Dear Ex-Boyfriend

By Alesana_Marie

13.3M 351K 55.8K

Read Dear Future Boyfriend first para di ma-spoil. :) *Nin's Story* [Completed] More

Copyright
Entry #1
Entry #2
Entry #3
Entry #4
Entry #5
Entry #6
Kean
Entry #7
Entry #8
Entry #9
Entry #10
Janin
Entry #11
Entry #12
Entry #13
Kean
Janin
Dylan
Kayleen
Kayleen
Janin
Janin
Janin
Kayleen
Janin
Kean
Janin
Janin
Janin
Janin
Janin
Janin
Dylan
Janin
Kayleen
Kean
Dylan
Janin
Kean
Dylan
Janin
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Dylan
Kayleen
Kayleen
Janin
Kean
Janin
Dylan
Leon
Dylan
Janin
Janin
Dylan
Robin
Janin
Dylan
Leon
Leon
Dylan
Dylan
Dylan
Kayleen
Janin
Dylan
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Janin
Dylan
Janin
Janin
Janin
Dylan
Yohan
Janin
Janin
Janin
Kayleen
Kayleen
Dylan
Janin
*Janin
*Janin
*Janin
*Janin

Dylan

151K 4K 614
By Alesana_Marie

Dylan

Kanina ko pa pinagmamasdan ang monitor ng computer ko at hinahanap kung saan ang error ng code ng program na ginawa ko. Saan ba ako nagkamali? Bakit ayaw mag-run? Hindi pa ako natutulog dahil sa project na 'to. Puro kape na ang dumadaloy sa katawan ko. Kailangan ko tong tapusin ngayong araw.

"Kuya!!!"

Bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok ang kapatid kong si Kayleen. Mukhang kakauwi lang nya mula sa date nila ng boyfriend nya. Stab. Pakiramdam ko tumusok sa puso ko sa tuwing naiisip ko na may boyfriend na ang kaisa-isa kong kapatid. Sya ang prinsesa ng pamilya at ngayon... may prinsipe na sya.

Ang bilis ng panahon. Dalaga na nga sya talaga. Ang sakit ng ulo ko.

"Totoo ba?!"

"Ang alin?" Hinubad ko ang salamin ko at hinarap sya ng tuluyan. Kanina pa sumasakit ang mga mata ko dahil sa masyadong pagtutok sa screen ng computer.

"Na may date kayo ni Ashton sa Saturday?!"

"H-Ha?" Mas lalong sumakit ang ulo ko.

"Totoo ba? Totoo ba kuya?!"

Heh. Naisipan kong oras na siguro para makilala ko nang tuluyan si Ashton. Matagal ko na syang kilala pero di ko sya ganoon nakakausap. Bukod sa age gap namin, iba ang mundong ginagalawan namin pareho. Kaya ni minsan hindi kami nag-usap nang matagal. Kapag may family dinner kasama ang pamilya nila, saka lang din kami nagkikita. Kulang ang mga impormasyon na alam ko tungkol sa taong dine-date ng kapatid ko.

"Oo," sagot ko sa kanya. Ang totoo nyan, maglalaro lang naman kami ng computer game ni Ashton. Kailangan ko ng tester sa software na ginawa ko. Kung wala lang trabaho si Kean, sya sana ang papupuntahin ko. Pero busy sya ngayon dahil sa movie. Malayo na talaga ang narating ng kaibigan ko na yon.

"Hwaaaaaa!" Hindi ko alam kung sigaw ba ni Kayleen yon o expression nya. Minsan nakikita ko si Ashleen sa kanya. "Inggit ako! Pwede ba akong sumama?"

"Dito lang naman yon sa bahay Kayleen. Pero hindi ka pwedeng dumikit sa amin. May pag-uusapan kami. Doon ka muna kina Ashleen, mag-bonding kayo."

"Okay. Pero tungkol saan ang pag-uusapan nyo ni Ashton?" Kuminang ang mga mata nya dahil sa curiosity.

Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya. "Usapang lalaki sa lalaki," seryoso kong sabi.

Walang kapatid na lalaki si Ashton. Hindi ko alam kung ano ang papanaw nya sa mga bagay bagay. Lumaki naman sya sa maayos at mapag-mahal na pamilya. Pero iba ang mga isip ng kabataan ngayon. Mapusok. Ayokong may mangyari... si Kayleen at sya. Hindi ako papayag. Hindi ko iiwan ang prinsesa namin sa kamay ng isang... lobo. Sobrang sakit na ng ulo ko.

"Pagagalitan mo ba sya kuya?" inosenteng tanong ng kapatid ko.

"May dahilan ba para pagalitan ko sya?" tinignan ko sya ng diretso sa mga mata. May dapat ba akong malaman? Late na ba ako sa plano ko? Shit!

"Wala naman, pero alam ko kasi na nagtatampo ka dahil masyado na akong busy sa kanya."

"Hindi ka lang naman busy dahil sa kanya," buntong hininga ko. "Busy ka rin kay Gino." Isa pa yung mokong na yon. Mas madalas pa yatang bumisita yon dito kaysa kay Ashton. Tuwing umaga, nakikita ko na sya sa kusina na nakaabang sa ginagawang cookies o cupcakes ni Kayleen. Dati ako ang nauunang tumikim sa mga na-bake ng kapatid ko pero inagaw nya 'yon sa akin. Kailangan ko rin yatang kausapin nang masinsinan ang isang 'yon. Lalaki sa lalaki.

"Sino'ng Gino kuya?" natatawa nyang tanong.

"Yung lalaking pumupunta rito dahil sa cookies mo. Yung lalaking may kasamang bodyguard palagi." Bakit nga ba palaging may bantay 'yon?

"Ah. Si Gio, pero alam mo naman kuya diba? He's a growing boy."

"Boy? Nakita mo ba kung gaano katangkad ang taong yon? Mas matangkad pa sakin yon eh. Hwag mong sabihin na growing boy parin yon. Hwag mong sabihin na plano mong palakihin yon hanggang seven feet?"

"Hala. Oo nga kuya, mas matangkad nga sya sa'yo. Ngayon ko lang napansin."

"Anyway Kayleen, may gusto lang akong sabihin kay Ashton. Kaya kung okay lang, hwag muna kayong mag-date ng isang araw. Isang araw lang naman, palagi kayong magkasama araw-araw."

"Sobra ka kuya," namula ang pisngi nya. "Hindi kaya! Magkasama rin kami ni Ashleen madalas."

"At saan kayo tumatambay ni Ashleen?"

Ngumiti sya. "Sa bahay nila."

"Sa bahay nila ni Ashton."

Ngumuso sya. "One month nalang ang natitira sa summer vacation namin kaya sinusulit na namin. Alam mo naman na malayo ang school ni Ashton. Di kami palagi magkikita."

Mas lalo akong kinabahan sa sinabi nya. Baka may gawin pa silang hindi pa pwede dahil sa pagka-miss nila sa isa't-isa. Kailangan ko talagang makausap si Ashton. Kailangan ko syang kausapin nang masinsinan. Lalaki sa lalaki.

"Kuya naligo ka na ba?"

Tumingin ako sa orasan. Alas-dos na pala ng hapon. Bukod sa french toast na kinain ko kaninag umaga, hindi pa ako kumakain ng lunch. Kaya pala sobrang sumasakit na ang ulo ko. Kailangan ko na rin matulog. Napatingin ako sa monitor ng computer ko. Hindi ko parin makita ang error. Damn.

"Kumain ka na ba kuya? Natulog ka ba?"

Ngumiti ako. Ang sarap sa pakiramdam kapag nakikita kong nag-aalala sa akin ang kapatid ko. Kahit wala akong girlfriend, may babae naman na nagmamahal sa akin nang ganito.

"Yuck kuya, ang baho mo na."

Ang sweet talaga nya sa'kin. In-off ko ang monitor at tumayo na. Mabilis kong niyakap si Kayleen.

"Talaga? Mabaho ako? Amuyin mo nga ulit! Mabaho pala ha! Hahahaha!"

"YUUUUUUUUUCK!!! KUYA!!! KADIRI!!! HINDI KA PA NALILIGO!!! YUUUUUCK!!!"

Tumakbo sya palabas ng kwarto ko nang makawala sa yakap ko. Malakas ang reklamo nya sa akin. Ang saya talaga magkaron ng nakababatang kapatid. Nakakawala ng stress.

Pagkatapos kong maligo dumiretso na ako sa kusina. Nakita kong may tray ng cupcakes doon na naghihintay sa akin bilang dessert.






***AN


Mian. Nagkaron ako ng writer's block at naging busy kaya natagalan ang UD. Hahaha!

Continue Reading

You'll Also Like

256K 14K 11
This is pure fiction. Please don't make me repeat myself.
281K 17.7K 36
When Raeliana Lovis Nestania finds out about her tragic death as the next queen of her empire from a fortune teller, she runs away to take her fate i...
567K 20.7K 30
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...