Dear Ex-Boyfriend

By Alesana_Marie

13.3M 351K 55.8K

Read Dear Future Boyfriend first para di ma-spoil. :) *Nin's Story* [Completed] More

Copyright
Entry #1
Entry #2
Entry #3
Entry #4
Entry #5
Entry #6
Kean
Entry #7
Entry #8
Entry #9
Entry #10
Janin
Entry #11
Entry #12
Entry #13
Kean
Janin
Dylan
Kayleen
Kayleen
Janin
Janin
Janin
Kayleen
Janin
Kean
Dylan
Janin
Janin
Janin
Janin
Janin
Janin
Dylan
Janin
Kayleen
Kean
Dylan
Kean
Dylan
Janin
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Dylan
Kayleen
Kayleen
Janin
Kean
Janin
Dylan
Leon
Dylan
Janin
Janin
Dylan
Robin
Janin
Dylan
Leon
Leon
Dylan
Dylan
Dylan
Kayleen
Janin
Dylan
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Yohan
Janin
Janin
Janin
Kayleen
Kayleen
Dylan
Janin
*Janin
*Janin
*Janin
*Janin

Janin

117K 3.1K 338
By Alesana_Marie

Janin


"Umalis si Kuya Dylan, Kayleen?" tanong ni Ashleen na tumingin kay Kayleen mula sa salamin.


Nakaupo ako sa harap ng salamin habang pinag-eexperimentuhan ni Ashleen ang buhok ko. Kinukulot nya ito gamit ang flat iron.


"Oo, makikipagkita kay kuya Kean," sagot ni Kayleen na tumitingin sa magazine. "Ashleen, bakit di ka kaya maging stylist?"


"Stylist? Bakit mo naman biglang naisip yan?"


"Hindi rin naman kasi sa cooking ang talent mo katulad ko. Hehe."


"Aray naman..." nakangiting sabi ni Ashleen.


"Tapos sumama ka sakin papuntang France. Mag-aral tayo don!" excited nyang sabi.


"Aalis ka Kayleen?" tanong ko.


"Plano nyang mag-aral sa France at magtayo ng sarili nyang coffee shop pag-uwi."


Sandali akong nagulat sa balita na 'yon. Hindi ko alam na may ganito pala syang plano sa buhay nya. Kung titignan kasi, parang naglalaro lang si Kayleen at hindi seryoso sa buhay. May ganito pala syang goal sa future nya.


"Pero hindi ka ba natatakot na umalis?" tanong ko.


"Kinakabahan ako," nag-aalalang sagot ni Kayleen. "Pero kapag iniisip ko na marami akong makukuhang experience sa pagpunta ko roon, mas nangingibabaw yung excitement ko! Gustong gusto kong matutunan kung paano sila gumagawa ng cakes doon! Gusto kong gumawa ng sarili kong recipes na maipagmamalaki ko sa buong mundo."


"Haha! Go girl!" pumalakpak si Ashleen.


"Hindi ka ba natatakot na mawala ang boyfriend mo?" tanong ko.


Natahimik silang dalawa sa tanong ko. Kapatid nga pala ni Ashleen ang boyfriend ni Kayleen. Mahirap i-maintain ang long distance relationship. Nandyan pa yung mga pangako na uuwi, pero hindi naman matutupad.


"Alam naman ni Ash, diba?" usisa ni Ashleen sa kaibigan nya.


Tumango si Kayleen. "Alam nyang aalis ako. Pero matagal na naming di napag-uusapan."


"Hwag kang mag-alala. Babantayan ko si Ashton. Aawayin ko lahat ng babae na magkakamaling mang-akit sa kanya," natatawang sabi ni Ashleen.


Narinig namin na biglang tumunog ang door bell.


"May bisita." Kaagad na tumayo si Kayleen mula sa kama nya. "Sino kaya 'yon?"


"Ingat ka Kayleen, baka yung nagpapanggap na census yan pero bebentahan ka lang ng kung anu-ano. Hala lagot ka," panakot ni Ashleen.


"Hwag kang manakot Ashleen!" sabi ni Kayleen. Binuksan nya ang pinto ng kwarto at tumingin sa amin. "Samahan nyo ko."


"Pfft! Ang cute mo talaga Kayleen!" nilapitan ni Ashleen si Kayleen at kinurot sa magkabilang pisngi. "Hindi naman sila makakapasok nang basta basta dito. May guards sa gate ng subdivision."


Narinig ulit namin ang doorbell na tumunog. Lumabas kami ng kwarto at nagtungo sa labas ng bahay. Binuksan ni Kayleen ang gate. Nakangiti syang bumati sa kung sinoman na nakita nya sa labas.


"Ikaw lang pala," sabi ni Kayleen. "Pasok ka."


Mula sa pintuan nang bahay nakita ko na pumasok sa gate si Gio.


"Hi," bati nya kay Ashleen saka tumingin sa akin.


Hindi ko alam kung anong expression ang nasa mukha ko ngayon. Halata bang nagulat ako? Hindi ko inaasahan na makikita ko sya kaagad matapos nang nangyari noong isang araw. Hindi maganda 'to. Baka magtanong sina Kayleen sa akin kung ano ang relasyon ko kay Gio.


***


"Coco powder, flour, baking soda, salt" sabi ni Kayleen kay Gio. "Haluin mo lang nang mabuti yan. Tapos isalin mo na doon sa kabilang bowl na hinalo mo kanina."


Sinunod ni Gio ang instructions ni Kayleen. Napaghalo na nya ang dalawang bowl at ngayon ay hinihintay nalang nyang maging sticky ang texture nito. May kinuha si Kayleen na box. May laman iyon na mga chocolate chips. Kumuha si Kayleen ng ilan at inilagay sa bowl na hinahalo ni Gio.


"Okay, tama na yan. Gamitin mo na yung ice cream scoop para kumuha ng cookie dough, tapos ilagay mo dito sa pan."


"Kahit ilang beses na kitang nakita na gumawa ng cookies Kayleen, hindi parin ako nagsasawa. Madali lang syang aralin pero mas gusto ko parin ang mga gawa mo," sabi ni Ashleen.


Nakaupo kami ni Ashleen sa lamesa at pinapanood ang dalawa. Close pala sina Kayleen at Gio. Kailan pa sila naging magkaibigan? Dahil ba nasa iisang banda si Ashton at Gio? May alam kaya si Kayleen sa amin ni Gio at tinatago lang nya?


"Tapos hintayin nating maluto sa oven ng eight minutes."


"Favorite talaga ni Gio ang mga bine-bake mo Kay. Dumayo pa sya rito para matuto."


"Oo nga Gio, bakit ka biglang napadalaw?" tanong ni Kayleen sa kapatid ko.


Tumingin sa akin si Gio. "Nami-miss ko na kasi ang..." Kinabahan ako. Nilipat nya ang tingin nya kay Kayleen. "mga cookies na gawa mo."


Nakahinga ako nang maluwag. Nananadya ba sya?


"Naubos mo na kaagad yung bigay ko sa'yo?"


"Ang takaw talaga ni Gio," tumatawang komento ni Ashleen.


Uminom ako sa baso ng orange juice. Paminsan minsan tumitingin sa akin si Gio na para bang may gusto syang sabihin. Kinabahan na naman ako. Baka mahalata sya nina Kayleen.


"Sis, nakahanap ka na pala ng asawa ni Toothy no? Ano'ng breed yon?"


"Kay Janin na aso yon, si Sirius."


"May aso ka pala Janin. Anong breed 'yon?"


"Hindi ko rin alam. Inampon ko lang sya."


"Mabuti nagkasundo sila ni Toothless. Nakita ko sila naghahabulan sa bakuran. Ang sweet nila. Wait! Baka mabuntis nya ang aso mo Janin!"


"Imposible yan, lalaki si Sirius."


Natigilan si Ashleen. "Lalaki sya? Pero... nakita ko sila kanina sa bintana gumagawa sila ng babies."


Muntik ko nang maibuga ang orange juice na ininom ko. Napaubo ako. Nagulat nalang ako nasa tabi ko na si Gio at inaabutan ako ng panyo. Nasa likod ko ang kamay nya.


"Okay ka lang?" tanong nya.


Tinignan ko sya. Inalis nya kaagad ang kamay nya sa likod ko.


"Okay lang ako," sagot ko sa kanya.


Bumalik na sya ng upo sa pwesto nya.


"Sure ka ba Janin? Lalaki ang aso mo?" tanong ni Ashleen sa akin.


"Bading si Toothy..." bulong ni Kayleen.


Hindi ko tinignan kung lalaki ba sya. "Mukha syang lalaki."


"Tignan natin kung ano ang gender nya!" suhestyon ni Ashleen.


"Sino ang titingin?" tanong ni Kayleen kay Ashleen.


Tumingin si Ashleen sa akin. Tumingin ako kay Gio. Tinuro ni Gio ang sarili nya habang nagtatanong ang hitsura na nakatingin sa aming tatlo. Tumango sina Ashleen at Kayleen sa kanya. Nang tumingin sa akin si Gio, umiwas ako ng tingin.


Lumabas kami ng bahay at ipinatawag sa akin ni Kayleen ang aso ko. Parehas sila ni Toothy na lumapit sa amin.


"Ngayon malalaman na natin kung bading ba ang aso mo Kay. O tomboy kaya ang aso ni Janin? Haha!" halatang excited na sabi ni Ashleen.


Nilapitan ni Gio ang aso ko at umupo sa tapat nito. Malikot si Sirius kaya matagal bago nya natignan ang gender nito. Nang makita na nya, kaagad na syang tumayo.


"Ano'ng gender, Gio?" tanong ni Ashleen.


Tumingin sa akin saglit si Gio bago sumagot. "Babae."


Napabuga ako ng hangin. Babae si Sirius. Tinitigan ko ang aso ko. Pero mukha syang lalaki. Tinitigan ko sya nang tinitigan nang tinitigan. Tinignan din nya ako gamit ang brown nyang mga mata. Para bang nagmamakaawa syang intindihin ko sya at palitan ko na ang pangalan nya.


"Haa~ Mabuti nalang hindi bading si Toothy," sabi ni Kayleen.


"Kailangan baguhin mo na ang pangalan ng aso mo, Janin," sabi ni Ashleen.


"Siri," sabi ko. Tumahol ang aso ko nang marinig yon. Kumawag din ang buntot nya. Babae nga sya.


Nagtagal pa si Gio sa bahay ni Kayleen. Kinain namin ang cookies na ginawa nila. Nag-uwi rin sya ng ilang piraso. Umuwi sya nang nagkukulay orange na ang langit. Panay ang tingin nya sa akin nang hinatid namin sya sa labas ng bahay. Hindi sya mapakali. Naghihintay na sa labas ang sasakyan at driver nya.


"Dadalaw ako ulit," sabi nya kay Kayleen bago ilipat ang tingin sa akin.


"Sure, balik ka kung kailan mo gusto Gio!" sabi ni Kayleen.


Pagkaalis ng sasakyan ni Gio ay sya namang pagbalik ni Dylan. Nakasakay sya sa motor nya. Pinagbukas sya ng gate ni Kayleen.


"Kuya!" excited na salubong ni Kayleen sa kapatid nya. "Kuya Dylan! Kumusta? Ano'ng nangyari?"


Nagtanggal ng helmet si Dylan.


"Sorry bunso, nakalimutan ko yung pinapabili mo," sabi nya sabay gulo sa buhok ni Kayleen. "Bukas nalang kita ibibili."


"Ehhh? Hmm. Okay lang, dadaan naman ng grocery si Mama. Sya nalang ang bibili. Ano'ng nangyari?"


Tinitigan ni Dylan ang kapatid nya. Bumuntong hininga sya saka umiling.


"Mamaya ko nalang sasabihin sa'yo," sabi nya kay Kayleen. Diretso syang pumasok ng bahay at pumunta sa kwarto nya.


"Ano'ng nangyari don?" tanong ni Ashleen na katabi kong nakatayo sa may pintuan. "Di man lang tayo napansin."




Continue Reading

You'll Also Like

28.7K 1.3K 69
SANA ALL! - Alliona She's Alliona Lein Collins and she loves saying SANA ALL. Dear Diary: SANA ALL! Date Started: October 29 2019 Date Finished: July...
4.7M 42.2K 37
PUBLISHED IN 2014 UNDER PRECIOUS PAGES CORP. ADAPTED TO TV5 WATTPAD PRESENTST IN 2015 Minsan, kahit gaano kaganda, kabait at katalino ang isang tao...
1M 13K 61
COMPLETED. I'M 20 BUT STILL NBSB SEQUEL. "Hindi naman sa wala akong tiwala sa asawa ko. Wala lang akong tiwala sa mga nakapaligid sa kanya. At kahi...
25M 626K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...