Dear Ex-Boyfriend

By Alesana_Marie

13.3M 351K 55.8K

Read Dear Future Boyfriend first para di ma-spoil. :) *Nin's Story* [Completed] More

Copyright
Entry #1
Entry #2
Entry #3
Entry #4
Entry #5
Entry #6
Kean
Entry #7
Entry #8
Entry #9
Entry #10
Janin
Entry #11
Entry #12
Entry #13
Kean
Janin
Dylan
Kayleen
Kayleen
Janin
Janin
Janin
Kayleen
Janin
Kean
Dylan
Janin
Janin
Janin
Janin
Janin
Janin
Dylan
Janin
Kayleen
Kean
Dylan
Janin
Kean
Dylan
Janin
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Dylan
Kayleen
Kayleen
Janin
Kean
Janin
Dylan
Dylan
Janin
Janin
Dylan
Robin
Janin
Dylan
Leon
Leon
Dylan
Dylan
Dylan
Kayleen
Janin
Dylan
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Yohan
Janin
Janin
Janin
Kayleen
Kayleen
Dylan
Janin
*Janin
*Janin
*Janin
*Janin

Leon

105K 2.9K 483
By Alesana_Marie

Leon


"Please, let's break up."


Humigpit ang kapit ni Leon sa kanyang manibela at mas bumilis ang takbo ng kanyang pulang Dodge Viper.


Isang taon na ang lumipas simula nang sabihin iyon sa kanya ni Janin. Hindi parin mawala sa isip niya ang nangyari ng gabing 'yon. Bigla nalang itong nakipagkita sa kanya para sabihin na gusto na nitong tapusin ang relasyon nila. Napangiti sya ng mapakla.


Ang hindi niya matanggap ay kung paano ito biglang umalis matapos 'yon. Tila ba kung ano man ang sasabihin niya ay hindi na mahalaga pa para rito. Kasunod non ay bila nalang itong naglaho. Tumiim ang kanyang bagang. Wala siyang plano na pigilan ito sa gusto nito pero sa kanya dapat nanggaling ang mga katagang iyon.


"...let's break up."


Nalasahan niya ang pakla sa kanyang dila. Shit. Parang kahapon lang iyon nangyari. At dammit! Hindi parin niya makalimutan iyon! Eksaktong isang taon na ngayon! Pero naaalala nya parin. Fuck!


Huminto ang sasakyan niya sa tapat ng GoBoh; isang bar na may bilyaran sa loob. Rinig niya ang malakas at mabilis na musika sa labas palang ng entrance. Pagkapasok niya ay sumalubong na agad sa kanya ang isang pamilyar na babae.


"Leon! I'm glad you're here na!" anito na halatang tipsy na. "Guys, nandito na si Leon!"


Nakaikot sa mahabang lamesa ang mga kaibigan niya kasama ang mga girlfriends ng mga ito. Napupuno ang lamesa ng mga alak at ilang pagkain.


"Leon, pare!" bati sa kanya ng ilang kaibigan niya.


"Si Yohan?" tanong niya sa mga ito.


"Nasa bilyar," nakangising sagot ni Monti. Dalawang babae ang akbay nito habang nakaupo.


Mabilis niyang iniwan ang mga kaibigan para puntahan si Yohan. Naabutan nya itong tumitira ng bola sa bilyar. May dalawang lalaki itong kalaro. Mukhang may pustahan na naman.


"Yohan!" tawag niya.


"Leon!" nakangiti nitong bati nang makita sya. Lumapit ito para tapikin siya sa balikat. "Sandali lang, malapit nang matapos 'tong game. I'm winning, man! Haha!"


Imbes na maghintay ay lumapit siya sa bar at um-order ng Bourbon. Mabilis siyang binigyan ng bartender at agad niya itong ininom. Makalipas ang tatlong baso ay naramdaman niyang tumabi sa kanya ang kanyang kaibigan.


"Remember Aya? The one I was dating back in College?" tanong nito na may kumikislap na mga mata.


"What about her?" tanong nyang hindi interesado sa maririnig. For fuck's sake, kung pinapunta lang sya nito para pag-usapan ang past girlfriends nito...


"Ang sabi nya, nakita nya si Janin na lumalabas ng West Wood."


Janin. Awtomatikong humigpit ang hawak niya sa kanyang baso. Tila mas pumait ang kanyang panlasa at walang kinalaman ang alak doon.


"Just wanna let you know. Ngayon alam mo na kung saan sya pupuntahan. Mukhang doon na rin sya nakatira ngayon."


"Paano mo nalaman na hinahanap ko sya?" tanong niya habang nakatingin sa baso.


Tinapik siya sa balikat at tinitigan sa mga mata ng kaibigan niya.


"Leon, simula pagkabata magkaibigan na tayo. Diaper days palang alam ko na kung para saan yang kunot sa noo mo. Tsk," umiiling nitong sabi. "Saka, isang taon na rin. Sa tingin ko panahon na rin para mag-usap kayo."


Hindi siya nag-abalang sabihin na mali ang anumanng iniisip nito na gagawin niya kung sakaling makita niya si Janin. Fuck. Hindi na dapat nito sinabi kung nasaan ang babae ngayon. Ngayong alam na niya kung nasaan ito, hindi na mapakali ang mga paa nya. Gusto na nyang umalis ngayon din at puntahan ito. Pero pinilit niyang humawak sa baso at manatili sa pagkakaupo.


"Siya 'yon," narinig niya ang tinig ng isang lalaki sa likod niya. "Siya yung nandaya sa amin sa bilyar kanina."


Tumawa si Yohan sa tabi niya. Nakatingin ito sa mga lalaki.


"Paano ko madadaya ang larong bilyar? Nanalo ako, fair and square! Tanggapin nyo nalang."


"Tangna, kotse ko 'yon," reklamo ng lalaki.


"Not anymore," nakangiti pang ipinakita ni Yohan ang susi ng kotse.


Hinila sa kwelyo si Yohan ng isa sa mga tatlong lalaki na lumapit sa kanila. Tumumba ito sa sahig nang makatanggap ng suntok sa mukha. Pero hindi nawala ang ngiti ni Yohan kahit na may dugo na sa bibig.


"Oy." Tumayo si Yohan at pinunasan ang bibig gamit ang likod ng palad. "Tandaan nyo, kayo ang nagsimula nito. Tatapusin ko lang."


Diretsong ininom na ni Leon ang alak sa kanyang baso at malakas itong inilapag. Nagulat pa ang bartender na nasa harap nya. Tumayo sya at hinarap ang mga lalaki. Mabilis siyang humila ng isa sa mga ito at tinuhod sa tyan. Napaluhod ang lalaking 'yon sa sakit.


Susugurin sana sya ng isa pang lalaki nang pigilan ito ng kaibigan nito.


"Si Gozon yan," sabi nito sa kasama.


Tila isang bomba ang sinabi nito. Ramdam ang umaapaw na tensyon sa buong lugar.


Tinignan nya ang mga lalaki isa-isa, sinipat nya ang mga ito. Hindi kalakihan ang katawan ng dalawang lalaki, pero ang tinawag nitong backup ay mukhang malakas. Naramdaman ni Leon ang tingin ng mga taong nanunuod sa kanila. Nakapaligid. Nag-aabang sa susunod na mangyayari. Damn. Hindi ito ang kailangan nya ngayong gabi.


"Yohan," tawag ni Leon sa kaibigan. Nilingon niya ito at binigyan ng makahulugang tingin. Hindi niya maintindihan kung bakit nito tinanggap ang kotseng hindi naman nito gusto. Mukhang naghahanap lang talaga ito ng gulo at sakit sa katawan.


"Tsk. Nevermind." Kinuha nito ang susi at ihinagis pabalik sa lalaking nakaluhod sa sahig. "I don't need another car anyway."


Umalis kaagad sa harap nila ang tatlong lalaki. Nawala ang tensyon sa loob ng bar. Bumalik sa kani-kanilang ginagawa ang mga tao.


"Are you fucking suicidal?"


"Just wanna mess 'em up a little bit. Take a chill pill, Leon."


"Fucking moron," bulong ni Leon.


Tinawanan lang siya ni Yohan saka umorder ng alak para sa kanilang dalawa.



***AN

LEON = Lee-yon NOT Leh-yon




Continue Reading

You'll Also Like

115K 4.9K 22
In which Dream's ex-girlfriend writes him letters and sends them to his P.O. box, thinking he will never see them. DREAMWASTAKEN X FEM OC! COVER BY:...
152K 5.8K 13
[COMPLETED] what will Taehyung do Knowing that Jungkook's Departure is getting near? will he do everything to stop Jungkook? or guilt will swallow hi...
9.3M 533K 95
When an 18 year-old Marine replies to an email meant for an advice columnist, the girl on the other end can't help but be hooked on his every word. W...
27.7M 430K 56
As if life wasn't hard enough being bullied and treated like garbage all the time; my loathsome, insufferable seat mate just had to come with his "se...