Dear Ex-Boyfriend

By Alesana_Marie

13.3M 351K 55.8K

Read Dear Future Boyfriend first para di ma-spoil. :) *Nin's Story* [Completed] More

Copyright
Entry #1
Entry #2
Entry #3
Entry #4
Entry #5
Entry #6
Kean
Entry #7
Entry #8
Entry #9
Entry #10
Janin
Entry #11
Entry #12
Entry #13
Kean
Janin
Dylan
Kayleen
Kayleen
Janin
Janin
Janin
Kayleen
Janin
Kean
Dylan
Janin
Janin
Janin
Janin
Janin
Janin
Dylan
Janin
Kean
Dylan
Janin
Kean
Dylan
Janin
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Dylan
Kayleen
Kayleen
Janin
Kean
Janin
Dylan
Leon
Dylan
Janin
Janin
Dylan
Robin
Janin
Dylan
Leon
Leon
Dylan
Dylan
Dylan
Kayleen
Janin
Dylan
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Yohan
Janin
Janin
Janin
Kayleen
Kayleen
Dylan
Janin
*Janin
*Janin
*Janin
*Janin

Kayleen

128K 3.3K 677
By Alesana_Marie

Kayleen


Magkakilala sina Janin at Gio? Matagal na nawala silang dalawa. At ang tanging bumalik lang ay si Gio na mukhang wala sa mood. Ngayon ko lang sya nakitang ganito ang aura. Para bang may mabigat syang problema...


"Gio! Bakit bigla ka nalang umaalis?" inis na tanong ni Trisha, ang bokalista ng banda.


Dinaanan lang sya ni Gio at muling umupo sa harap ng drums. Hinarangan naman ni Warren ang girlfriend nya nang makitang susugod ito kay Gio.


"Trish," tawag ni Ashton. Umiling sya kay Trisha.


Hinawakan na ulit ni Trisha ang mic at para bang walang nangyari na bumalik sila sa pagtugtog.


"Intense," bulong ni Ashleen sa tabi ko. "Ano kaya ang nangyari?"


"Hindi ko rin alam."


Nag-aalala ako kay Janin. Bakit hindi pa sya bumabalik? Ano ang pinag-usapan nila ni Gio? Bakit mukhang wala sa mood si Gio? Ganito ba talaga kalakas ang hampas nya sa drums?


Nilabas ko ang cellphone ko para i-text si Janin. Makalipas ang ilang minuto ay wala parin akong nakuhang reply. Si kuya Dylan ang tinext ko para alamin kung bumalik ba sya sa bahay. Nang mag-reply si kuya, nakumpirma ko na nasa bahay na nga si Janin.


***


Lumabas kami ni Ashleen nang bahay papunta sa swimming pool. May tig-isang tray kaming hawak. Dala namin ang mga cupcakes at juice. Napatigil si Ashleen sa paglalakad at may tinitignan na mukhang di nya nagugustuhan.


"Tignan mo yang mga babaeng yan, kung makadikit sa kapatid ko parang mga linta," sabi ni Ashleen na halatang naiinis.


Naka-upo silang lahat sa may swimming pool kung saan may pabilog na lamesa na may malaking payong sa gitna. Napag-gigitnaan ng dalawang babae si Ashton at nakikipag-usap sa kanya. May nakapasak naman na earphones sa tenga ni Gio habang nakatingin sa kawalan. Si Warren naman ay kausap si Trisha, katabi rin nila ang isang lalaki na bisita.


Bumalik ang tingin ko kina Ashton. Ngiting-ngiti ang dalawang babaeng kausap nya sa kanya. Nakaramdam ako ng inis bigla. Bakit ang saya nila? Parang gusto ko na tuloy umuwi. Kahit di ko maintindihan kung bakit biglang ang sama ng pakiramdam ko... Basta... Naiinis ako kay Ashton ngayon. Ngayon lang yata ako nainis sa kanya nang ganito. Weird. Wala naman syang ginagawang masama.


"Sino ba sila?" tanong ko.


"Members ng fans club ng banda nina Ash."


"Wow. Fans club?" Isang babae ang humampas sa braso ni Ashton. Para bang nag-slow motion ang tingin ko dahil mukhang may kasamang himas ang hampas na yon. Nagtatawanan sila. Naningkit ang mga mata ko.


Tumango si Ashleen. "Iinterviewhin yata nila ang banda."


Naramdaman siguro ni Ashton ang tingin ko kaya napalingon sya sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang hitsura ngayon ng mukha ko, bigla kasi syang nagulat. Kaagad syang napatayo na parang nakuryente sa silya nya. Mabilis nya akong tinungo. Humabol naman ng tingin sa kanya ang dalawang babae. Nakita kong nawala ang ngiti nila nang makita ako.


"Kayleen, tulungan na kita." Kinuha nya ang tray na hawak ko.


"Wow, pagdating kay Kayleen nagiging gentleman ka no? How cute!" may kahalong pang-iinis sa tono ni Ashleen kahit na mukhang masaya naman sya.


Nabawasan ang inis ko bigla.


"Pst! Warren!" tawag ni Ashton sa kabanda nya.


"Bakit?" tanong ni Warren na lumingon sa amin. Tumayo rin sya at lumapit sa amin. Kinuha nya ang tray na hawak ni Ashleen.


"Thank you Warren!" sabi ni Ashleen sa lalaki.


Namula naman si Warren bigla. Nauna syang lumakad pabalik sa lamesa. Sinundan naman sya ni Ashleen.


Tinignan ko si Ashton.


"B-Bakit?"


Hindi ko sya sinagot at naunang maglakad. Bakit ba ako nagkakaganito? Ayoko nang ganitong pakiramdam. Wala ako sa mood bigla. Ayaw ko naman syang awayin pero bakit parang gusto ko syang awayin? Naghahanap ba ako ng away? Hala! Bakit ko sya aawayin? Ano ba ang problema ko?


Nakita kong umupo si Ashleen sa kaninang inuupuan ni Ashton, sa gitna ng dalawang babae. Ang saya ng ngiti nya sa dalawa nyang katabi. Parang nang-aasar. Gusto kong mag-tumbling Gusto ko syang palakpakan!


May nag-iisang bakanteng monoblock chair nalang na natitira, bakit kulang? Nasa tabi ni Gio ang upuan na 'yon. Nang uupo na ako, bigla akong pinigilan ni Ashton. Sya ang umupo sa bakanteng silya.


"Eh?" sambit ko.


Ngumiti naman si Ashton nang pagka-tamis. Tinapik nya ang dalawang hita nya. Gusto nya akong umupo sa mga hita nya?!


"Yun oh!" natatawang sabi ni Warren. "PDA oh."


"Uupo na yan!" cheer ni Ashleen na may kasamang palakpak. "Uupo na yan!"


Namula nang husto ang mukha ko. Hinila ni Ashton ang isang kamay ko kaya napaupo ako sa kanya. Agad naman nyang pinulupot ang mga kamay nya sa bewang ko para di ako makaalis.


"Yes naman! Ang tamis! Ang daming langgam! Woo! Inggit ako!" sabi ni Warren saka umakbay kay Trisha. "Babe, inggit ako."


"Tumigil ka," saway ni Trisha kay Warren.


Nagtawanan sila. Nag-umpisa na silang kumuha ng juice at cupcakes. Samantalang hindi naman ako makagalaw sa pwesto ko. Naiilang ako. Gusto ko na ayaw ko ang pwesto ko. Hindi ako sanay! Ang lapit namin ni Ashton sa isa't-isa. Ramdam na ramdam ko ang dibdib nya sa likod ko. At yung braso pa nyang nakapulupot sa bewang ko.


"Galit ka?" pabulong na tanong ni Ashton.


Ang lapit ng bibig nya sa tenga ko, bigla akong kinilabutan. Ano ba tong pakiramdam na 'to?


"Hindi," bulong ko rin. Hindi ko sya tinitignan.


"Talaga?" humigpit ang yakap nya sa bewang ko.


"Oo nga, kulit." Ayoko syang tignan.


"Ano'ng klase ng cupcake ang ginawa mo ngayon?"


"Peanut butter." Napalunok ako. Ang init ng hininga nya.


"Patikim."


Eeeeeeeeep! Ashton! Nakiliti ako sa boses nya. Bakit ganito?! Namumula na siguro ang mukha ko ngayon.


Inabot ko ang isang cupcake at ibinigay sa kanya.


"Subuan mo ako."


"Ha?" napatingin ako sa kanya bigla.


Kitang-kita ko na nag-eenjoy sya. Ang saya ng mga mata nya. Buhay na buhay.


"Please?" ginamitan pa nya ako ng puppy eyes.


"Uhm..." napatingin ako sa cupcake na hawak ko. Inilapit ko 'yon sa bibig nya habang nakatingin sya sa akin. Kitang kita ko ang mapuputi nyang ngipin na kumakagat sa cupcake. Natulala ako sa bibig nya. Parang slowmotion ang pag-nguya nya. Lumabas pa nang kaunti ang dila nya para dilaan ang itaas na labi nya.


OMG! Hwaaaaaaaaaa!!! Ang init ng pisngi ko!!! Hindi ko na kaya!!!


Kaagad akong kumawala sa yakap nya at tumayo. Nagmamadali akong lumakad papasok ng bahay. Narinig kong tinawag ako ni Ashleen pero hindi ko sya nilingon. Narinig ko naman na kinantyawan ni Warren si Ashton, lagot daw sya dahil galit ako.


Nagmamadali akong pumasok sa banyo. Binuksan ko ang gripo sa sink at naghilamos. Napatingin ako sa salamin. Ang pula ng mukha ko. Mukha pa akong maiiyak. Ano bang nangyayari sa akin? Inayos ko ang sarili ko at hinintay na kumalma ang puso ko. Binuksan ko na ang pinto nang handa na ako.


Nagulat ako nang sa pagbukas ko ay may tumulak sa akin papasok ulit sa banyo. Sinara nya ang pinto sa likod nya. Dibdib lang ang nakikita ko sa harap ko kaya naman tumingala ako para makita ang mukha nya. Bumulaga sa akin ang gwapo at nag-aalalang mukha ni Ashton.


"Sorry," lumapit sya sa akin at niyakap ako. "Galit ka ba? Sorry na. Sorry, hindi ko na uulitin. Sorry Kayleen. I'm sorry."


"Sorry saan?" tanong ko.


"Sa kung anuman na nagawa ko na hindi mo nagustuhan."


"Hindi naman ako galit."


"Hindi?" tanong nya. Tinignan nya ang mukha ko. "Bakit ka umalis?"


"B-Basta lang. Gusto ko lang mag-banyo. Bakit? Masama bang mag-banyo?"


Napangiti sya. "Kahit kailan mo gusto, pwedeng pwede naman."


"Niloloko mo ba ako?" sinimangutan ko sya.


"Hindi, seryosong seryoso nga ako sa'yo."


"Ang korni mo! Nakakainis ka!" hinampas ko sya sa braso nya.


"Bati na tayo?"


"Hindi nga ako galit eh!"


"Bakit ang sama ng tingin mo sa akin kanina?"


"Kailan 'yon?"


"Kanina, habang may dala kang tray. Parang gusto mo ngang itapon sa mukha ko yung mga cupcakes."


"Imagination mo lang yon—"


"Selos ka?"


Sobra akong nagulat sa tanong nya. "HAAA?!"


Hinalikan nya ang ilong ko. "May pawis sa ilong mo. Selosa." Ang lapad ng ngiti nya. Para pa syang matatawa.


"Ashton!"


Bigla nalang nya akong hinalikan sa labi. Matagal. Halos kapusin ako nang hininga sa halik nya. Binuhat nya ako at pinaupo sa sink. Malamlam ang mga mata nya nang titigan nya ako. Magkadikit ang mga noo namin.


"Ikaw lang Kayleen," bulong nya. "Ikaw lang ang babae na nakakapagpabilis nito." Ipinatong nya ang kamay ko sa dibdib nya, sa tapat ng puso nya.


Katulad ng sinabi nya, mabilis nga ang pintig nito.


Muli nya akong hinalikan nang napakatagal. Napasinghap ako nang may pumasok sa bibig ko. Napadilat ako ng mata. Tinapik ko ang kamay nyang nakahawak sa pisngi ko.


"Too soon?" nakangiting tanong nya. "Maybe next time."



***AN

May extra chapters sa book ver na mabibili ang DEAR FUTURE BOYFRIEND. Inilagay ko rin yon sa wattpad, under ng The Wattpad Flipino Block Party. Ito ang link, wattpad.com/154127372. Kaya kung late kayo sa balita na si Trisha and Warren na, need nyo itong basahin. Para rin malaman ang pangalan ng banda nina Ashton.

)) {�(�:ߤ


Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 66.2K 17
Mahal kita, ikaw na best friend ko.
207K 3.9K 21
Dice and Madisson
11.4M 569K 53
Kallaine Seraphina Verlas is a vampire with a white curse-a curse that every creature feared the most. She already accepted her existence alone, trap...
3.2M 271K 54
Jewella Leticia is willing to face the biggest war to rewrite the conflicted past of Nemetio Spiran- a world she thought she would only need to see f...