Dear Ex-Boyfriend

By Alesana_Marie

13.3M 351K 55.8K

Read Dear Future Boyfriend first para di ma-spoil. :) *Nin's Story* [Completed] More

Copyright
Entry #1
Entry #2
Entry #3
Entry #4
Entry #5
Entry #6
Kean
Entry #7
Entry #8
Entry #9
Entry #10
Janin
Entry #11
Entry #12
Entry #13
Kean
Janin
Dylan
Kayleen
Kayleen
Janin
Janin
Janin
Kayleen
Janin
Kean
Dylan
Janin
Janin
Janin
Janin
Janin
Janin
Dylan
Janin
Kayleen
Kean
Dylan
Janin
Kean
Dylan
Janin
Janin
Dylan
Janin
Janin
Dylan
Dylan
Kayleen
Kayleen
Janin
Kean
Janin
Dylan
Leon
Dylan
Janin
Janin
Dylan
Robin
Janin
Dylan
Leon
Leon
Dylan
Dylan
Dylan
Kayleen
Janin
Dylan
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Yohan
Janin
Janin
Janin
Kayleen
Kayleen
Dylan
Janin
*Janin
*Janin
*Janin
*Janin

Janin

124K 3.6K 874
By Alesana_Marie

Janin


Hindi ko magawang pakalmahin ang sarili ko sa harap ng salamin habang inaayusan ako ni Ashleen. Sa likod namin, nakaupo si Kayleen sa kanyang kama at pinapanood kami.


"Ang ganda ng buhok mo Janin. Malambot at natural na makintab. Madaling ayusin," puna ni Ashleen habang kinukulot nya ang buhok ko.


Ngayon na ang araw ng anniversary nina Mama at Papa. Dapat ba talaga akong pumunta? Ngayon pa ba ako aatras? Nasuot ko na ang damit na gagamitin ko para sa anniversary nila. Isa itong black long sleeve dress na puti ang collar at dulo ng sleeves. Medyo maiksi ang palda nito na nasa kalahati ng hita ko. Pinahiram din ako ni Ashleen ng black pumps at purse. At inaayos na ni Ashleen ang buhok ko. Naka-makeup na rin ako. Hindi na ako pwedeng umatras.


"Ayan tapos na," sabi ni Ashleen.


Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Natural lang ang makeup ko, hindi gaanong mapula ang labi at pisngi ko. Kung may pinagtuunan man ng pansin si Ashleen, ang mga mata ko yon na napapaligiran ng charcoal.


"Ang ganda mo Janin! Nag-iba ang hitsura mo! OMG! Ang galing mo mag-makeup Sissy!"


"Aba syempre! Ilang tutorials din ang pinanood ko para matuto. Ang ganda ng effect ng smokey eyes sa'yo, Janin."


"Salamat Ashleen."


"Walang anuman! Gusto ko rin talagang mag-practice ng make-up. Mabuti nalang nandyan ka. Ayaw kasi pumayag ni Kayleen, napupuwing daw sya."


"Naiiyak ako eh."


"Sa susunod hindi ka na pwedeng umatras Kayleen."


Tumingin ako sa orasan, alas kwatro na. Alas singko ang umpisa ng party ayon sa invitation. Sa bahay lang ito gaganapin at hindi sa isang function hall sa kung saan mang hotel katulad last year.


"Saan party ka pala pupunta, Janin?" tanong ni Ashleen.


"Sa... parents ko."


Nagkatinginan silang dalawa saka nagtataka na tumingin sa akin.


"Mahabang kwento," sabi ko bago pa sila mag-tanong.


"Kailangan mo ng sasakyan. Ipapahatid kita sa driver namin," sabi ni Ashleen saka tumayo.


"Hindi na," sabi ko.


May kumatok sa pintuan. Binuksan ni Kayleen ang pinto at sumilip mula sa labas ang ulo ni Dylan. Hinanap nya ako. Sandali syang natigilan nang makita ako.


"Janin, may naghahanap sa'yo," sabi nya.


"Sino raw?" tanong ni Ashleen.


"Si Oliver," sagot ni Dylan. "Chauffeur ni Gio."


"EHHHH?!" narinig kong sabi ng dalawa.


Naramdaman ko ang titig nila sa akin. Pag-uwi ko, sigurado na magtatanong sila.


***


Bumaba ako ng sasakyan nang buksan ni Oliver ang pintuan sa tabi ko. Bumati sa akin ang magarbong entrada ng bahay namin na nasa gitna ng dalawang higanteng pillars. May pagka-victorian ang style ng bahay namin. Nila. Ng pamilya ni Gio. Ng mga Emiliano. Mula sa loob, naririnig ko ang tunog ng musika. Nag-umpisa na ang party.


Nilakad ko ang ilang steps ng hagdan pataas saka pumasok sa antigong two-door set. Napatingn ako sa itaas nang pumaosk ako sa bahay, doon nakasabit ang malaking crystal chandelier. May dalawang hagdan sa magkabilang gilid na nagtatagpo sa gitna kung saan nakalagay ang panel ng kulay blue stained glass window. Karaniwan itong nakikita sa mga simbahan at hindi sa mga bahay. Pero dahil siguro sa malapit sina Mama at Papa sa simbahan kaya nila pinalagyan nang ganitong design ang bahay nila.


Naglakad ako sa dulo ng bahay kung saan nandoon ang garden at ang party. Huminga ako nang malalim nang marinig kong palakas nang palakas ang musika. Pwede ko kayang makita sina Mama at Papa nang hindi nagpapakita sa iba nilang kamaganak? Hindi. Syempre hindi. Dahil pagdating sa mga kilalang tao, hindi sila nawawalan ng kasama. Palagi silang napapaligiran. Ayaw man nila o gusto.


Sa paglalakad ko papunta sa garden, may mga tao akong nakasalubong.


"Is that..."


"Their daughter..."


"That's her."


"What's her name again?"


Humigpit ang hawak ko sa purse ko. Mas lalong dumami ang nararamdaman kong tingin sa akin nang makapunta na ako sa garden.


Napapatungan ng mga puting tela ang mga lamesa na napapaligiran ng wooden chairs. May mga nakasabit na lanterns sa metal na arko na parang banderitas sa pyesta. May maliit na stage sa dulo sa kanan kung saan nakita kong tumutugtog ang isang banda ng mga propesyonal na musikero.


Isa lamang itong simpleng salu-salo, hindi katulad sa mga nauna. Pero ang mga taong imbitado ay puro makapangyarihan sa business world at galing sa mga prominenteng pamilya.


"Janin!" isang tinig ng babae ang kumuha ng atensyon sa lahat.


Awtomatikong tumahimik ang paligid. Napatigin sila kay Mama. Napatingin din sila sa tinitignan nya. Sa akin.


Nakita ko si Mama na gulat na nakatingin sa direksyon ko. Katabi nya si Papa na nakatingin din sa akin. Nakaupo sila sa isang mahabang mesa kasama ang iba nilang kamaganak. Nasa dulo ito sa kanan, opposite ng stage, may wall of flowers sa likod nila. Mabilis na tumayo si Mama at naglakad papunta sa akin. May bumara sa lalamunan ko at nag-init ang mga mata ko nang matutop nya ang kanyang bibig at mukhang maiiyak.


Dumiretso sya ng yakap sa akin nang mabagtas nya ang distanya sa aming dalawa.


"Janin, my daughter," sabi ni Mama. Hinaplos nya ang buhok ko habang yakap ako nang mahigpit. Humiwalay sya sa yakap para pakatitigan ang mukha ko. Nakahawak sya sa magkabilang pisngi ko. "My precious baby. I'm so happy to see you."


"Ma," tumingin ako kay Papa na nasa likod lang ni Mama. Nakangiti sya sa aming dalawa. "Pa, happy anniversary po sa inyo."


"Janin," niyakap ako ni Papa. "I'm glad you're back."


Natigilan ako sa sinabi ni Papa. Hindi ako magtatagal dito sa bahay nila. Aalis din ako mamaya. At iyon ang isa ko pang kinatatakutan, alam kong pipigilan nila ako.


Unti-unting lumapit ang mga kakilala nina Mama at Papa. Mga taong namumukhaan ko pa, mga business partners at malapit nilang kaibigan.


"Ito na ba si Janin? Ang gandang bata naman, Adelina," sabi ng sang babae. Natatandaan ko sya bilang asawa ng Governor namin. Classmates sila ni Mama noong College kaya naman di nakakagulat na nandito sya. "Sayang naman, kung magkasing edad lang sana sila ni Mika, siguradong magkakasundo sila."


"Adelina," tawag ni Papa kay Mama. "Kukunin ko muna si Janin."


Tinapik ni Papa ang balikat ko at pinasunod sa kanya.


"Samuel," bati kay Papa ng isang lalaki.


Tumango lang si Papa sa lalaki at pinaupo ako sa tabi nya sa mesang kanina nilang pinwestohan ni Mama.


"Nagugutom ka na ba, Janin?"


"Okay lang po ako."


"Pumayat ka yata," puna nya. Sumenyas si Papa sa isang waiter at pinadalhan kami ng pagkain. "Kumakain ka ba nang mabuti? Inaalagaan mo ba nang maayos ang sarili mo?"


"Papa, okay lang po ako."


Nailang ako sa mesa na kinauupuan namin. Nandito rin kasi ang mga kapatid nila ni Mama. May distansya man, hindi naman mababawasan ang pakiramdam na tumatagos sa akin ang mga titig nila. Maging ang mga pinsan ko na nasa kabilang lamesa, alam kong ako ang pinag-uusapan ngayon.


"Hindi mo maiaalis sa akin ang mag-alala Janin. Trabaho ng mga magulang yon, ang mag-alala sa mga anak nila. Balang araw, kapag nagkaroon ka na ng sarili mong pamilya, alam kong maiintindihan mo rin," nakangiti nyang sabi sa akin.


"Ah, kumain ka na anak," aniya nang malagyan ng mga pinggan na may pagkain ang mesa.


Uminit na naman ang mga mata ko nang marinig kong tawagin nya akong anak. Ilang sandali pa at dumating si Mama. Umupo sya sa tabi ko. Pinaggigitnaan nila akong dalawa. Pakiramdam ko tuloy ay nakaagaw ako ng atensyon, imbes kasi sila ang alalahanin ko ay sila ang nag-aasikaso sa akin.


"Nasaan kaya ang kapatid mo?" tanong ni Mama.


"Nasaan nga ba si Giovann? Kanina ko pa sya hinahanap," sabi ni Papa.


"Ang batang iyon, hindi nagsabi na male-late sya ng dating."


Patayo na sana si Papa para hanapin si Gio nang may video na nag-play sa stage. Nawala na ang mga musikero roon. Ipinakita sa video ang wedding proposal ni Papa kay Mama, mga larawan noong hindi pa sila kasal, ang prenup nila at mismong wedding ceremony. Maluha luha si Mama nang matapos ang video. Nagpalakpakan ang mga bisita. Nang may magpatunog ng wine glass nila na humihingi ng kiss, agad silang pinagbigyan nina Mama at Papa, ngunit imbes na isa't-isa ay sa magkabilang pisngi ko sila humalik.


Unti-unting bumukas ang ilaw ng mga lanterns na umagaw sa eksena. Iba't-iba ang mga kulay ng mga ito, asul, berde, dilaw, pula at puti. Napakaganda ng naging epekto nito sa papadilim na langit. At dahil nalipat ang atensyon ng lahat sa mga ilaw, hindi na namin namalayan ang pagdating ng bagong banda na tutugtog.


"Mr and Mrs Emiliano," bati ng isang babae mula sa stage. Nakatayo sya sa harap ng mic stand. "Happy 25th anniversary po. Gift po ito ni Gio at alam kong sya dapat ang nagsasalita rito ngayon pero... nahihiya raw po sya," nakangiting sabi ng babaeng bokalista. "Pero ito po ang idea nya para sa anniversary nyo. Sana po magustuhan nyo ang handog namin para sa inyo."


Naramdaman ko ang sarili ko na ngumiti. Tumawa naman ang ilang bisita at binigyan sila ng palakpak. Kumaway si Gio sa direksyon namin, nakaupo sya sa harap ng piano. Kahit kailan, hindi nag-lead si Gio sa kahit na anong event. Hindi sya nagbago nang kahit kaunti. Sanay syang nasa likod lang at hindi nauuna.


Tumugtog ng piano si Gio at ilang segundo pa ay kumanta na rin ang babae.


"Wise men say only fools rush in

But I can't help falling in love with you"


"Mama, Papa okay lang po ako," sabi ko sa kanila. "Naghihintay na po sila."


Ngumiti si Papa sa akin at saka tumingin kay Mama. Tumayo si Papa at naglahad ng kamay kay Mama.


"Adelina," malambing na sabi ni Papa.


Nakangiting tinanggap ni Mama ang kamay ni Papa. Lumakad sila palapit sa stage kung saan walang mga mesa.


"Shall I stay, would it be a sin

If I can't help falling in love with you"


Pinanood ko sina Mama at Papa na nagsasayaw. Nakangiti sila sa isa't-isa na puno ng pagmamahal ang mga mata. Sa tagal ng pagsasama nila, masaya akong makita na mahal parin nila ang isa't-isa.


Pinilit kong ituon sa kanila ang atensyon ko. Pinilit kong hindi pansinin ang bulungan ng mga kapatid ni Papa at Mama. Pinilit ko...


Tumayo ako mula sa mesa at naglakad papasok sa bahay. Sinigurado kong hindi ako mapapansin nina Mama at Papa. Ayokong masira ang gabi nila.


"Look what she's wearing."


"I know right, she looks so cheap."


"Dapat talaga hindi nalang sya pumunta."


"I heard nga naglayas na sya."


"What? Walang utang na loob. Sya pa ang may ganang lumayas?"


"Sya na nga ang pinakain at binihisan..."


"Sana nga hindi nalang sya bumalik. Mahahaluan pa ng dugong bastardo ang pamilya natin."


"Kanino naman kayang bahay yan nakatira?"


"I heard may ka-live in daw. Yuck diba?"


"Right. Hindi naman malayo. Tignan mo ang ugali."


"She creeps me out."


"I'm sure bumalik lang yan dahil takot mawalan ng mana."


"O baka naman nandito lang para humingi ng pera."


"Hindi na sya nahiya."


"Meron ba sya non?"


Tumawa sila.


Sinigurado kong wala silang makikitang kahit na anuman sa mukha ko. Walang takot o galit, walang luha na mamumuo sa mga mata ko ngayon. Mas matibay na ako kumpara dati. Mas matibay na ang dibdib ko.


Nang makapasok ako sa ladies room sa first floor, doon ako huminga nang malalim. May umalpas na butil ng luha sa isang mata ko. Nakita ko ang sarili ko sa harap ng salamin, namumula ang mukha ko.


'Tama na Janin, hindi ka pa ba sanay? Normal pa yan, hintayin mo ang sasabihin ni Lola.'


Nagtagal ako nang ilang minuto sa loob. Pinakalma ko lang ang sarili ko. Naghanda ako ng excuse para magpaalam kina Mama at Papa. Ayoko nang maulit ang nangyari noon sa party. Mas mabuti nang umiwas sa gulo. Ayoko na ulit mangyari 'yon. Ayokong magkagulo ulit dahil sa akin.


Lumabas ako ng ladies room. At mukhang nananadya ang tadhana, nakasabay ko si Lola papunta sa garden. Kasama nya ang tatlo nyang babaeng apo na kanina ay abalang pinag-uusapan ako.


"I heard na nagbalik ka na nga, kung hindi pa kita nakita rito ay hindi pa ako maniniwala," sabi ni Lola sa malamig na tono. "Savanah, Jessica, Lia, iwan nyo kami."


Nakangisi ang tatlong babae na umalis sa tabi ni Lola at pumunta sa party. Humarap sa akin si Lola at nang tignan nya ako mula ulo hanggang paa, wala akong nagawa kundi ang magbaba ng tingin.


"Kumusta po kayo?"


"Kanina mabuti, ngayong nakita kita hindi na maayos ang pakiramdam ko. Matapang kang bata. Akala ko ba ay nagka-intindihan na tayo noon? Ano pa ang ginagawa mo rito?"


"Gusto ko lang pong batiin sina Mama at Papa."


"Nabati mo na sila, ano pa ang kailangan mo?" malamig nyang tanong.


"Lola-"


"Walang dugong nag-uugnay sa ating dalawa, hija," mariin nyang sabi. "Isa ka lang bastarda. Anak ka lang ng isang katulong sa dating amo nya na kaibigan ng anak ko. Tandaan mo yan sa susunod na tatawagin mo akong Lola."


Naikuyom ko ang mga kamao ko. Hindi ko sya matignan sa mga mata. Sa tuwing kakausapin ako ni Lola nang ganito, wala akong magawa kundi ang tanggapin lang lahat ng sasabihin nya.


"Nasa wastong edad ka na, hindi ba? Tapos na ang obligasyon sa iyo ng anak ko, ano pa ang kailangan mo sa kanila?" tanong nya. Huminga sya nang malalim. "Simula nang kumalat ang katotohanan sa kung sino ang totoo mong mga magulang, nabalot na ng hindi magandang imahe ang pamilyang ito. Hangga't nandito ka, hindi titigil na mapag-usapan ang eskandalong nangyari noon. Naiintindihan mo ba?"


Hindi ako nakasagot. Noong nakaraang party, may nakalusot na reporter at tinanong ako ng kung anu-ano. Nagkaroon ng gulo at dahil sa maraming nakakita, kumalat ang usapin sa totoo kong mga magulang.


"Kung naiintindihan mo, umalis ka na. Bago ka pa makakuha ng atensyon mula sa mga bisita at muling mapag-usapan. Ako na ang bahalang magsabi kina Adelina at Samuel na umalis ka na."


Hindi ako gumalaw. Hindi ako umalis sa harapan nya. Kahit nanginginig ang tuhod ko. Kahit naririnig ko ang malakas na pintig ng puso ko. Hindi ako umalis sa harap nya. Nanatili akong nakatayo. Hinanap ko ang boses ko, sinigurado kong magagamit ko pa iyon. Kung hindi ko sya kayang harapin ngayon, ano ang ipinagkaiba ko sa dating ako?


"Hindi ako aalis," ginamit ko lahat ng lakas ng loob ko para tignan sya sa mga mata. Diniinan ko ang mga salitang susunod kong sasabihin sa kanya. "Hindi ako aalis, Lola."


Nanlaki ang mga mata ni Lola. Nakita kong nanginig sya sa galit. Bago pa sya muling may masabi ay mabilis ko syang iniwan sa kinatatayuan nya at pumunta sa garden.


Nakita ko ang mga pinsan ko na nagulat nang makita ako. Hindi nila inaasahan na papasok ulit ako sa party. Hindi ako dumiretso ng upo sa mesa nina Mama at Papa. Umupo ako sa isang bilog na mesang pandalawahan lang.


Abala na ang mga bisita sa pagsasayaw. Patuloy sa pagtugtog ang banda nina Gio. Pero wala akong marinig sa paligid ko kundi ang boses ni Lola. Wala akong ibang marinig kundi ang boses ng mga pinsan ko. Wala akong ibang makita kundi ang tingin sa akin ng mga tao. Wala akong ibang maramdaman kundi ang galit ko. Galit ko para sa kanila. Galit ko para sa mga totoo kong magulang. Galit ko para sa sarili ko.


Nalulunod ako sa sarili kong galit.

Nalulunod ako sa mga tingin nila.

Nalulunod ako sa mga salita nila.


"Bastarda..."


"Anak ng katulong..."


"Bastarda..."


"Bakit pa sya nandito?"


"Humihingi na naman ng pera."


"Bastarda..."


"Walang utang na loob."


"Bastarda..."


"Bakit ba sya bumalik dito?"


"Nagpupumilit sa pamilyang hindi naman kanya."


"Bastarda!"


May kamay na humawak sa balikat ko na nakapagpabalik sa akin sa mundong ginagalawan ko ngayon. May pares ng itim na sapatos sa harap ko.


"Are you okay?" tinig ng isang lalaki. Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa harap ko. Ngumiti sya sa akin nang malapad. Kumikislap ang kanyang mga mata. "Hi, Janin."


Naramdaman ko ang tingin sa akin ng lahat. May ginawa ba ako na hindi ko namamalayan? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakapos ako ng hininga. Huminga ako nang malalim at kumalma. Nakatingin parin sila sa amin, nababakas ko sa mga mukha ng pinsan ko ang gulat at pagtataka. Nakatingin sila sa lalaking nasa harapan ko ngayon.


"Janin?" sambit ng lalaki sa harap ko.


"H-ha?" mahina kong sagot.


Naglahad sya ng kamay. Tinignan ko ang kamay nyang 'yon. Naguguluhan na tinanggap 'yon. Ikinulong nya sa dalawa nyang kamay ang kamay ko. "Will you have this dance with me?"


"Huh?"


Hindi ko na nagawang sumagot dahil hinila nya ang kamay ko. Nang makatayo na ako, lumakad kami papunta sa area kung saan nagsasayaw ang ibang bisita. Napasilip ako sa banda na nasa stage. Kumpleto na silang apat roon. At si Ashton ang kumakanta.


"Why do birds suddenly appear

Every time you are near?"


"Put your hands here," sabi ng kasayaw ko. Ipinatong nya ang isang kamay ko sa balikat nya at ang isa ay hinawakan nya. Nasa likod ko naman ang isa pa nyang kamay. "And we're set."


"Just like me, they long to be

Close to you"


Nag-umpisa na syang humakbang at nagpatangay ako sa kanya. Ni hindi ko magawang kumalas sa hawak nya. Ikinukulong nya ako gamit ang mga masasaya nyang mata at ngiti. Para bang sobrang saya nyang makita ako ngayon at maisayaw.


"Do you know me?"


Pamilyar sya pero hindi ko sya kilala. Umiling ako. Hindi nawala ang ngiti sa kanyang labi. Bakit sya nakangiti? Hindi parin nawawala ang tingin sa amin ng mga tao. Ang kaninang gulat na expression ng mga pinsan kong babae, ngayon ay napalitan ng galit... para sa akin.


"Why do stars fall down from the sky

Every time you walk by?"


"Janin," sambit nya habang hindi inaalis ang tingin sa akin.


"Bakit?"


"Janin," tawag nya ulit.


Pumasok sa isip ko na hindi naman talaga nya ako tinatawag. Gusto lang nyang banggitin ang pangalan ko. Tila ba bago ito sa kanyang panlasa o isang magandang tunog na gusto nyang marinig ulit. Sino ba sya?


"Ano'ng pangalan mo?" tanong ko.


Akala ko wala nang mas iluluwag pa ang ngiti nya, nagkamali ako.


"Kean," sagot nya sa akin. "My name is Kean."


"Just like me, they long to be

Close to you"





*AN

Pinakamahabang UD sa kasaysayan ng DEB. LOL

Busy ako this week. Manalangin. XD

Songs; (magandang covers 'to!)

Can't help falling in love (Haley Reinhart)

Close to You (Mary See the Future)

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
40.6M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...
5.2M 171K 44
Twenty-three-year-old Riley Eames is still haunted by the heartbreak from three years ago. After the unexpected encounter with rising Hollywood star...