Dear Ex-Boyfriend

By Alesana_Marie

13.3M 351K 55.8K

Read Dear Future Boyfriend first para di ma-spoil. :) *Nin's Story* [Completed] More

Copyright
Entry #1
Entry #2
Entry #3
Entry #4
Entry #5
Entry #6
Kean
Entry #7
Entry #8
Entry #9
Entry #10
Janin
Entry #11
Entry #12
Entry #13
Kean
Janin
Dylan
Kayleen
Kayleen
Janin
Janin
Janin
Kayleen
Janin
Kean
Dylan
Janin
Janin
Janin
Janin
Janin
Janin
Dylan
Janin
Kayleen
Kean
Dylan
Janin
Kean
Dylan
Janin
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Dylan
Kayleen
Kayleen
Janin
Kean
Janin
Dylan
Leon
Dylan
Janin
Janin
Dylan
Robin
Janin
Dylan
Leon
Leon
Dylan
Dylan
Dylan
Kayleen
Janin
Dylan
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Janin
Dylan
Yohan
Janin
Janin
Janin
Kayleen
Kayleen
Dylan
Janin
*Janin
*Janin
*Janin
*Janin

Dylan

97K 2.9K 1.4K
By Alesana_Marie


Dylan


"Okay na ba yung system, Master?"


"Natapos ko na hanggang sixty percent."


"Maaga tayong matatapos nito. Si Digs din, malapit nang matapos, eh," sabi ni Pancho habang tumitingin sa screen ng laptop ko. "Nagawa mo na ba yung sa database?"


"Oo, kaunting input nalang galing kay Digs," sagot ko habang nagco-code.


"Ayos yan Master. Nga pala, may nag-contact sa akin na bagong client. Ni-rcommend daw tayo ng dati nating client, si Mrs Bautista. Nagpapagawa naman ng website ng hotel nila. Kakausapin ko pa tungkol sa presyo. May meeting kami sa sabado."


Napatigil ako sa pagta-type. Hindi pa ba sila nag-uusap ni Digs? Langya. Hindi pa yata nasasabi ni Digs na last project na niya ito sa amin. Tsk. Sino ang magiging designer ng website?


"Hindi pa ba kayo nag-uusap ni Digs tungkol dyan?"


"Hindi pa, Master. Ikaw ang una kong sinabihan, mamaya text ko si Digs." Kinuha niya ang baso niya at uminom ng iced tea. "Nga pala Master, bakit ba tayo nandito sa mall?"


Napatingin ako sa paligid. Ala-una ng hapon, nandito kami sa food court. Magkasama sina Ikay at Janin sa pamimili.


"Ah, may binibili kasi sina Ikay eh."


"Ano ba yung bibilhin nila? Bakit pinadala mo sa akin yung Chevrolet ni Papa?"


"Mga gamit. May nahanap na kasing apartment si Janin kaya aalis na siya sa bahay namin. Magkasama sila ni Ikay na bumibili ng mga bagong gamit niya sa bahay."


Tumango si Pancho. "Ang tagal din niyang tumira sa inyo. Mga isang buwan? Hindi ka ba na-develop?"


"Ha?!" gulat kong sabi.


"Grabeng reaksyon naman 'yan, Master," tumatawang sabi niya. "Ano'ng masama? Pareho naman kayong single. Tsaka maganda siya. Di ka na-develop?"


"Magtigil ka nga, Pancho. Pinopormahan na 'yon ni Kean."


"Sinagot na ba?"


"Tsk. Basta."


"Magtapat ka nga, Master. Ikaw ba ay umiibig sa kanya?" nakangiti niyang tanong.


"Alam mo, Pancho. Si Janin, parang kapatid ko na rin 'yon," paliwanag ko. Nag-umpisa na ulit ako sa pag-type.


"Sus. Alam mo Master, maraming nag-umpisa sa ganyan. Yung tatawagin kang Kuya tapos biglang iba na pala ang ibig sabihin. May pag-aangkin na palang nagaganap."


"Loko ka, Pancho. Tumigil ka. Kumain ka nalang dyan."


Tumawa siya. "Pero di nga, Master. Seryoso, wala nga?" tanong niyang may pang-asar na ngiti.


"Ano pa ba ang gusto mong kainin? Kainin mo na." Kinuha ko ang wallet ko mula sa bulsa ng pantalon ko at inilagay sa lamesa. "Bumili ka ng pagkain mo. Yung marami para wala ka nang masabi. Yung chewy na parang bubblegum para manigas na ang panga mo at hindi mo na maigalaw ulit."


"Si Master ay umiibig. Woohoo. Binata na," tawa niya.


Tumigil ako sa ginagawa ko at ihinarap sa kanya ang laptop.


"Palit tayo ng ginagawa, Pancho. Ikaw dito, ako ang bibili ng pagkain."


"Sabi ko nga, Master, kakain nalang ako." Inabot niya ang wallet ko na nasa lamesa at tumayo na. "Bibili ako ng pizza. May gusto ka bang ipabili?"


"Bumili ka ng apat na mineral water. Yung malamig."


"Roger," sabi niya bago umalis.


Napailing na lang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Isang linggo na ang nakalipas simula nang ma-ospital ako ulit. Ikinulong ako ni Mama sa bahay at di pinayagan na makalabas. Sa tanda kong ito, na-grounded pa ako. Ngayon na lang ako ulit nakalabas ng bahay.


Ang inaalala ko ay si Kean. Siguradong napagalitan na naman 'yon ng manager niya dahil sa nangyaring gulo. Hindi lang 'yon, nagkaroon pa siya ng pasa sa mukha. Tsk. Siguradong hindi niya napuntahan ang mga naka-schedule niyang tapings.


Mabuti nalang talaga at dumating kaagad ang mga bodyguards niya. Naialis kaagad siya sa ospital. Kahit na sinabi kong ayos lang ako, sumama parin siya para siguruhing ligtas ako. Napailing ako. Taong iyon talaga.


"Kuya!"


Nalingunan ko si Ikay at Janin. May mga dala silang kahon at ecobags. Nilapag nila sa lamesa ang mga binili nila. Nakita ko ang box ng electric kettle at microwave oven.


"Shit. Bakit hindi ninyo ako tinext para natulungan ko kayo?" tanong ko. Inayos ko ang pag-save sa ginagawa ko sa laptop bago ito isinara.


"Hindi naman mabigat 'to, kuya."


"Tama si Kayleen, kaya naman namin buhatin ang mga ito."


"Yan lang ba ang binili ninyo?" tanong ko.


"Funny ka talaga, kuya. Bumili rin kami ng kama tsaka table set. May mag-aassist sa atin para buhatin ang mga 'yon papunta sa sasakyan."


Nilagay ko sa bag ang laptop. Dumating na si Pancho dala ang dalawang box ng pizza na family siza at isang plastic na may laman na mga mineral water.


"Bumili na ako ng maraming mineral, Master." Inabot niya sa akin ang wallet ko. "Aalis na ba tayo?"


***


Sampung minuto ang layo ng apartment building ni Janin sa kanilang school. Malapit dito ang paradahan ng jeep at tricycle. Malapit sa isang daycare center at sa isang chapel. Puno ng tao pero hindi maingay at mukhang hindi delikado.


Sina Mama ang nakahanap sa lugar na ito. Mura lang ang renta. Bagong renovate din daw kaya maliwanag sa loob. Nasa third floor ang unit ni Janin. Unit number three-o-three. May isang kwarto, isang banyo, disenteng laki ng kusina at sala. Puti ang kulay ng pintura sa loob. Tiles na disenyong kahoy ang sahig. May balcony sa loob, salamin ang pintuan non. Pwede niyang pagsampayan ng damit o taniman ng mga halaman kung gusto niya.


Shit. Gusto ko na rin umalis sa amin at tumira mag-isa sa katulad nito. Pero masyado kong inaalala sina Mama. Lalo na si Ikay, paano kung maligaw siya at nasa malayo ako? Paano kung maiwan siyang mag-isa sa bahay? Paano kung managinip siya nang masama at wala gigising sa kanya? Paano kung may makita na naman siyang gagamba sa banyo? Wala na rin siyang taga-bili ng napkin sa tindahan kapag nakalimutan niya. O taga-load kapag naubusan siya sa gabi. Tsk tsk.


Masyado pa siyang bata. Hindi pa niya kayang wala ako. Hindi rin ako papayag na agawan ni Ashton ng trabaho.


"Kaunti pa sa gilid," sabi ko at inayos ang hawak sa frame ng kama. Nasa kabilang dulo naman si Pancho.


Inilapag namin ang kama nang maayos na namin ang pwesto. Sa dulo malapit sa bintana. Single bed ang laki nito at yari sa kahoy, may dalawang drawers sa ilalim. Sunod naming kukunin ang mattress na nasa sasakyan pa.


"Kuya, nauuhaw na ba kayo?" tanong sa amin ni Ikay na pumasok sa kwarto. Hawak niya ang dalawang bote ng mineral water.


"Salamat," sabi ni Pancho sa kapatid ko nang tanggapin ang tubig.


"Heto kuya, inom ka muna."


"Salamat Ikay," sagot ko saka uminom.


Hindi naman masyadong mabigat ang frame ng kama pero dahil iniakyat namin iyon mula parking lot papunta rito sa third floor gamit ang hagdan, pinagpawisan kami nang husto. Hindi rin nakatulong ang init ngayong summer. Ang tindi ng sikat ng araw.


"Towel?" alok ni Janin na pumasok din sa kwarto.


Kinuha ni Pancho ang isang face towel mula kay Janin. Mukhang bago pa iyon.


"Grabe ang init," sabi ni Pancho habang nagpupunas.


"Mag-lalagay ka rin ba ng aircon dito, Janin?" tanong ko. Tinignan ko ang espasyo sa itaas ng bintana. Para iyon sa aircon kung may ilalagay.


"Hindi na muna," sagot niya. "Malapit nang matapos ang summer. Sa pasukan magiging tag-ulan na ulit. Sa ngayon, electric fan nalang muna ang gagamitin ko."


"Hwah! Nakalimutan natin bumili kanina!" sabi ni Ikay.


"Okay lang, kaya ko naman buhatin iyon mag-isa."


May bigla akong naalala. "May isa pang extra na electric fan sa bahay, diba Ikay?"


"Alin kuya?"


"Yung napanalunan ni Mama sa raffle noong batch reunion nila?"


"Ah! Oo!" Ngumiti siya. "Tama, pwede mo iyong gamitin Janin."


"Dadalhin ko nalang dito mamaya," sabi ko. Pwede ko na iyong isakay nalang sa motor ko.


"Sina Mama nalang ang magdala, kuya! Sabi nila ni Papa pupunta raw sila rito para mag-check kung ano pa ang kailangan eh. Nandito sila mamayang five."


"Okay na pala, tapusin na natin ang pag-aayos dito para mamaya wala na tayong gagawin."


"Sasama na kami sa pagbubuhat," sabi ni Janin.


"Hwag na, kaya na namin 'to ni Pancho."


Lumabas na kami ni Pancho ng unit at bumaba ulit papunta sa parking lot. Kinuha namin ang mattress ng kama. Hinawakan namin iyon sa magkabilang dulo. Bigla akong napatingin sa mga bintana ng apartment. Parang may naramdaman akong nakatingin sa amin.


"Problema, Master?"


"Wala. Wala."


Binuhat namin ang mattress at inakyat patungo sa kwarto ni Janin.


***


"Ang sarap ng pizza!" sabi ni Pancho na mukhang iiyak na. Hindi niya kinaya ang init kaya naman naligo siya bago kumain. Basa pa ang buhok niya.


Para sa mga katulad namin na programmers, hindi talaga kami sanay sa mabigat na trabaho. Sa uri ng trabaho namin, utak lang ang palaging ginagamit namin. Siguradong sasakit ang katawan namin mamaya lalo na bukas. Ilang beses kaming bumaba at umakyat para mag-hakot ng gamit mula sa sasakyan.


Pero habang tinitignan ko ang mga gamit na inayos nina Ikay at Janin, sumasaya ako. May dalawang silya ang ang table set na binili nila. Kulay itim at yari sa kahoy. Kami ni Pancho ang nakaupo dito samantalang sila naman ay nasa three seater na sofa na kulay itim din. May itim na coffee table sa harap nila.


Umihip ang hangin papunta sa loob ng unit, tumunog ang maliit na wind chimes na isinabit ni Janin sa pintuan ng balcony. May puting kurtina na nakasabit doon at nakahawi sa magkabilang gilid. Nabalutan na rin ng bedsheet ang kama at may ilang unan na roon. May puting rug sa may pinto ng banyo at puting kurtina na tumakip sa shower.


Ito palang ang mga gamit sa loob ng unit ni Janin. Kailangan pa niya ng refrigerator at kitchen utensils. Wala parin siyang stove. Kaya siguro niya inuna ang oven at electric kettle. Take out o cup noodles ang nakikita kong pagpipilian niyang kainin gamit ang mga iyon.


Bigla akong nag-alala. Magiging ayos lang ba siya kung mabubuhay siya sa take out at noodles?


Mabilis din na lumipas ang oras. Dumating sina Mama at Papa bago mag-alas synco. May dala silang mga gamit. Bukod sa electric fan ay may dala rin silang set ng mga plato, kutsara at mga baso. Nagdala rin sila ng groceries.


"Woow! Ang lamig!" sabi ni Pancho matapos niyang i-plug ang electric fan. Kaagad siyang tumapat doon na mukhang sumasamba. Tumabi sa kanya si Ikay at pareho silang humarap doon.


"Hindi na po sana kayo nag-abala pa," sabi ni Janin kay Mama habang nasa kusina sila.


"Kulang pa nga ito, Janin. Sana pala tinanong ko kay Kayleen kung ano pa ang kulang dito. Naibili ka sana namin kanina ng stove," sabi ni Mama. "Nag-dala rin pala ako ng pagkain. Para may kakainin ka mamayang gabi."


"H-hwag na po kayong bumil ng stove, Tita."


Pfft. Good luck sa pagkumbinsi sa kanila, Janin. Ininom ko na ulit ang dinala ni Mama na coke in can. Mabuti nalang dumaan sila sa grocery store.


"Sigurado ka ba na gusto mo rito, Janin?" tanong ni Papa na tumitingin sa labas ng balcony. "Mukhang safe naman. Nakausap na namin ang landlady at ibinilin namin na i-check ka palagi."


"Opo, ayos na po ako rito. Maraming salamat po," sagot ni Janin na halatang naiilang na.


"Kung magkaroon ka ng problema, hija, bumalik ka sa amin. Pwede kang tumuloy sa amin ulit, kahit anong oras," sabi ni Mama.


"Hon, naibigay mo na ba kay Janin?" tanong ni Papa.


"Ay, oo nga pala!" sabi ni Mama. May inabot si Mama mula sa kanyang bag. "Heto Janin, ang susi ng bahay namin. Pasok ka lang sa loob ng bahay kahit anong oras."


"Opo Tita, salamat po," sagot ni Janin habang tinatanggap ang susi.


Hinawakan siya sa dalawang kamay ni Mama. "Kahit anong oras, Janin," ulit ni Mama.


"O-opo Tita."


"Mama! Pwede po ba ako dito matulog?" tanong ni Ikay.


"Kayleen, hindi pwede. Hayaan muna natin si Janin na mag-adjust. At ang isa pa, hindi ba at single bed yung binili ninyo kanina? Kasya ka ba sa sofa?" tanong ni Mama.


Tumingin si Ikay sa inuupuan kong sofa. "Eeeh. Sabi ko nga po."


"Bakit Ikay, kasya ka dito. Maliit ka lang naman e," sabi ko.


Sinimangutan niya ako. "Che!" Muli siyang humarap sa electric fan.


Naunang nagpaalam umuwi si Pancho. Makalipas ang kalahating oras ay lumabas na rin kami ng apartment. Ihinatid niya kami hanggang sa parking lot.


"Janin, alam mo ba ang number ko?" tanong ko.


"Huh?"


"Mama, pahiram ng ballpen." Inabutan ako ni Mama ng ballpen mula sa loob ng sasakyan. "Akina kamay mo."


"B-bakit?"


Kinuha ko ang kamay niya at isinulat sa kanyang palad ang numero ko. Bagong palit pa naman ako ng sim dahil nasira ang luma kong sim.



"Kapag may nang-harass sa'yo, text mo lang ako."


"Ahh. Okay."


"Ingat ka rito."


"Oo, salamat."


"Good night."


"Good night," sagot niya.


Pumasok na ako ng kotse at nakitang nakatulog na si Ikay sa loob. Tinignan ko si Janin mula sa bintana. Nakita ko siyang naglakad na papasok ng building.


"Nakakalungkot naman, parang nabawasan ang anak natin," sabi ni Mama.


"Hayaan mo, pwede naman tayong gumawa ng isa pa."


Biglang uminit ang mga tenga ko sa usapan nila. "Mama! Papa!"


Tumawa silang dalawa. Umiling ako at tumingin sa mga nadaraanan ng sasakyan namin.


"Kailan ka ba mag-aasawa, Dylan? Kailan ka ba magbibigay ng apo sa amin?"


"Oo nga, gusto na namin ng apo ng Mama mo."


"Kapag po may asawa na si Ikay," sagot ko. "Siya po muna ang alalahanin natin."


"Matinong bata si Ashton kaya wala kaming inaalala ng Mama mo. Ikaw ang inaalala namin," sabi ni Papa habang nagmamaneho.


"Oo nga, Dylan. Pati ang Lola mo ay nagtatanong na rin kung kailan ka magkaka-nobya."


"Matagal pa po," sagot ko.


"Ayaw mo ba kay Janin?" tanong ni Mama na ikinagulat ko. "Masipag na bata. Mapursigi sa buhay."


"At maganda pa," singit ni Papa.


Napasandal ako sa likod ko. "Kay Kean na po si Janin," tinatamad kong sagot.


"Tsk tsk. Ang bagal mo dumiskarte anak, kanino ka ba nag-mana bata ka?" sabi ni Papa na umiiling pa.


"Sa iyo yata Hon, tanda mo ako pa ang nanligaw sa'yo?" tanong ni Mama.


"Erm. Niligawan din naman kita, Hon."


"Oo kasi ang torpe mo noong una. Tapos noong hindi ako nagpakita sa'yo, bigla mo akong niligawan."


"Kasi na-realize ko na mahal pala kita. Kinukulit mo ako noon araw-araw tapos bigla kang nawala. Syempre nag-aalala ako na baka mawala ka sa akin. Tapos nalaman ko pa na may umaaligid pala sa'yo noon."


"Si Joseph? Bestfriend ko lang 'yon, at ang isa pa lalaki din ang gusto non. Pero naalala ko ang sweet mo Hon, lalo na noong hinarana mo ako sa classroom. Muntik na akong umiyak."


Uminit nang uminit ang mukha ko. AAAH! Nakalimutan na yata nilang nandito ako sa likod.


"Pero anak, Dylan, hindi mo ba nagustuhan si Janin?" tanong ni Mama.


"Mama."


"Naninigurado lang anak. Baka kasi saka mo marealize kapag hindi na pwede."


"Mama, hindi nga po."


"O sige anak, pero kung may magustuhan ka na, sabihin mo sa amin ha? Ipakilala mo sa amin ng Papa mo."


"Opo Mama."


Doon na natapos ang pangungulit nila sa akin. Hanggang sa makauwi na kami. Nang makahiga na ako sa kama ko, napatitig ako sa kisame. Bakit ba nila ako pilit na itinutulak kay Janin?


Tumunog ang cellphone ko. Binasa ko ang text na nakasulat.


Thank you ulit. Good night.


Janin? May sumunod na text.


Si Janin 'to.


Hindi ko napansin na napangiti pala ako. Shit. Umiling ako. Ano 'to? Lagot ako. Bakit ang cute niya?



***AN

Sabi ko malapit nang matapos. Ang dami pa palang hindi ko nailagay dito. Binasa ko kasi ulit. Hahaha! So hindi pa siya malapit matapos. Siguro, dagdag ten chaps pa. May nabasa ulit ako na kung may kadugtong pa ba raw ito. Every week ang update nito. Minsan twice, madalas once. LOL

---to be continued!

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
3.6M 76.7K 73
"What's your problem?!" "I am jealous, okay?! I don't admit it but I hate it when you talk about someone else. I only want you for me" Sebastian sa...
215K 18K 24
แ€™แ€€แ€บแ€™แ€ฝแ€”แ€บแ€•แ€ฝแ€„แ€บแ€ทแ€œแ€ฑแ€ธแ€”แ€ฒแ€ทแ€แ€ฐแ€แ€ฒแ€ท แ€€แ€ผแ€„แ€บแ€šแ€ฌแ€แ€ฑแ€ฌแ€บแ€€ แ€แ€ปแ€…แ€บแ€ฅแ€ฎแ€ธแ€žแ€ฐแ€กแ€ญแ€™แ€บแ€›แ€พแ€ฑแ€ทแ€…แ€ถแ€€แ€ญแ€ฏ แ€žแ€ญแ€•แ€บแ€แ€ปแ€…แ€บแ€•แ€ซแ€žแ€แ€ฒแ€ท.. แ€กแ€ญแ€™แ€บแ€›แ€พแ€ฑแ€ทแ€…แ€ถแ€€แ€›แ€ฑแ€ฌ... __________________________๐Ÿ‘‘ แ€™แ€€แ€นแ€™แ€ผแ€”แ€นแ€•แ€ผแ€„แ€นแ€ทแ€ฑแ€œแ€ธแ€”แ€ฒแ‚•แ€แ€ฐแ€แ€ฒแ€ท แพ...