Dear Ex-Boyfriend

By Alesana_Marie

13.3M 351K 55.8K

Read Dear Future Boyfriend first para di ma-spoil. :) *Nin's Story* [Completed] More

Copyright
Entry #1
Entry #2
Entry #3
Entry #4
Entry #5
Entry #6
Kean
Entry #7
Entry #8
Entry #9
Entry #10
Janin
Entry #11
Entry #12
Entry #13
Kean
Janin
Dylan
Kayleen
Kayleen
Janin
Janin
Janin
Kayleen
Janin
Kean
Dylan
Janin
Janin
Janin
Janin
Janin
Janin
Dylan
Janin
Kayleen
Kean
Janin
Kean
Dylan
Janin
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Dylan
Kayleen
Kayleen
Janin
Kean
Janin
Dylan
Leon
Dylan
Janin
Janin
Dylan
Robin
Janin
Dylan
Leon
Leon
Dylan
Dylan
Dylan
Kayleen
Janin
Dylan
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Yohan
Janin
Janin
Janin
Kayleen
Kayleen
Dylan
Janin
*Janin
*Janin
*Janin
*Janin

Dylan

120K 3.5K 1K
By Alesana_Marie

Dylan


"Ikay!" katok ko sa kwarto ng kapatid ko. "Ikay, aalis muna si Kuya."


Binuksan nya ang pinto. Nagulat ako sa puro make up nyang mukha. Narinig ko ang boses ni Ashleen sa loob ng kwarto, kausap nya si Janin. Mukhang nagkakasiyahan sila sa loob.


"San punta mo kuya?" Nakakagulat ang mala-manika nyang mata. Ang kapal at ang haba ng pilikmata nya.


"Makikipagkita kay Kean."


Suminghap sya at nanlalaki ang mga mata nya habang nakatingin sa akin. Nagmukha tuloy syang anime. Tuluyan syang lumabas ng kwarto at isinarado ang pinto.


"Sasabihin mo ba kay kuya Kean na nandito si Janin? OMG! Magkikita na ba sila? Pupunta na ba si kuya Kean dito?" excited nyang tanong.


"Nasabi ko na sa kanya kaninang umaga," sagot ko. "Nga pala, saan nag-apply si Janin?"


"Teka itatanong ko." Muli syang pumasok sa kwarto at rinig kong kinausap nya si Janin. Lumabas sya ulit at isinara ang pinto. "Heto kuya," may inabot sya sa akin na pamphlet na tungkol sa cleaning services.


Itinupi ko iyon at inilagay sa likod na bulsa ng pantalon ko.


"Alis na ako." Naglakad na ako palabas ng bahay. "Pasarado ng gate, Ikay."


Sumunod sya sakin hanggang sa labas. Sumakay na ako sa motorsiklo ko at naglagay ng helmet.


"Bili ka ice cream kuya!" pahabol na bilin nya.


"Sige!"


Pinaandar ko na ang motor ko palabas sa gate. Sa daan palabas ng subdivision, nakasalubong ko ang magarang sasakyan ni Gio. Papunta na naman ba sya sa bahay namin?


***


Sa isang restaurant na pagmamay-ari ni Jeron Lee - ang ama ni Kean - kami magkikita. Isa itong pribadong lugar. Hindi makakapasok ang sinoman kung walang reservation. Bukod doon, ang pinakamagandang ino-offer nito ay privacy. May mga pribadong dining room ito para sa mga taong gustong mag-usap nang patago.


Kung bakit kailangan naming mag-usap nang patago ni Kean, parang alam ko na. Ilang beses na rin akong kinausap ng manager ni Kean tungkol sa mga chismis sa amin. Mga tao nga naman, gumagawa ng pag-uusapan kahit di naman totoo.


"Sir Dylan, Sir Kean is waiting for you in room D. Bart will assist you there, enjoy your stay," nakangiting sabi ng babae sa checklist.


"This way Sir," sabi ni Bart na naunang naglakad. Umakyat kami sa hagdanan na nilatagan ng pulang carpet.


Caeci Domina. Latin words na ang ibig sabihin ay The Blind Lady. Kahit na anuman ang mangyari sa loob ng restaurant na ito, walang makakaalam sa labas. Kadalasan ay mga celebrities at politicians ang kumakain dito.


Tumingin ako sa mga customers na kumakain sa unang palapag. Pormal ang mga damit nila at halatang makapangyarihan sila. Maging ang mga musikero na tumutugtog sa gitna ay pormal ang damit.


Napatingin ako sa damit ko. Suot ko ang university jacket ko na light blue, puting shirt sa loob na may itim na star sa gitna at maong na pantalon. Kahit ang John Varvatos na sapatos ko ay mukhang hindi bagay sa lugar na ito.


Binuksan ni Bart ang pinto ng room D. Pumasok ako at nakita ko kaagad si Kean. May kasama syang isa pang lalaking namumukhaan ko. Madalas ko syang nakikita sa mga TV ads.


"Dylan, you made it," nakangiting bati nya nang makita ako.


Nakaupo sila sa sofa na pa-letter C. May itim na lamesa sa gitna kung saan nakapatong ang iba't-ibang pagkain at inumin.


"Oy, Kean, may ininvite ka pa bang iba?"


Lumapit ako at umupo na sa sofa. Tinapik ni Kean ang balikat ko saka tumingin sa lalaking kasama nya.


"Fran, this is my bestfriend Dylan," pakilala sa akin ni Kean kay blue eyes.


Langya talaga 'tong si Kean, di man lang nagsabi na may foreigner na kasama. Duduguin pa yata ang ilong ko sa inglesan.


"Nice to meet you, pare," tango ko sa kaibigan ni Kean. Angasan ko nalang 'to para di ako kausapin. Ano pare, papalag ka?


Ang kaso mukhang di naman sya naapektuhan. Sinipat na yata ako nito kanina, mas malaki ang katawan nito kaysa sakin. Mukhang talo talaga ako. Tss. Isa pa 'to si Kean. Ano ba ang kinakain ng dalawang 'to?


"Kean told me a lot about you. I'm glad we could finally meet," sabi ni blue eyes na nakangiti pa.


Ngumiti nalang ako sa kanya sabay lipat ng tingin kay Kean. Shit ka Kean! Anong pinagsasabi mo rito? Natatawa namang tinapik tapik ni Kean ang likod ko. Pinakatitigan naman kaming dalawa ni blue eyes. Parang nababasa ko na ang iniisip nito.


Wala sa sariling pinaglaruan ko ang hawak kong susi ng motor ko. Tinignan ko ang mga pagkain sa mesa. May apat na malalaking plato na puro ulam, isang plato na puro karne, isang puro gulay, isang puro seafood at isang plato ng mga hiniwang prutas. May bote ng wine sa gitna na nakalagay sa bucket na may ice.


May kumatok ng tatlong beses sa pinto bago bumukas. Dumating ang isang lalaki na may dalang food trolley. May mga laman iyong iba pang mga pagkain. Matapos nyang ilapag ang mga iyon ay tahimik syang lumabas.


"Let's eat first," sabi ni Kean.


***


"Kumusta si Kayleen?" tanong ni Kean sa gitna ng pagkain namin.


"Ganoon pa rin naman. Kasama nya ngayon sa bahay sina Ashleen at Janin."


"I see," ngiting-ngiti ang loko. Nagtanong lang para marinig ang pangalan ng crush nya. Mga the moves talaga nitong taong 'to.


"Mm." Di ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol sa sunog. Ayoko naman ikwento sa harap ng kasama nya. "Kean, makakalipat ka ba sa mas malapit na condo?"


"Gaano kalapit?"


"Tama na siguro yung isang oras na byahe mula sa bahay namin."


"Sige, susubukan ko. Bakit?"


"Uhh..." napatingin ako sa kasama namin. Nakatingin sya sa aming dalawa. "Ha-ha-ha! Basta. Hahaha!" Sumubo na ulit ako ng pagkain.


May kumatok ulit sa pintuan. Pinindot ni Kean ang isang mukhang maliit na remote para mabuksan ang pinto. Pumasok si Bart.


"Sir Kean, Sir Joren Lee has arrived and is asking for you."


"Very well," tumingin si Kean sa amin ni blue eyes. "Excuse me, kakausapin ko lang si Papa."


Oi. Oi. Iiwan nya ako kasama si blue eyes? Lumabas na sila ni Bart at naiwan kami ni... Fran. Francis! Naalala ko na. Sikat nga pala 'to. Bakit ba 'to kasama ni Kean?


"You and Kean are really close," komento nya.


In-emphasize nya ang salitang really. Tsk. Iniisip panigurado nito, may relasyon kami ni Kean. Mukha ba talaga kaming bading na dalawa? Hindi ba pwedeng close lang talaga kami dahil magkasundo kami? Nag-umpisa 'to noong highschool. Kung hindi nya lang siguro nakita kung ano ang nangyari sa akin noong araw na yon, hindi siguro kami magiging close na ganito.


"Don't be nervous, I don't bite."


HA?! Niloloko ba ako nitong Kiko na 'to?


"Me? Nervous. No. No. I'm not nervous. Haha!" Ano ba 'tong mga sinasabi ko? Saan ko ba naitago yung mga ingles na natutunan ko? Grabe naman kasi makatingin tong taong to. Sobrang intense, iniintimidate ako. O baka dahil sa blue ang kulay ng mga mata nya kaya ganito ang epekto? Nakaka-intimidate talaga ang aura ng mga sikat na artista.


"It's okay. Nakakaintindi naman ako ng tagalog," sabi nya na medyo slang pa. "Kean seems to like you very much. I'm quite surprised. He's willing to relocate just because you asked him to."


Teka. Teka. Shit. Na-misunderstood nya yung usapan namin ni Kean. Lahat nang ito ay para sa kanila ni Janin. Alam kong kahit papaano ay may clue na si Kean kung bakit ko sinabi yon sa kanya kanina kaya mabilis syang pumayag. Nasabi ko na rin kasi sa kanya sa text message na sa amin nakatira si Janin ngayon. At sa uri ng trabaho na pinasukan ni Janin, pwede silang maging close. Tinutulungan ko lang silang dalawa!


"I admire Kean's bravery for choosing a male partner," patuloy pa nya.


Hindi ko na kayang makinig pa sa sinasabi nya. Si Kean at ako?! No way! Hindi ako gay! At hindi rin gay si Kean! Tinutulungan ko lang sya na magka-lovelife! Bakit nangyayari sa akin ito?! Gusto kong iuntog ang noo ko sa lamesa.


Inabot nya ang kanyang wineglass at sumimsim ng wine. "Can't blame the poor bloke though, it is rare to find someone like you, who looks much more adorable than any woman. Needless to say, you are more convenient too since you cannot get pregnant."


Teka. Teka lang!!! Parang malapit na akong makapanakit ng tao. Nasaan na ba si Kean? Pigilan nya ako! Pigilan nya ako! Masasaktan ko talaga 'tong kaibigan nya!


Huminga sya nang malalim. Pinagsalikop nya ang kanyang dalawang kamay at ipinatong sa lamesa.


"I can almost see your pheromones, it is quite alarming. I think I'm being affected by it too."


Tumayo na ako at naghandang umalis. Bullshit! Ano ba ang pinagsasabi ng foreigner na 'to?


"What do I do? I think I like you too."


Eh?!!!


Ano'ng sabi nya?!!!


Parang lumiwanag ang paligid at nakarinig ako ng mga nagkakantahang anghel. Kinukuha na yata nila ang kaluluwa ko.


 


Continue Reading

You'll Also Like

12.3M 449K 62
"Feel that?" He asked, keeping her hand still. "That's what you do to me. Every time I see you. Every time I hear you laugh. Every time I think of yo...
2.8M 85.2K 39
Felix has been best friends with the big and scary Jason his whole life. However, once Jason's 16th birthday comes by, he drastically changes. After...
1.6M 200K 74
Unicode ၁၉၄၀ခုနှစ်လောက်က ဇာတ်လမ်းတစ်ပုဒ်။ မိန်းမအဝတ်အစား၊ မျက်နှာချေမှုန့်၊ နှုတ်ခမ်းနီရဲရဲတို့ကို နှစ်ခြိုက်ခဲ့သော ယောကျ်ားပျိုတစ်ယောက်၏ အမည်ကား မြတ...
215K 18K 24
မက်မွန်ပွင့်လေးနဲ့တူတဲ့ ကြင်ယာတော်က ချစ်ဦးသူအိမ်ရှေ့စံကို သိပ်ချစ်ပါသတဲ့.. အိမ်ရှေ့စံကရော... __________________________👑 မက္မြန္ပြင့္ေလးနဲ႕တူတဲ့ ၾ...