Dear Ex-Boyfriend

Av Alesana_Marie

13.3M 351K 55.8K

Read Dear Future Boyfriend first para di ma-spoil. :) *Nin's Story* [Completed] Mer

Copyright
Entry #1
Entry #2
Entry #3
Entry #4
Entry #5
Entry #6
Kean
Entry #7
Entry #8
Entry #9
Entry #10
Janin
Entry #11
Entry #12
Entry #13
Kean
Janin
Dylan
Kayleen
Kayleen
Janin
Janin
Janin
Kayleen
Janin
Kean
Dylan
Janin
Janin
Janin
Janin
Janin
Janin
Dylan
Janin
Kayleen
Kean
Dylan
Janin
Kean
Dylan
Janin
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Dylan
Kayleen
Kayleen
Janin
Kean
Janin
Dylan
Leon
Dylan
Janin
Janin
Dylan
Robin
Janin
Dylan
Leon
Leon
Dylan
Dylan
Kayleen
Janin
Dylan
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Yohan
Janin
Janin
Janin
Kayleen
Kayleen
Dylan
Janin
*Janin
*Janin
*Janin
*Janin

Dylan

85.5K 2.8K 843
Av Alesana_Marie

Dylan


Nagpupunas ako ng katawan ko matapos kong maligo nang madaanan ko ang salamin sa aparador ko. Tinignan ko ang katawan ko sa salamin. Hindi naman ako mataba at hindi rin ako payat. Para sa akin, maayos naman ang katawan ko. Naalala ko ang sinabi ni Ikay sa akin kahapon. Magpalagay daw ako ng abs.


Siguro nga oras na para maglagay ako ng abs. Haha!


Matapos ang ilang minuto ay lumabas ako sa kwarto ko nang may anim na abs. Excited ko itong ipinakita kay Ikay.


"Ikay!" Binuksan ko ang pinto ng kwarto niya.


"Kuya!" gulat na sabi niya. Katabi niya na nakaupo sa kama si Ashleen.


"Tignan mo Ikay, may abs na ako!" turo ko sa tyan ko. "Tenen!"


Malakas ang tawa ni Ashleen nang makita ang katawan ko. Nakatakip siya sa bibig niya habang tinatawanan ang abs ko.


"Kuya, ano yan?!"


"Abs nga! Sexy ko no?"


"Burahin mo nga yan pentel sa katawan mo, kuya! Para kang ewan!"


"Sabi mo magpa-abs ako."


"Dylan! Ang sexy mo!" sabi ni Ashleen.


"Salamat Ashleen! Dahil dyan bibigyan ko kayo ng once in a lifetime opportunity!" Sinayawan ko sila ng sexy dance.


"Igiling mo pa Dylan! Wooh!"


"Kuya, tama na! Tigilan mo yaaan!" sabi ni Ikay na nagtatakip ng ng mukha gamit ang dalawang kamay.


"Ganito ba yung sayaw ni Tatum, Ikay?" Hip thrust!


"Kainis ka, kuyaaa!" matinis na sigaw ni Ikay.


"Kaya ba ni Ashton na gumiling nang ganito? Hindi niya kaya 'to, ako lang ang may kaya nito," patuloy ako sa pagsayaw sa harapan nila. "May abs ba siya? Ako meron, anim pa!"


"Tama na! Mukha ka talagang ewan kuya!"


Tumayo si Ikay at tinulak ako palabas ng kwarto niya. Nang matulak niya ako sa labas ay sinarahan niya ako ng pinto.


"Ikay naman!" natatawa kong sabi.


"Burahin mo yan!" sabi niya mula sa loob ng kwarto niya.


Pumasok ako sa kwarto ko nang tumatawa. Makalipas ang ilang minuto ay muli akong pumasok sa kwarto ni Ikay.


"Kuya! Ano ba? Sabi ko, burahin mo yan nasa katawan mo!"


"Ikay, ayaw mabura ng pentel. Tulungan mo si kuya. Huhu."


"Talaga naman..."


***


"Dylan, ano nangyari sa mukha mo? Bakit may pasa?" tanong ni Ashleen.


Nasa hapagkainan kami at kumakain na ng tanghalian. Nagluto ako ng chicken adobo at niyaya na kumain kasama namin si Ashleen. Mag-isa lang din kasi siya sa bahay nila.


"Kasi yan si kuya," sagot ni Ikay na di man lang ako binigyan ng pagkakataon na sumagot. "Feeling superhero."


"Ikay naman."


"Bakit? Ano'ng nangyari?"


Binuka ko na ang bibig ko para sumagot pero inunahan ako ulit ni Ikay.


"Kasi dumating yung ex ni Janin. Inabangan daw siya sa may gate ng subdivision. Tapos kinukulit siya na mag-usap daw sila, eh ayaw niya. Tapos dumating si Kuya," kwento ni Ikay. Siguro ay sinabi ni Janin sa kanya ang nangyari. "Tapos ayun, nasuntok siya kasi inaawat niya. Di man lang marunong umilag."


"Wow," sabi ni Ashleen. "Good job, Dy. Pero next time umilag ka na. Sayang naman ang mukha mo. Cute ka pa naman."


"Hehe. Salamat." Cute daw ako.


"Hehe ka pa dyan? Kitang kita ang pasa mo, kuya."


Napangiwi ako. Nakita ko kasi sa salamin kanina ang pasa sa mukha ko. Halatang halata nga. Magkikita pa naman kami ni Sienna ngayon. Baka isipin niya na basagulero ako.


Pero hindi lang ang reaksyon niya ang inaalala ko. Paano ko kaya ito itatago? Lagyan ko ng band-aid? Kapag nakita 'to ni Kean...


***


Pagsapit ng alas-kwatro ng hapon ay nakatanggap ako ng text message mula kay Janin. Malapit na raw siya sa gate. Kaagad kong kinuha ang bag ko at sinuot ang sapatos ko.


"Ikay, alis muna si kuya," paalam ko sa kanya. Nanonood sila ng movie ni Ashleen sa sala.


"Saan punta?" tanong niya na hindi inaalis ang tingin sa TV.


"Dalawin ko si Kean, tignan ko lang kung humihinga pa."


"Ge."


"Bye, Ash!"


"Ingat, Dy!"


Lumabas na ako ng bahay at pumunta sa gate ng subdivision. Ayon sa natatandaan ko, may pulang kotse ang ex ni Janin. Iyon pala ang kotse na nakita ko noon na nakaparada sa may kainan sa tapat. Wala namang pulang kotse ngayon sa paligid. Nakahinga ako nang maluwag.


May tumigil na bus malapit sa waiting shed. Nakita kong bumaba si Janin. Kaagad ko siyang sinalubong.


"Kanina ka pa?" tanong niya.


"Di naman."


"Aalis ka?" tanong niya nang makita ang bag ko.


"Oo, may pupuntahan ako."


"Sorry, naabala pa kita."


"Yan ka na naman. Di ka abala, Janin. Ang liit lang na bagay nito. Nga pala, nasa bahay si Ashleen. Kayo na muna ang bahala sa bahay, late din kasi makakauwi sina Mama. "


Tumango siya. "Ako ang bahala."


"Ikaw lang talaga ang maaasahan ko. Masyado pang bata mag-isip si Ikay eh." Bumuntong hininga ako.


Nakita ko siyang ngumiti. Natigilan ako. Ito ang unang beses na nginitian niya ako.


"Sa tingin ko dahil sa'yo 'yon, Dylan. Sobra mo kasi siyang tinatrato na parang bata."


"A-ah. Ganon ba?" natawa ako. "Sige na, ihahatid kita sa may gate."


Umiling siya. "Hwag na, dito ka nalang. Wala naman siya e. Bye, ingat ka rin."


Naglakad na siya papunta sa gate ng subdivision. Pinanood ko siyang lumayo. Siniguro ko na nakapasok na siya sa loob ng gate bago ako pumara ng masasakyan na bus. Hindi ko na dinala pa ang motor ko dahil baka iwan ko na naman ito sa bahay ni Kean. Pansin ko kasi na palagi ko itong naiiwan doon.


Habang nakaupo sa loob ng bus. Napatingin ako sa bintana. Naalala ko ang ngiti ni Janin kanina. Nakita na kaya iyon ni Kean?


***


Nang makarating ako sa bahay ni Kean ay kaagad akong nag-doorbell. Bukas ang mga ilaw sa loob ng bahay.


"Pasok ka," sabi ni Kean nang buksan niya ang gate.


Nang makapasok kami sa loob ng bahay, napansin ko na matamlay siya ngayon. Mukhang pagod.


"Oi, Kean. Tamlay mo. May sakit ka na naman ba?"


"Pagod lang."


Dumiretso ako sa kusina at tinignan ang mga kuting. Lumuhod ako sa harap ng kahon, naglalaro silang dalawa. Hinimas ko ang balahibo ng isa sa kanila at kaagad siyang humawak sa daliri ko. Inilapit ng kuting ang hintuturo ko sa bibig niya saka niya ito kinagat.


"Dylan," tawag ni Kean mula sa likod ko.


"Bakit?"


"Plano ko na mag-tapat kay Janin bukas."


"Ha?!" gulat na napalingon ako sa kanya. "Oi, Kean. Dahil ba 'to sa text ko kagabi?"


"No. I think it's time I confess my feelings to her."








Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

2M 66.9K 81
Eleanor Selwyn and Draco Malfoy had three things in common: a high, pure-blood status, academic talents and Slytherin house. Other than that, they we...
1.2M 65.1K 35
When social services threatens to take away her younger sister, budding singer Kamree Philips must accept help from her young, attractive boss in ord...
215K 18K 24
မက်မွန်ပွင့်လေးနဲ့တူတဲ့ ကြင်ယာတော်က ချစ်ဦးသူအိမ်ရှေ့စံကို သိပ်ချစ်ပါသတဲ့.. အိမ်ရှေ့စံကရော... __________________________👑 မက္မြန္ပြင့္ေလးနဲ႕တူတဲ့ ၾ...
9.3M 533K 95
When an 18 year-old Marine replies to an email meant for an advice columnist, the girl on the other end can't help but be hooked on his every word. W...