Dear Ex-Boyfriend

By Alesana_Marie

13.3M 351K 55.8K

Read Dear Future Boyfriend first para di ma-spoil. :) *Nin's Story* [Completed] More

Copyright
Entry #1
Entry #2
Entry #3
Entry #4
Entry #5
Entry #6
Kean
Entry #7
Entry #8
Entry #9
Entry #10
Janin
Entry #11
Entry #12
Entry #13
Kean
Janin
Dylan
Kayleen
Kayleen
Janin
Janin
Janin
Kayleen
Janin
Kean
Dylan
Janin
Janin
Janin
Janin
Janin
Janin
Dylan
Janin
Kayleen
Kean
Dylan
Janin
Kean
Dylan
Janin
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Dylan
Kayleen
Kayleen
Janin
Kean
Janin
Dylan
Leon
Janin
Janin
Dylan
Robin
Janin
Dylan
Leon
Leon
Dylan
Dylan
Dylan
Kayleen
Janin
Dylan
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Yohan
Janin
Janin
Janin
Kayleen
Kayleen
Dylan
Janin
*Janin
*Janin
*Janin
*Janin

Dylan

115K 2.9K 791
By Alesana_Marie

Dylan


Huwebes. Hindi pupunta sa bahay ni Kean ngayon si Janin. Pwede ko nang kunin ang motor ko roon. Nang lumabas ako ng banyo matapos maligo ay nakarinig ako ng boses ng lalaki sa kusina. Kaagad ko iyong sinundan.


"Magaling," bulong ko nang makita sina Gio at Ashton kasama sina Ikay at Janin. Nagbe-bake sila ng kung anuman. Mukhang cookies ulit. Tsk. Ayos, naligo lang ako biglang may breezy boy na sa kusina namin.


Hindi ko na sila pinakialamanan pa. Pumunta na ako sa kwarto ko para magbihis. Nasa bahay niya kaya si Kean? Iniwan naman daw nyang hindi naka-lock ang gate nya kaya pwede kong makuha ang motor ko. Mahigpit din ang security sa lugar na iyon kaya di nakakatakot na mag-iwan ng bukas na gate.


Kinuha ko na ang pitaka at cellphone ko at nilagay sa bulsa ng pantalon ko. Lumabas ako ng kwarto para magpaalam kina Ikay. Nakaka-miss talaga ang dating Ikay na hahabol sa akin at kakapit sa binti ko para hwag ko syang iwan sa bahay.


"Ikay," tawag ko sa kapatid ko.


Nakita ko naman ang mabilog nyang mata na tumingin sa akin. May harina pa sa pisngi nya. Nagbe-bake ba sila o naglalaro?


"Yes kuya?" sabi nya sa akin habang may hinahalo sa hawak na bowl.


"Alis muna ako."


"Okay kuya, ingat." Di man lang ako pinigilan. Di man lang tinanong kung saan ako pupunta. Huhu. O kay saklap nga naman na mapalitan sa buhay ng nag-iisa kong kapatid.


"Oy Ashton," tawag ko sa lalaking katabi ni Ikay. Tumikhim ako at itinuro ang dalawa kong mata. "I'm watching you."


"Opo kuya," sabi niya na nakangiti pa.


Nakanang... gusto kong maiyak. Kuya. Mas matanda si Ikay sa kanya ng dalawang taon. At mas matanda ako kay Ikay ng tatlong taon. Kuya. Napaka-totoy ng tingin ko kay Ashton kahit na mas matangkad na siya sa akin ngayon. Pero kahit na gaano pa sya ka-totoy alam kong nagbabasa na sya ng adult magazine. Tsk.


Binalingan ko si Gio. Nakatayo sya sa tabi ni Janin. Para siyang nawawalang tuta kung makatingin sa katabi niya. O baka gusto lang nyang makatikim na ng cookies kaya ganyan sya? Ang batang ito...


"Hoy Gio, magtira ka."


"Opo kuya," sagot niya rin na kumikislap ang mata sa kainosentihan.


Unti unti akong nakaramdam ng pagsakit ng ulo dahil sa dalawang lalaking nasa bahay ko. Makaalis na nga.


"Janin," tawag ko sa tanging tao na maasahan ko rito.


Nilingon niya ako at hinintay ang sasabihin ko.


"Pakibantayan sila."


"Okay," sagot niya saka binalik ang atensyon sa hinahalong bowl.


Lumabas na ako ng bahay bago pa ako mag-dalawang isip na iwan sila. Hindi naman siguro nila masusunog ang bahay?


Pagkalabas ko ng gate ng subdivision namin, tumayo ako sa ilalim ng waiting shed at naghintay ng dadaan na bus. Isang magarang sasakyan na nakaparada sa tapat ng karinderya ang nakita ko. Nasa kabilang dako iyon ng kalsada, sa tapat ng subdivision namin.


Shit! Yung Dodge Viper yun ah! Shit. Wallpaper ko yan sa laptop ko noong college days. Shit. Kulay pula pa! Ang astig! Rich kid! Pero bakit nasa karinderya nakahinto? Noong nakaraang buwan pa naman may nanakawan ng sasakyan dyan; nadali ng 'laglag barya gang'. Mga taong naglalagay ng barya sa likod ng sasakyan, at kapag bumaba ang driver para i-check ang tumutunog sa likod ng sasakyan nila; dali dali nilang tatangayin ang kotse. Good luck kung sino ka man. Mamaya wala na yan.


Kaya hanggang ngayon gamit ko parin ang motor ko na binili nina Mama noong college days ko. Hindi ako makabili ng kotse. Ayos. Parang may pambili ako ng kotse ah. Kailangan ko munang bumili ng sarili kong bahay bago ang kotse. Magkano na nga ulit ang naipon ko sa banko? Iiwan ko nalang ang bahay para kay Ikay. Ah, sila kaya ni Ashton ang magkatuluyan?


Napatigil ako sa pag-iisip nang makita ko ang bus na dadaan sa subdivision nina Kean. Agad akong sumakay sa hindi pa punong sasakyan. Forty minutes ang hihintayin bago ako makarating doon.


***

Pumasok ako sa loob ng subdivision at diretsong pumunta sa bahay na nirentahan ni Kean. Itinulak ko ang nakasarado niyang gate at bumukas nga ito. Tumingin ako sa paligid. Nakasarado ang pinto ng bahay at napakatahimik. Walang tao. Kinuha ko na ang motor ko sa garahe at pinaandar iyon. Umuwi rin ako kaagad.


Saktong pagtapat ko sa gate ng Westwood, nakita kong bumaba ng jeep si Janin. Hininto ko ang motor ko para hintayin sya.


"Janin!" tawag ko sa kanya.


May mga dala siyang paperbags. Naglakad sya palapit sa akin. Umusog ako pauna sa upuan ko.


"Angkas ka na sa likod," sabi ko.


Mabilis naman syang sumunod. Bigla akong nakaramdam na parang may nagmamasid sa amin. Lumingon ako sa paligid pero wala naman akong nakitang taong nakatingin sa amin. Kahit ang guard sa may gate ay hindi kami tinitignan.


Narinig ko ang malakas na harurot ng isang sasakyan. Nalingunan ko ang pulang kotse sa tapat ng kainan na mabilis na umandar paalis.


"Dylan?" tawag ni Janin mula sa likod ko.


"Ah? Sorry. Kapit ka nang mabuti sakin." Pinaandar ko na ulit ang motor at pumasok na kami sa subdivision.


***


Nagulat ako nang makita ang pamilyar na lalaki sa loob ng bahay namin. Nakaupo sya sa sofa sa livingroom.


"MASTEEEER!!!" salubong ni Pancho sa akin nang makapasok ako ng bahay.


"Pancho?"


"Ang sama mo Master! Pinaghintay mo ako kahapon. Hindi ka dumating, ang dami kong inorder na pagkain! Huhu! You betrayed me, Master! You betrayed our friendship!"


Ay shit! Oo nga pala! Hala shit! Sinasabi ko na nga ba may nakalimutan talaga ako kahapon. Ililibre ko nga pala dapat si Pancho kahapon.


"Wala akong pera kahapon. Mabuti nalang pinuntahan ako ni Digs, sya ang nagbayad ng mga kinain ko. Muntik na akong maghugas ng pinggan! Masteeeeer! Nakakatakot pa naman yung tingin nila sa'kin. I was traumatized! You abandoned me, Master!!!" galit niyang sabi na naluluha pa.


Nalunod naman ako sa konsensya ko. Bakit ko ba nakalimutan yung pangako ko? Nakabihis na ako kahapon at paalis na sana. Ano ba ang nangyari? Ang gulo!


Napakamot ako sa ulo ko. "Sorry na Pancho. Bawi nalang ako sa'yo."


"Hah! Siguraduhin mo yan, Master!"


"Pancho!" Dumating ang kapatid ko at binati si Pancho. "Inaway ka na naman ba ni kuya?"


Nangangamoy cookies na naman ang bahay namin. Nandito pa kaya sina Ashton at Gio?


"Kayleen," sabi ni Pancho sa nagpapaawang boses. "Mabuti nalang pinakain mo ako ng cookies. Naalala ko ang thesis days namin. Palagi kaming kumakain ng mga na-bake mo. Kahit paano gumaan ang pakiramdam ko pero..." Tumingin sa akin si Pancho na naniningkit ang mga mata. "Hindi parin kita mapapatawad, Master."


"Hahaha! Lagot ka kuya," tumatawang sabi ni Ikay.


Kung titignan silang dalawa parang mas magka-batch sila. Halos kasing tangkad lang ni Ikay si Pancho at baby face pa. Mas matangkad lang siguro si Pancho ng two inches sa kapatid ko.


"Bakit ka nga pala napapunta rito, Pancho?"


Ngumuso sya. "Iuupdate lang kita sa naging meeting namin ng bago nating client. Tungkol sa project na ipapagawa nila."


"Ahh." Umupo ako sa sofa.


Si Ikay naman ay pumunta sa kusina. Hindi ko na makita si Janin. Nasa loob siguro ng kwarto.


"Anong project ang gagawin natin?" tanong ko.


"Isang dating simulation game."


"Huh? Dating sim? Hindi ko alam na interesado sa ganyan ang Royal Star."


Dating simulation game. Isang game kung saan pwede mong mapractice ang dating skills mo. Karamihan ay babae ang gumagamit nito pero may mga ginawa rin para sa mga lalaki. Normal na users nito ay mga taong single o kaya naman ay mga mahilig sa anime. Isang otaku. Matakaw sa graphics ang larong ito. Kakayanin kaya ito ni Digs?


"Isa yong magandang promotion para artists nila. Sa ngayon, apat na characters palang ang gagamitin sa trial."


Tahimik na bumalik si Ikay mula sa kusina. Inilapag nya ang baso ng iced tea at cupcakes sa mesa saka tahimik na umalis.


May kinuhang folder sa sling bag nya si Pancho.


"Nandito ang proposal na ginawa ko. Nabigyan ko na rin si Digs at okay naman sa kanya."


Binuklat buklat ko ang mga papeles sa folder.


"Kailan ang next meeting?"


"Sa lunes. Kailangan ko lang ng go signal mo."


"Sige, irereview ko mamaya at sasabihin sayo kung may adjustments akong kailangan gawin. Kung okay kay Digs, siguro wala namang problema. Since sya lang naman ang inaalala ko dahil sa graphics ng game."


"Tungkol dyan, kailangan nyong magsama ni Digs sa photoshoot. Hindi ako makakapunta dahil sa meeting."


"Sa lunes na rin ba 'yon? Hindi man lang ba sila mag-iisip muna? Para saan pa ang proposal na ginawa mo?"


Kinuha ni Pancho ang cupcake sa platito nya at kumagat.


"Don't worry," aniya habang ngumunguya. "Sure na yung project dahil malinaw naman ang mga gusto nilang ipalagay sa game. Saka maayos naman yung naging usapan sa meeting. Kailangan lang talaga ng formalities sa papel. Alam mo na? Wala ka bang tiwala sa akin? Kapag ako ang nakipag-usap sa clients, sure na sa atin yon mapupunta."


"Tsk. Sinabi mo eh. Sige, ako na ang sasama kay Digs sa photoshoot. Kailangan din naming mag-usap tungkol sa language na gagamitin ngayon sa project."


"Hehe. Basta C++ lang maiaambag ko, Master. Yun lang ang na-master ko," sabi niya. "Yung Java, kaya mo na 'yon. Si Digs, marunong ng kaunting C pero mas gamay nya ang HTML."


"Alam ko na yan. Pero may ibang language daw syang pinag-aaralan ngayon. Kailan daw ang deadline nito?"


"Three months. Pero kailangan nilang makita ang forty percent after thirty days."


"Forty percent..." Inilapag ko ang folder sa mesa. "Magkano ang offer dito?"


"Three hundred, Master."


Malaki ang offer. Ito na siguro ang pinakamalaking bayad sa amin para sa isang project.


"Maaaan, gusto ko talaga pumunta sa photoshoot. Nandoon pa naman si Yna. Gusto ko ng selfie kasama sya. Aabot kaya ako pagkatapos ng meeting?" sabi ni Pancho na bumuntong hininga.


"Sinong artists nila ang ilalagay sa dating sim?"


"Sina Yna Selano, Siena Aquino, Kean Lee at Francis Grant. Ang swerte nyo ni Digs!"


Ahh. Batch ni Kean. Mga rising stars ng Royal Star. Kung sila ang gagamitin sa trial, wala naman magiging problema. Sila pala ang front-runner ng agency nila.


Biglang sumakit ang ulo ko.


"Paano? Alis na ako. Dumaan lang talaga ako para dyan." Tumayo na sya. "Master, hindi ko parin nakakalimutan ang atraso mo kaya bumawi ka."


"Oo," sabi ko saka tumayo na rin para samahan sya hanggang sa gate.


"Ano ba ang nangyari sayo kahapon? Bakit hindi ka pumunta?"


Lumabas kami ng bahay at naglakad papunta sa gate. Mas lalong sumakit ang ulo ko nang pilitin kong isipin ang nangyari kahapon.


"Hindi ko maalala eh. Biglang black out." Humawak ako sa ulo ko.


Suminghap sya. "Hindi kaya may sakit ka, Master?"


"Loko. Wala akong sakit. Layas na, maabutan ka pa ng traffic, uwian na ng mga estudyante."


Binuksan ko ang gate at lumabas na sya.


"Sige, Master! Yung matinong usapan, bumawi ka! Itatakwil kita."


"Loko, ingat!"


Naglakad na sya paalis. Isinara ko na ang gate at pumasok sa loob ng bahay. Makikita ko na naman pala sina Kean. Nandoon kaya ang manager nya? Ayaw non sakin eh. Ah. Yung kaibigan nya. Ewan ko ba kung bakit ang init ng dugo ko roon. May kung ano talaga sa taong yon na hindi ko gusto. Parang may mali sa kanya.


May biglang nag-flashback sa isip ko. Ako, si Kean at Francis sa iisang lamesa. Nagtatawanan.


Ah.


Kumirot ang ulo ko.






Continue Reading

You'll Also Like

718K 34.5K 41
"Dear Mr. Pessimist, here are a few reasons to love yourself and the world." When Sydney Hale gets a job at one of the biggest bakeries in her...
3.2M 107K 83
โ i miss the way your name tastes like forbidden toxins on my lips. โž copyright - all rights reserved
13.1M 433K 40
When Desmond Mellow transfers to an elite all-boys high school, he immediately gets a bad impression of his new deskmate, Ivan Moonrich. Gorgeous, my...
215K 18K 24
แ€™แ€€แ€บแ€™แ€ฝแ€”แ€บแ€•แ€ฝแ€„แ€บแ€ทแ€œแ€ฑแ€ธแ€”แ€ฒแ€ทแ€แ€ฐแ€แ€ฒแ€ท แ€€แ€ผแ€„แ€บแ€šแ€ฌแ€แ€ฑแ€ฌแ€บแ€€ แ€แ€ปแ€…แ€บแ€ฅแ€ฎแ€ธแ€žแ€ฐแ€กแ€ญแ€™แ€บแ€›แ€พแ€ฑแ€ทแ€…แ€ถแ€€แ€ญแ€ฏ แ€žแ€ญแ€•แ€บแ€แ€ปแ€…แ€บแ€•แ€ซแ€žแ€แ€ฒแ€ท.. แ€กแ€ญแ€™แ€บแ€›แ€พแ€ฑแ€ทแ€…แ€ถแ€€แ€›แ€ฑแ€ฌ... __________________________๐Ÿ‘‘ แ€™แ€€แ€นแ€™แ€ผแ€”แ€นแ€•แ€ผแ€„แ€นแ€ทแ€ฑแ€œแ€ธแ€”แ€ฒแ‚•แ€แ€ฐแ€แ€ฒแ€ท แพ...