayleen
Kayleen
Dylan
Janin
*Janin
*Janin
*Janin
*Janin

Yohan

66.7K 2.2K 268
By Alesana_Marie


Yohan

Tick. Tock. Tick. Tock.


"Leon dude!!! Late ka na sa trabaho!" sigaw ko sa kanya pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ko na kasalukuyan niyang inookupa.


"FUCK!" gulat na sabi niya at napabalikwas ng gising. Muntik na akong matawa sa hitsura niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Inabot niya ang kanyang cellphone na nakapatong sa unan na katabi niya. "Shit. Bakit hindi nag-alarm?"


"Joke lang," tumatawa kong sabi. "YOLO."


"Yohan, I'm gonna fucking kill you," banta niya na puno ng iritasyon ang mukha. Muli siyang humiga sa kama at tinakpan ang mga mata gamit ang braso. Puyat parin talaga ang loko.


Nangingiti akong sumandal sa gilid ng pintuan at tinignan siya. Dahil unit ko ito, kailangan niyang maging mabait sa akin. Tsk. Kung bumait nga lang sana siya, mas maganda sana. Nadagdagan lang ng limang porsyento ang pasensya niya simula nang lumipat dito si Janin. Pero hindi na masama. Ngayon ko lang na-kontrol nang ganito ang kaibigan ko. Natutuwa ako sa mga nangyayari.


Sa mga nangyayari ngayon, sobrang nagiging interesante ang mga araw ko. Lalo na kapag nakikita ko sila ni Janin na naghaharap. Kung makikita lang ni Leon ang sarili niya sa harap ng ex niya.


Pfft. I better not let him know about this. Kailangan ko lang pigilan ang sarili ko na tumawa sa tuwing nakikita ko ang pinapakita niyang expression kapag hindi siya pinapansin ni Janin o sa tuwing tinatarayan siya nito.


Gusto kong maawa sa kanya pero... Napalingon ako sa sofa na nasa sala. Nandoon parin ang unan at kumot ko. Tsk. Namimiss ko na ang kama ko.


Tumunog ang alarm niya sa cellphone.


"Dude, nag-luto ako," anunsyo ko.


Inalis niya ang takip niya sa mga mata at tumingin sa akin. Bakas parin ang iritasyon niya sa mukha niya.


"Sorry na dude, alam mo naman na namimiss ko na ang kama ko. Bakit kasi hindi ka nalang umupa ng unit dito? Meron pa naman sa second floor."


Hindi siya sumagot. Mali. Hindi siya makasagot. Interesting. Nadagdagan ang tuwa ko.


"Oo nga pala!" agad kong sabi habang pinipigilan na matawa. Nag-ingat ako sa tono ng pananalita ko dahil alam kong masasapak na ako nang tuluyan ni Leon kapag pinagtawanan ko siya. Kaya naman tinuring ko nalang na parang ito ang sagot sa problema ng lumalalang ekonomiya ng bansa. "Kapag ginawa mo 'yon, masasabihan kang stalker ni Janin. Ayaya~ Hindi niya pwedeng malaman na sinusundan mo siya. Talagang hindi pwede."


"I'm not in the mood to talk about this, Yohan. Besides, I offered you a new condo but you refused it." Tukoy niya sa unit na gusto niyang ibigay sa akin kapalit ng unit na ito. Maganda rin sana na lumipat doon pero hindi ko palalagpasin ang pagkakataon na ito para panoorin ang paghihirap ng kaibigan ko. This bastard. Ngayon lang siya naging ganito.


"Masaya ako sa apartment ko, Leon. Isa pa, kailangan mo ako rito. Marunong ka bang mag-luto at maglinis?" tanong ko sa kanya at nakita kong nag-iwas siya ng tingin. Noong huli siyang nagluto, isang dosenang band aids yata ang naubos para takpan ang mga kamay niya. Sumakit ang tyan ko mapigilan ko lang ang pag-tawa sa kanya. "Kung hindi pa kita tinulungan, sa tingin mo ba maibibigay mo kay Janin 'yon?


Hindi siya sumagot. Bulls eye! Pfft. Nasa top siguro iyon ng most embarassing moment niya. Shit. Kailangan kong mag-ingat sa pagtatago ng sikreto niya. Malalagot ako kapag may ibang nakaalam. Pero... pfft! Naalala ko na naman 'yon.


"Alam mo kasi pare, masyado kang obvious. Pero pasalamat ka at nauna talaga akong tumira rito. Nakatulong din na palagi kang tumatambay dito kapag may away kayo ng erpat mo. Kilala ka na ng landlady."


Bumangon na siya sa kama at naglakad palabas ng kwarto. Pumunta siya sa kusina. Sinundan ko siya ng tingin.


"Kung bakit kasi hindi mo pa sabihin sa kanya ang totoo para matapos na." Ang slow din nito e.


"You think it's that simple?" seryosong tanong niya habang kumukuha ng pitsel sa ref. "Sa tingin mo paniniwalaan niya kaagad ang mga sasabihin ko? Ni ayaw niya akong kausapin."


Napabuntong hininga ako. "Kung sabagay, matigas nga ang ulo niya. Hindi ka niya kinakausap kahit na sabay kayong napunta sa trabaho at nauwi rito." Umupo ako sa harap ng lamesa at nag-salin ng pagkain sa pinggan ko. "Sa tingin mo nabasa na niya yung sulat?"


Hindi siya sumagot.


"Magpatulong ka kaya kay Millary?" tukoy ko sa ex girlfriend niya. Kung malalaman lang ni Janin ang totoo, siduradong—


"Stop sticking your nose where it doesn't belong, Yohan," ang sagot niya sa akin na halatang ubos na ang pasensya. "My life is not for your own personal amusement."


"Tch. You tsundere bastard," bulong ko.


"What?" kunot noo niyang tanong.


"Wala, kain na."


***


Ang boring, shit. Wala bang susunod na laban? Tinignan ko ang messages na laman ng inbox ko. The hell is this shit? Walang bagong hamon. Pumunta ako sa contacts at hinanap ang pangalan ng kaibigan ko.


"Monti!" bati ko sa kanya nang sagutin niya ang tawag. "Wala pa ba?"


"Nag-backout si Baz. Three on three ang kailangan," sabi niya. "May kilala ka pa ba?"


"Magkano ba?"


"One hundred."


One hundred thousand. "Sweet. Nice deal my friend."


"May kilala ka ba na marunong?"


"Tatawagan kita ulit."


"Fine."


Pinakinggan ko ang tunog ng shower sa bathroom. Nice. Nice. Lumabas ako ng apartment ko. Sino pa ba ang kilala kong marunong maglaro ng CROW? Meron siguro sa computer shop malapit dito. Siguradong maraming—


Napahinto ako sa paglalakad nang madaanan ko ang bukas na apartment ni Janin. Naglakad ako pabalik at sinilip ang pamilyar na lalaking nakaupo sa sofa.


"Dylan!!!" tawag ko.


Gulat siyang napalingon sa akin. Napatingin din sa akin si Janin at ang kapatid ni Dylan.


"Y-Yohan?"


"Dylan my friend!!!"


"B-bakit?"


"Marunong ka ba maglaro ng CROW?" tanong ko habang nakatayo parin sa labas ng pintuan.


"Yung RPG game?"


"Ohoh~ Marunong ka?"


"M-medyo lang. Bakit mo tinatanong?"


"Yohan," tawag sa akin ni Janin at binigyan ako nang nagbabantang tingin. "Hwag."


Nginitian ko siya. "Janin, ang mga lalaki ay hindi marunong umatras sa mga laban. Tama ba ako, Dylan my friend?"


"Uh. Oo?" sagot niyang mukhang nalilito. Pero hindi na iyon mahalaga, um-oo na siya.


Lumapad ang ngiti ko. Pumasok ako sa loob ng apartment at hinila sa braso si Dylan.


"Let's go!!!" Tumakbo kami palabas.


"YOHAN!" sigaw ni Janin.


Nilingon ko siya sa likod namin. Lumabas siya ng unit niya.


"Ibabalik ko rin siya mamaya! In one piece! Promise!" Bumaba kami ng hagdan. Tinawagan ko si Monti. "Hello, Monti! I-set mo na!"


Continue Reading

You'll Also Like

19.6M 578K 81
On her 18th birthday, Claret finds out that her destiny is to be a healer in Nemetio Spiran, a vampire world where all is not as it seems. ...
8.4M 466K 53
Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other goddesses her age when it comes to power an...
11.4M 569K 53
Kallaine Seraphina Verlas is a vampire with a white curse-a curse that every creature feared the most. She already accepted her existence alone, trap...
Paper Roses By Elmo

Teen Fiction

29.8K 1.9K 18
A girl living in a simple life meets a guy who will make her life miserable. Hindi niya ito pinapansin dahil mas lalong lalala ang kaniyang sitwasyon...