Dear Ex-Boyfriend

By Alesana_Marie

13.3M 351K 55.8K

Read Dear Future Boyfriend first para di ma-spoil. :) *Nin's Story* [Completed] More

Copyright
Entry #1
Entry #2
Entry #3
Entry #4
Entry #5
Entry #6
Kean
Entry #7
Entry #8
Entry #9
Entry #10
Janin
Entry #11
Entry #12
Entry #13
Kean
Janin
Dylan
Kayleen
Kayleen
Janin
Janin
Janin
Kayleen
Janin
Kean
Dylan
Janin
Janin
Janin
Janin
Janin
Janin
Dylan
Janin
Kayleen
Kean
Dylan
Janin
Kean
Dylan
Janin
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Dylan
Kayleen
Janin
Kean
Janin
Dylan
Leon
Dylan
Janin
Janin
Dylan
Robin
Janin
Dylan
Leon
Leon
Dylan
Dylan
Dylan
Kayleen
Janin
Dylan
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Yohan
Janin
Janin
Janin
Kayleen
Kayleen
Dylan
Janin
*Janin
*Janin
*Janin
*Janin

Kayleen

126K 3.6K 879
By Alesana_Marie


Kayleen


Tumambay ako sa labas ng bahay para magpahangin. Inabangan kong umuwi sina Mama at Papa, maging si Kuya ay hindi pa nakakabalik. Alas siete na ng gabi at natutulog na sa kwarto ko si Janin. Napagod siguro sya sa pag-iyak kanina.


Bumuntong hininga ako at itinaas ang dalawa kong binti sa ratan na upuan. Napatingin sa akin sina Toothy at Siri na kasama kong nakatambay sa terrace. Magkasundong magkasundo silang dalawa. Mabuti pa sila, parang walang problema sa buhay. Maglalaro lang sila, kakain at tatahol sa mga di nila kilala. Paulit ulit.


Kanina, wala akong naisagot kay Janin. Natakot ako na may masabing mali. Hindi ko kayang sabihin sa kanya na magiging okay din ang lahat kasi hindi ko naman alam kung totoo yon. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari bukas. Ayokong magbitiw ng mga salitang walang laman.


Pero sana, sana may nasabi ako sa kanya. Kung mas marami lang siguro akong karanasan sa buhay, siguro may nasabi ako sa kanya. Sana may isang tao na makakapagsabi kay Janin ng kung anong gusto nyang marinig para gumaan ang loob nya.


Bumuntong hininga ulit ako at narinig ko si Toothy na nag-whine. Nakatingin sya sa akin na para bang mukhang nag-aalala.


Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Ashton. Biglang gusto kong marinig ang boses nya. Nakauwi na kaya sya?


"Kayleen."


"Baby boy," bati ko. "Nakauwi ka na?"


"Kakauwi ko lang," sagot nya. "May nangyari ba? Bakit ang lungkot ng boses mo?"


"Mm. Mahabang kwento eh."


"Ano'ng problema?"


Bumuntong hininga ulit ako. "Ako wala, yung kaibigan ko meron."


"Si Janin ba?"


"Paano mo nalaman?" gulat na tanong ko.


"Bukod sa kapatid ko, sya lang naman ang palagi mong kasama. May malaki ba syang problema? Makakatulong ba ako?"


"Hindi ko pwedeng sabihin Ash. Sikreto nya kasi 'yon. Pero basta, medyo nalulungkot lang ako kasi wala akong naipayo sa kanya kanina. Hindi ko sya natulungan."


"And now you're upset? Kayleen, baby, listen to me. Walang masama sa ginawa mo, kung sinabi nya sa'yo ang problema nya, doon palang malaki na ang naitulong mo. Kung minsan, hindi mo na kailangan magsalita o magpayo para makatulong. Ang kailangan mo lang gawin ay makinig sa mga problema nya," malumanay nyang sabi sa akin sa kabilang linya. "Hindi ko pa nakakausap si Janin pero alam ko na hindi sya ang tipo na maglalabas ng sama ng loob sa isang taong sa tingin nya ay hindi sya kayang tulungan. At sa tingin ko, mas kailangan nya ng taong makikinig sa kanya kaysa magbibigay ng payo. Kung matagal nyang inilihim ang problema nya sa'yo, ang ibig sabihin, may takot sya sa opinyon ng mga tao sa paligid nya."


"Sa tingin mo sapat na 'yon? Okay lang ba talaga?" nakagat ko ang kuko ko.


"Hwag kang mag-alala. Matatag ang kaibigan mo at hindi rin sya mukhang tipo ng tao na susunod sa payo mo. Kaya hindi mo na sya kailangan bigyan pa non. Mapapagod ka lang sa pag-iisip kung hindi naman kailangan."


"Ashton! Anong ibig mong sabihin?" Pakiramdam ko kailangan kong ma-offend sa sinabi nya.


Narinig ko syang tumawa. "Hindi bagay sayo ang mamroblema. Sa susunod na mag-uusap kayo, hwag mong isipin ang nangyari. Dahil baka pagsisihan nya na nagsabi sya sa'yo ng problema kung makikita nyang masyado kang naapektuhan. Kung gusto mo talaga syang tulungan Kayleen, bakit hindi kayo lumabas bukas? O kaya naman, ipagbake mo sya ng paborito nya. Kung gusto mo syang tulungan, gawin mo lang sa simpleng paraan."


Inintindi kong mabuti ang mga sinabi sa akin ni Ashton. At naisip kong tama lahat ng sinabi nya. May sense ang mga ipinayo nya sa akin. Mabuti pa si Ashton, marunong magpayo kahit mas bata sa'kin.


"Are you still upset?"


"Kaunti nalang." Gusto kitang makita. Gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko kaya.


"Gusto mong puntahan kita?"


Bumilis ang tibok ng puso ko. Oo! Gusto ko talaga syang makita ngayon. Gusto ko syang mahawakan, yakapin, sandalan.


"Hindi na, gabi na. Saka kilala mo naman si Kuya, mas mahigpit pa yon kina Mama at Papa. Baka umiyak pa yon kapag inabutan ka nya rito. Alam mo naman si kuya kapag umandar ang imagination nakakabuo ng nobela sa isip. Kakantahan na naman ako non ng Anak."


Nang tumawa sya parang may mga kumiliti sa tyan ko na mga paruparo. Ang sarap sarap talaga pakinggan ng boses nya, lalo na ang tawa nya. Ang saya sa pakiramdam na masaya syang kausap ako.


"Wait a sec," sabi nya. "I'll call you."


Hindi man lang ako nakapag-babye sa kanya. Bigla nalang naputol ang linya. Huh? Pero hindi rin nagtagal ay kaagad syang tumawag sa akin. Nag-video call sya. Napaayos ako ng upo ko at sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko. Ipinatong ko sa mesa ang cellphone ko at tinanggap ang call.


"Ashton?"


Nakaupo si Ashton sa gilid ng kama nya at nakaharap sa camera. Nakasuot sya ng blue shirt at grey shorts. Hawak nya ang gitara nya at pumestong tutugtog. Kumaway sya ng isang beses sa akin habang nakangiti. Isang pamilyar na tono ang narinig ko. Mabilis kong pinindot ang record dahil alam kong gugustuhin ko itong ulitin mamaya.


"It's amazing how you can speak right to my heart," narinig ko ang boses nya na kumakanta. "Without saying a word you can light up the dark. Try as I may I can never explain. What I hear when you don't say a thing."


Hindi mawala ang ngiti ko habang pinapanood ko ang panghaharana na ginagawa nya sa akin. Alam na alam nya talaga kung paano ako pasasayahin. Hindi ko napigilan na sabayan sya sa pagkanta.


"The smile on your face let's me know that you need me. There's a truth in your eyes saying you'll never leave me," kanta ko habang nakatingin sa kanya.


Tuwang tuwa naman sya dahil narinig nya ang boses ko. Minsan lang kasi ako kung kumanta. Natunaw na naman ako sa ngiti nya at halos mamatay sa kilig kaya hinayaan ko na sya ulit kumanta ng solo.


"The touch of your hand says you'll catch me wherever I fall. You say it best, when you say nothing at all."


Siguro kumikinang ang mga mata ko ngayon dahil sa saya. Hindi hindi ko talaga pakakawalan si Ashton. Kung kailangan ko talaga syang itali sa akin, gagawin ko. Ayaw ko na maagaw sya ng iba.


"I love you, Ashton," sabi ko sa kanya nang matapos ang kanta.


Lumapit sya sa camera at nakita ko kung paano sya mabagal na ngumiti. Sigurado ako na namumula na naman ang tenga nya.


"I love you more, Kayleen," sabi nya na nakapagpabilis nang husto sa tibok ng puso ko. "I love you so much more."


Marami pa kaming pinag-usapan ni Ashton. Kinumusta ko ang araw nya at nalaman na may gagawin daw silang interview bukas para sa isang magazine. Na-amaze ako doon, simula kasi nang mag-college sila, sobra nang lumaki ang fanbase nila. Ang page nila sa facebook ngayon ay may two hundred thousand followers na. Ilang libo na rin ang naka-subscribe sa kanila sa youtube account ng banda nila.


Aaminin ko na natatakot ako. Hindi ko maiwasan na isipin na baka may makilala syang mas makakasundo nya. Paano kung may makilala syang babae na makakasundo nya nang husto pagdating sa musika? Yung hindi lang maganda, mabait at talented na tipo ng babae. Paano kaya? Loyal supporter. Faithful listener. Hanggang doon lang ang kaya kong gawin. Paano? Puro paano. Hindi ko mapigilan na isipin 'to. Ayoko kasi syang mawala sa akin. Hindi ko kakayanin. Sobra ko na syang mahal.


Pero mahal ako ni Ashton. Hindi sya nakakalimot na ipaalala iyon sa akin araw-araw. Nakakatulong yon para mawala sa isip ko ang mga pag-aalala ko. Ngayon palang ay ganito na ako, paano pa kaya kapag kinailangan ko nang umalis papuntang France para i-pursue ang pangarap ko?


May pumaradang sasakyan sa tapat ng bahay namin kaya nagpaalam na ako kay Ashton. Tumayo ako at sumilip sa gate para tignan kung kanino iyon. Hindi iyon pamilyar. Hindi sa amin. Sino kaya ito? Isa na naman kaya sa mga pinsan ni Janin? Mukhang mamahalin ang kotse. Nakabukas ang poste ng ilaw sa tapat ng bahay namin kaya nakita ko na kulay pula ito. Sa hitsura ng sasakyan, parang ito yung ipinapakita sa TV na mabilis ang takbo. Sports car?


Hindi ko binuksan ang gate. Nakita kong bumukas ang pinto ng kotse at may lumabas na matangkad na lalaki. Hindi ko makita ang mukha nya dahil nakatalikod sya sa ilaw ng poste. Umikot sya at binuksan ang pinto sa kabilang gilid. May kasama syang isa pang lalaki.


Hala! Hala! Sino sila?! Budol gang?! Wala pa naman si Kuya! Anong gagawin ko? Tinignan ko ang cellphone ko at inumpisahang hanapin sa contacts si Ashton.


"Ikaaaay," sabi ng pamilyar na boses.


Sumilip ulit ako sa gate. Nakita ko si Kuya na inaakay ng lalaking kasama nya palabas ng kotse. Nakasampay ang braso ni kuya sa balikat ng lalaki.


"Si kuya!" gulat na sambit ko.


Mabilis kong inalis ang lock ng gate at binuksan ito. Nagtahulan sina Toothy at Siri.


"Kuya! Kuya! Ano'ng nangyari sa'yo?" alalang tanong ko. Wala syang malay. Hindi sya makatayo nang diretso. Naamoy ko ang alak sa kanya kaya naintindihan ko na kaagad kung ano ba ang mali. "Kuya! Lasing ka?!"


"Little girl, I would really love to have a proper introduction with you but as you can see, this is not the perfect time for chats. If you could please let us in, I would very much appreciate it."


Ngayong nabuksan ko na ang gate ay naliwanagan ang mukha ng lalaking tumutulong kay kuya. Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko sa sobrang gulat nang makilala ko kung sino ang umaakay kay Kuya.


Ihinatid si Kuya ng isang artista dito sa bahay gamit ang sports car. At hindi lang basta artista kundi ang sikat na sikat na artista ngayon na kinababaliwan ng lahat ng babae maging mga binabae. Palagi ko syang nakikita sa commercials, may movie pa sya at teleserye sa gabi. May malaking poster din sya sa Penshoppe at ilang billboards. Yung nag-iisang crush na artista ni Ashleen na gusto nyang pakasalan. Si Francis Grant!


"P-p-pasok kayo..." nanginginig kong sabi.


Gulong gulo ang isip ko. Paano nangyari ito? Bakit sila magkasama ni Kuya? Bakit sya nandito sa bahay?


"Ikaaaay!" ngiting ngiti si kuya habang nakapikit.


Naglakad si Francis papasok sa bahay namin. Halos hindi na lumalakad si kuya, mas tamang sabihin na buhat buhat na sya ni Francis dahil sya naman ang sumasalo sa bigat ni kuya. Anong nangyayari?!


"Sabihin mong love mo si kuyaaaa! Hic!"


Nauna akong pumasok sa loob ng bahay at pinagbuksan sila ng pinto.


"Ikaaay, mas love mo si kuya dibaaaa?"


Namula ang mukha ko sa kahihiyan. Ang kulit talaga ni kuya kapag nalalasing! Mabilis kong tinungo ang pinto ng kwarto ni kuya at binuksan iyon. Diretsong pumasok doon si Francis habang akay si kuya. Lumapit sila sa kama at tinulungan sya ni Francis na humiga.


"Ikaaaay sabihin mo munaaaaa."


Humawak nang mahigpit si kuya sa damit ni Francis at hindi iyon binitawan. Nag-alala ako na baka mapunit ni kuya ang shirt na suot ni Francis.


"Kuya bitawan mo sya!" nahihiyang sinilip ko ang mukha ni Francis Grant. Huhu! Nakakahiya talaga!


Pero nagulat ako nang makita na nakangiti lang sya. Hindi sya mukhang naiinis o ano man. Umupo sa gilid ng kama si Francis at pilit na inaalis ang kapit sa kanya ni kuya.


"I'm sorry Francis! I'm sorry!" hinging paumanhin ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kukuha na ba ako ng martilyo pampukpok sa ulo ni kuya para magising?


"You're his little sister?" nakangiti nyang tanong.


"Ako si Kayleen, kapatid nya. Sorry talaga, ano ba tong si kuya, nakakahiya."


"It's alright. It's my fault anyway," sabi nya. Hindi parin sya binibitawan ni kuya.


Si kuya naman bumubulong bulong sa background habang nakapikit. Sumasakit ang ulo ko.


"Hic! Ikaaaay!" Nagulat kami pareho ni Francis nang biglang umupo si Kuya at yumakap sa kanya. "Sabihin mo naaaaa~ Kung anong gusto moooo~ hic!" Bigla syang kumanta.


"Hala!" Tinulak ko si kuya palayo kay Francis pero ang higpit ng yakap nya. Tinampal tampal ko ang braso nya. "Kuya! Ano ba?! Nakakahiya ka! Oo na, love na kita! Mas love kita kay Ashton pati kay Gio! Bumitaw ka na! Bitaw ka na, please!" Nakakahiya ka talaga! Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Pinagpapawisan na ako.


Bigla naman tumawa si Francis. Hindi ko alam kung para saan ba 'yon. Mas mabuti na rin siguro na tumatawa sya, atleast hindi sya galit. Kapag nalaman ito ng fans nya, siguradong magagalit sila.


Kung ikinagulat ko na kanina ang pagyakap ni kuya sa artistang kasama namin, may mas ikakagulat pa pala ako. Bigla nalang kasing nanghigit si kuya at nanghalik sa pisngi. Hindi sa akin, kundi kay Francis!


Naging kasing bilog na siguro ng flying saucer ang mga mata ko. Anong ginawa mo kuya?!


Natulala ako. Natulala si Francis. Pareho kaming hindi humihinga. Pareho kaming na-estatwa sa ginawa ni kuya. Si kuya naman na walang pakialam sa mundo, bumitaw na at dumapa ng higa sa kama nya. Hindi nagtagal ay narinig na namin ang paghihilik nya.


"Your brother is really cute."


"Ah he he he he he."


Sahig, bumuka ka! Kainin mo si kuya!





Continue Reading

You'll Also Like

273K 353 1
B O N U S C H A P T E R This book has been published by Bookware Publishing Corporation and has been DELETED from Wattpad. Print copies are availab...
3.2M 271K 54
Jewella Leticia is willing to face the biggest war to rewrite the conflicted past of Nemetio Spiran- a world she thought she would only need to see f...
1.5M 66.2K 17
Mahal kita, ikaw na best friend ko.
4.9M 341K 54
Jewella Leticia is not just the Goddess of the Moon, but the new Queen of Parsua Sartorias. *** For Leticia, being honored as the queen and goddess o...