Dear Ex-Boyfriend

By Alesana_Marie

13.3M 351K 55.8K

Read Dear Future Boyfriend first para di ma-spoil. :) *Nin's Story* [Completed] More

Copyright
Entry #1
Entry #2
Entry #3
Entry #4
Entry #5
Entry #6
Kean
Entry #7
Entry #8
Entry #9
Entry #10
Janin
Entry #11
Entry #12
Entry #13
Kean
Janin
Dylan
Kayleen
Kayleen
Janin
Janin
Janin
Kayleen
Janin
Kean
Dylan
Janin
Janin
Janin
Janin
Janin
Janin
Dylan
Janin
Kayleen
Kean
Dylan
Janin
Kean
Dylan
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Dylan
Kayleen
Kayleen
Janin
Kean
Janin
Dylan
Leon
Dylan
Janin
Janin
Dylan
Robin
Janin
Dylan
Leon
Leon
Dylan
Dylan
Dylan
Kayleen
Janin
Dylan
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Yohan
Janin
Janin
Janin
Kayleen
Kayleen
Dylan
Janin
*Janin
*Janin
*Janin
*Janin

Janin

124K 3.3K 694
By Alesana_Marie

Janin


"Mauna na raw tayong pumunta sa mall sabi ni Mama," sabi ni Kayleen sa kapatid nya nang matanggap nya ang text message.


"Nasa clinic pa rin sila?"


"Yup."


"Magbibihis lang ako," sabi ni Dylan saka muling pumasok sa kwarto nya.


Naiwan kaming tatlo nina Ashleen at Kayleen sa sala. Kababalik lang namin mula sa bahay ni Ashleen. Mabuti nalang at wala roon ang banda ngayon. Nag-bike lang kami paikot sa subdivison nila. Napatunayan ko na teritoryal pala si Kayleen. Pinahiram kasi sa akin ni Ashleen ang bike ng kapatid nya. Pero nakipagpalit sa akin si Kayleen.


"Ano kaya ang papanoorin natin?" tanong ni Ashleen habang tinitignan ang phone nya.


"Showing na yung movie ni kuya Kean. Panoorin natin!" sabi ni Kayleen.


"Ay oo nga! Yun na lang ang panoorin natin!" sangayon ni Ashleen.


"Tignan mo nga kung anong oras sya sa cinema."


Ilang click sa cellphone ang ginawa ni Ashleen. Mukha silang excited na dalawa. Kung sabagay kapag sila ang magkasama, palagi nalang silang mukha excited. Hindi ba nauubos ang energy nila?


"May pang five pm, yung kasunod non mamayang seven thirty pm," sagot ni Ashleen. "Text ko nga si kuya Friday, pahatid tayo sa SM."


"Mag-jeep nalang tayo, fifteen minutes lang naman yun. Sayang ang gas."


Tumingin ako sa orasan. Eksaktong fifteen minutes nalang bago mag-five.


"Ayoko, baka kung saan saan pa huminto yung jeep. Baka ma-late tayo. Bibili pa tayo ng popcorn."


"Si kuya nalang ang pabilihin natin ng popcorn."


Saktong lumabas si Dylan sa kwarto. "Ano 'yon?" tanong nya.


"Kuya bili kang popcorn mamaya ah?" sabi ni Kayleen.


"Sige. Sige, tara na. Alam nyo na ba papanoorin nyo? Baka mamaya wala na tayong panoorin don dahil sa tagal nyo pumili."


"Meron na kaya kuya!"


"Eh di very good. Tara na."


"Wait lang, hintayin natin yung sasakyan nina Ashleen. Ihahatid na tayo hanggang SM."


"Ayaw nyo mag-jeep?" tanong ni Dylan. "Lapit lang non, sayang ang gas."


"Alam mo, magkapatid nga talaga kayo ni Kayleen," tawa ni Ashleen.


"Bakit? May pagdududa ba?" makulit na tanong ni Dylan. Bigla syang tumingin sa akin. "Janin, naniniwala ka ba sa hula?"


Nagulat ako sa tanong nya sa akin. Saan nanggaling yon?


"Hindi."


"Naku, dapat kang maniwala. Huhulaan kita, patingin ng kamay mo."


"Eeeh? Ano naman trip yan kuya?" tanong ni Kayleen sa kapatid.


"Basta," umupo sya sa tabi ko. Walang pasubali man lang na kinuha nya ang isa kong kamay. "Huhulaan kita. Nakikita ko na..."


May bumusina sa labas ng bahay. Napatayo si Ashleen mula sa sofa.


"Nandyan na yung sasakyan," anunsyo ni Ashleen na nakasilip sa bintana.


"Bilisan mo na manghula kuya!"


"Nakikita ko na suswertehin ka sa susunod na linggo," aniya saka nya binitawan ang kamay ko. Binigyan pa nya ako ng ngiting puno ng tiwala sa sarili... o sa hula nya?


Sa sunod-sunod na kamalasan na nangyari sa akin, maniniwala pa ba ako sa swerte? Lumabas na kami ng bahay. Nauuna kaming mag-lakad ni Ashleen patungo sa sasakyan.


"Ako rin kuya hulaan mo," sabi ni Kayleen habang palabas kami ng gate.


"Sige patingin ng kamay mo."


"Ano na? Ano na?"


"Nakikita ko na..."


"Na ano kuya?"


"Hindi ka na tatangkad. Muhahahaha!"


"Kuya!!!"


"Joke lang, ito sure na."


"Mag-seryoso ka kasi!"


"Seryoso na nga Ikay. Nakikita ko na..."


"Ano'ng nakikita mo?"


"Malapit ka na ulit maging single! Muhahahaha!!"


"Bwisit ka kuya!! Di ka na sana magka-girlfriend!!"


"Oy! Ikay bawiin mo yan!!"


"Che!! Forever alone ka na!!"


"Walang forever! Muhahaha!"


"Nakuuuu!"


Nakasakay na kami ni Ashleen sa loob ng van at hinihintay silang dalawa. Nang makasakay si Kayleen sa loob ay kaagad nyang hinarangan ang pintuan at di pinapasok si Dylan.


"Hwag ka na nga sumama!" inis na sabi ni Kayleen. "Maiwan ka! Bantayan mo sina Toothy at Siri."


"Ayoko. Magugutom ako."


Sinara ni Kayleen ang pinto ng sasakyan. Lumipat si Dylan sa front seat at doon umupo. Nilingon nya si Kayleen. "Bleh."


"Nakakainis talaga si kuya," mukmok ni Kayleen.


Tinawanan naman sila ni Ashleen. Ganito ba talaga silang magkapatid? Pero kahit na nag-iinisan sila, wala naman akong makitang galit. Para lang silang naglalarong dalawa. Bigla kong naalala si Gio. Hindi pa kami naging ganito ni Gio. Dahil ba sa hindi kami totoong magkapatid? O baka dahil hindi ko sya itinuring na pamilya ko?


***


Nakarating kami sa SM ilang minuto nalang bago mag-umpisa ang papanoorin naming pelikula. Inabot ni Dylan kay Kayleen ang wallet nya bago sya umalis para bumili ng pagkain. Pumila na kami para bumili ng ticket.


"Kayleen, may picture ba si Dylan sa loob ng wallet nya?" tanong ni Ashleen.


Binuksan ni Kayleen ang kulay black at pahabang wallet ng kapatid nya. Family picture nila ang naka-display doon. Luma na ang picture na yon. Baby pa si Kayleen na nakaupo sa kandungan ng Mama nya. Katabi naman nilang nakaupo si Dylan na medyo chubby pa, sa likod naman nakatayo ang Papa nila.


"Wala ba syang girlfriend?"


"Si Kuya? Wala pang girlfriend 'yon. Ayaw nyang lumabas ng bahay e. Ewan ko sa kanya, parang may allergy sa araw."


"Sayang naman. Gwapo pa naman ang kuya mo. I'm sure maraming na-in love don noon sa school nila."


"Si kuya?! Gwapo?! Ashleen!"


"Totoo naman e. Sabihin mong hindi?"


Hindi umimik si Kayleen. Tumingin sa akin si Ashleen.


"Janin, ano ang tingin mo kay Dylan? Gwapo diba?"


Kami na ang sumunod sa bibili ng ticket kaya naman kumuha na ng pera sa wallet ni Dylan si Kayleen.

 

"Apat na tickets sa Stuck with You, please," sabi ni Kayleen sa babaeng nasa ticket booth.


Nag-isip ako saglit. "May hitsura naman sya."


"Hwag nyo na nga pag-usapan si Kuya." Kinuha nya ang mga tickets na binigay ng babae. "May tickets na tayo, tara na sa loob."


"Paano si Kuya mo?" tanong ni Ashleen.


"Hayaan nyo si Kuya."


Pumunta kami sa Cinema 3 at nakita naming nandoon na si Dylan dala ang dalawang box ng popcorns at apat na coke floats. Tinulungan namin sya sa mga dala nya at pumasok na kami sa loob ng sinehan.


***


Hindi ko alam kung bakit mukhang badtrip si Dylan sa pinapanood namin. Comedy pa nga ang scenes pero hindi sya natutuwa. Ramdam na ramdam ko ang inis nya kahit di ko sya tinitignan.


Sina Ashleen at Dylan ang nakagitna sa amin ni Kayleen. Sa tabi ako ni Dylan naka-pwesto. Habang tuwang tuwa sina Ashleen at Kayleen sa palabas, mukha namang pinagsakluban ng langit at lupa si Dylan.


Ang kwento ay tungkol sa babaeng isinumpa na maging sobrang ganda. Lahat ng lalaki ay naiinlove sa kanya dahil sa mukha nya. Kaya naman wala syang choice kung hindi ang maging rude sa lahat para layuan sya. Isang araw nakita nya ang lalaking mamahalin nya, isang lalaking may blue eyes. Ngunit dahil sa sumpa nya, na ang kapalit pala ay hindi sya magugustuhan ng taong mamahalin nya, lahat ng gawin nya ay walang epekto sa taong gusto nya.


Isang araw ay dumating ang kababata nya galing probinsya. (Mukhang kinilig sina Kayleen nang makita nila yung lalaki.) Ang lola pala nito ang nagbigay ng sumpa sa dalaga na hiniling din nito noong bata pa sya. At ngayon nga ay nandoon parin ang scene. Nag-uusap sila tungkol sa sumpa.


Alin ba doon ang kinaiinisan ni Dylan? Naiinis ba sya sa istorya o sa mga artista? O baka naman, naiinis sya dahil kinikilig ang kapatid nya sa leading man ng pelikula? O baka naman gusto nya yung babaeng artista at nagseselos sya?


Ilang minuto pa ang lumipas may napansin ako sa kanya. Mas matindi ang inis nya kapag eksena na ng lalaking may blue na mata. Kung ganon, nagseseslos nga sya dahil may gusto sya doon sa babeng artista? Tama ba ang hula ko?


Nang uminom ako nang coke bigla akong nilamig. Pinatong ko ang inumin ko sa lalagyan nito sa armrest. Pinag-krus ko ang mga braso ko para mabawasan ang lamig. Hindi ko nalang dapat ininom yun. Nakalimutan kong lamigin nga pala ako. Ang lakas ng loob kong mag-tshirt at mag-shorts lang. Pero parehas lang naman kami nina Ashleen at Kayleen ng suot.


Nilingon ko silang dalawa. Kaya naman pala hindi sila nilalamig, nakatutok sila sa pinapanood nila at halatang nag-eenjoy.


Naramdaman kong may kumulbit sa balikat ko. Nilingon ko si Dylan. Nakahubad na ang jacket nya at ibinibigay sa akin. Tinignan ko yon ngunit wala akong ginawa para abutin 'yon.


"O-Okay lang ako," bulong ko. Naiilang ako. Hindi ko alam kung bakit.


"Kunin mo na." Nang di ako gumalaw, ikinumot nya sa akin ang jacket nya. "Hwag mong aalisin."


Naamoy ko ang pabango na gamit nya. Naramdaman ko kaagad ang ginhawa na hatid ng jacket nya. Medyo mainit pa yon dahil sa katawan nya. Sinilip ko sya sa gilid ng mata ko, nakadiretso na sya ng tingin sa pinapanood namin. Ni hindi ko man lang magawang magpasalamat.


Matagal bago ko pinakawalan ang ideya nang pagsasabi ng 'salamat' sa kanya. Gusto kong sabihin pero ang hirap. Nawala tuloy sa pelikula ang focus ko. Ni hindi ko na maintindihan ang nangyayari.


Nang malapit nang matapos ang pelikula, nabigla ako dahil tumawa nang sobrang lakas si Dylan. Halos lumundag ang puso ko sa sobrang gulat. Ang tahimik kasi nya tapos ngayon bigla syang papalakpak sa tuwa.


"HAHAHAHAHA!! WAHAHAHAHA!!" tawa nya habang nakatingin sa screen. "Ang pangit nya! Hahahaha! Shit! Hahahaha! Bagay sa kanya maging ganyan habangbuhay! Hahahaha!"


Ang tinatawanan nya ay ang eksena kung saan nalipat ang sumpa sa lalaking may blue na mga mata. Ngunit imbes na mas gumwapo sya ay kabaliktaran ang nangyari. Humiling kasi sya na makita na nya ang babaeng magmamahal sa kanya ng totoo. At iyon ang naging solusyon ng matandang mangkukulam. Ang nakatuluyan ng babaeng bida ay ang kababata nito.


"HAHAHAHAHA!! BRAVO!! Ang ganda ng movie! Hindi sayang ang bayad ko! HAHAHA!!"


Tawa parin sya nang tawa kahit nang nag-roll na ang credits at bumukas ang mga ilaw. May mga taong tinitignan sya at nagbubulungan.


"Kuya nakakahiya ka, hwag ka ngang maingay!" saway ni Kayleen kay Dylan. Nakatayo na sya.


"Ang sakit ng tyan ko! Hahaha! Ikay, nakita mo 'yon? Hahaha! Comedy pala 'tong pinanood natin. Hahaha!"


Tumayo na rin kami ni Ashleen.


"Kuya nakakahiya ka. Tumayo ka na, aalis na tayo."


Tumayo na sya at sumunod sa amin palabas ng sinehan.


"Sabi ni Mama, pumunta na raw tayo doon sa favorite nating restaurant. Nandoon na raw sila ni Papa."


"Sakto, nagugutom na ako," sabi ni Dylan na nag-inat ng katawan. "Ang ganda ng movie, the best yung ending."


"Ang galing ni kuya Kean umarte. Sobrang comedy sila ni Yna," sabi ni Kayleen. "Kuya, nakita mo na rin ba sa personal si Yna?"


"Hindi pa. Bakit?"


"Ay wala lang, selfie naman kayo kapag nakita mo sya."


"Ayoko."


"KJ!"


"Ang gwapo rin ni Francis Grant," sabi ni Ashleen. "Ang galing nya. Nainlove na naman ako sa kanya. Lalo na sa dulo, yung accent nya kapag nagsasalita ng filipino. Ang cute nya talaga!"


"Tsk. Ashleen, gusto mo daan tayo sa EO?"


"Huh? Bakit?"


"Ang labo na nyang mata mo. Pa-check natin yan. Delikado na yan."


"Ano bang sinasabi mo Dylan?"


"Gwapo ba 'yon? Saang parte?"


"Ikaw kuya, kanina ka pa. Ano ba ang problema mo?"


"Wala." Nauna na syang maglakad sa amin matapos non.


May ideya na biglang pumasok sa isip ko. Ngayon alam ko na! May gusto si Dylan kay Ashleen. Maliwanag na sa akin ang lahat ngayon. Kaya pala...


Continue Reading

You'll Also Like

8.3M 227K 61
Warning this book is rough. Not edited. We wanted privacy. We wanted a normal relationship with no high expectations. But that's hard when you have...
2.8M 152K 55
Liam Smith is in Texas for the funeral of a fallen comrade. He proudly serves his country and would do anything for a fellow Marine. What he doesn't...
133K 9.6K 50
*READ THE PREQUEL FIRST* The sky was grey as the coffin shook and rattled until it tumbled down the pedestal to the ground toppling over and breaking...
718K 34.5K 41
"Dear Mr. Pessimist, here are a few reasons to love yourself and the world." When Sydney Hale gets a job at one of the biggest bakeries in her...