Chapter 119

533 34 38
                                    

Ilang araw ang lumipas at heto't balik paaralan na!

Kasalukuyan kaming nandirito sa quadrangle dahil magsisimula na ang flag ceremony. Kararating lang namin dito. Marami pang mga estudyante ang patungo pa lamang.

"My gosh! Namiss ko 'to!" Sigaw ni Erika.

"Ako? Namiss mo ba ako?" Biglang tanong sa kaniya ni Alvin.

"Ay syempre. Super kitang namiss. Lab you."

Napangiti si Alvin. "Lab you, too."

"Yuck!"

"Kadiri niyo!"

"Pwee!"

Nandidiri ang mga reaksiyon ng mga kaklase ko. Napangiti lang ako.

"Mga bitter kayo! Palibhasa wala kayong lovelife!" Sigaw ni Erika.

Hanggang sa nagsunod-sunod na naman ang debate nila dahil lamang sa 'lab you' ng mag-jowa naming kaklase.

Siguro natigil lang sila nang dumating na ang grupo ng mga taga-Special Section. Umiwas ako ng tingin sa kanila. Nandiyan kasi si Dominic at naalala ko ang sinabi sakin ni Ashley.

Tumikhim bigla si Rose Ann kaya napatingin ako sa gawi niya. "Bakit ka nakatingin kay Trisha?" Tanong niya kay... Dominic.

Shemay! Ano raw?! Nakatingin sakin?

Pasimple akong tumingin sa kaniya---nasa unahan kasi siya sa kanilang line. Saktong nakatingin naman siya kay Rose Ann na halos katabi niya lang.

"Bakit? Bawal ba?" Seryuso niyang tanong kay Rose Ann.

Shemay! Bakit siya ganiyan?

"Oo! Bawal," may diing sabi ni Rose Ann.

"Tss." Biglang tumingin sakin si Dominic saglit at saka na deritsong nakatingin sa stage.

Magsasalita pa sana si Rose Ann nang saktong nagsimula na ang flag ceremony.

***

Pagkatapos ng flag ceremony, balik agad sa classroom. At dahil balik eskwela, usapan dito, usapan doon. Kaliwa't kanan na parang walang kataposang kwentuhan tungkol sa kani-kanilang bakasyon. Nag-uusap naman kami ni Maria tungkol sa naging Christmas vacation namin ngunit hindi gaya nung iba na parang walang katapusan. Kung sa bagay ay wala namang masyadong kakaibang nangyari sakin nung Christmas vacation.

Yung kwentuhan ng mga kaklase ko ay minsan ay may halong pang-aasar na rin.

"O Rose Ann, kumusta? Tumalon ka ba nung new year?" Tanong ni Mario.

"Syempre oo!"

"Aba. Umaasa ka talaga na tumaas ka pa no? Pandak ka na habang buhay," pang-aasar pa ni Mario.

"Ay wow. Bakit? Ikaw? Hindi ka ba tumalon?" Tanong ni Rose Ann.

"Hindi. Hindi ako naniniwala sa ganiyan. Kung talagang tataas pa, e de tataas. Kung hindi na talaga, wala akong magagawa. Tanggap ko na ngayon pa lang," kampanteng sabi ni Mario.

"Tss. Hindi ako naniniwala. Paniguradong tumalon ka nung new year. Hmp. Di ko mo mauuto," ani Rose Ann.

"Uy, Steven. Pahingi ng papel mamaya ha? Baka magpa-essay kasi tungkol sa naging Christmas vacation natin," rinig kong sabi ni Niño kaya napunta sa gawi niya ang atensiyon ko.

"Ano? Hingi papel naman? Bago taon hingi papel ka parin? Bili ka," inis na sabi ni Steven.

"Hay naku. Nag bagong taon lang, naging madamot ka ng Tsinoy ka."

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now