Chapter 74

584 23 2
                                    

Uwian na. Tapos na kaming mag-sweep.

Kinuha ko na ang bag ko para umuwi na.

"Trisha," tawag sa akin ni Rose Ann.

Napalingon ako sa kaniya. "Bakit?"

"Huwag na huwag kang magkaka-crush kay Dominic," seryuso niyang sabi.

Hindi ako nagsalita. Bakit bigla niyang nasabi 'yan? Wala namang nag-uungkat niyan ah? Baka hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya ang narinig niya kanina.

"Huwag na huwag kang papadala sa pagakakagusto niya sa 'yo. Maliwanag?"

Napatango ako.

"Huwag kang mafa-fall sa kaniya. Maliwanag?"

Tumango ako ulit.

"Maliwanag?" Pinandilatan niya ako ng mga mata.

"O-oo. Maliwanag," sabi ko. Bakit kailangan pa akong pandilatan ng mata? Katakot tuloy.

"Good," aniya. "Sige. Uwi ka na. Ako na bahala magsara ng classroom."

Tumango ako at agad na lumabas.

Nginitian ako ni Maria. "Parang nanay mo siya kung makaasta," pabulong niyang sabi sa akin. Napatawa kaming dalawa ng palihim. Mahirap na kung malaman ni Rose Ann na siya pala ang tinatawanan namin.

Sabay na kami ni Maria na lumabas ng campus. Habang naglalakad kaming dalawa, napansin ko na nakangiti siya. Nagtaka ako kasi hindi naman siya nagbabasa ngayon ng wattpad. Kadalasan kasi napapangiti siya sa tuwing nagbabasa ng wattpad.

"Maria," tawag ko sa atensiyon niya.

"Hmm?"

"Ano ang iniisip mo? Pangiti-ngiti ka kasi ngayon. Hindi ka naman nagbabasa ng wattpad."

Napahinto siya sa paglalakad kaya huminto rin ako. Hinarap niya ako.

"Nakakakilig lang isipin na may gusto pala sa 'yo si Dominic na taga-Special Section. Tapos tutol yung mga kaklase natin. Tapos ikaw, simple lang na babae. Yieee~ parang yung nababasa ko sa wattpad," nakangiti niyang paliwanag

Napangiwi naman ako. Shemay. 'Yan pala ang nasa isip niya?

"Alam mo, Maria, nasobrahan ka na ata sa kaka-wattpad mo," sabi ko sa kaniya.

"Ayiee~ Trisha. May nagkakagusto sa 'yo na taga-Special Section tapos siya pa yung top 1 sa batch natin. Yiee."

Napalingon ako sa paligid. "Shh! Baka may mga kaklase tayo sa paligid. Kapag marinig ka nila na tinutukso-tukso mo ko ng ganiyan, magagalit mga 'yun. Alam naman natin na kumukulo ang dugo ng mga nun pagdating sa Special Section," saway ko sa kaniya.

Tumango na lang siya. "Eh, paano si Enrico?"

"Ha?"

"Paano ngayon si Enrico na may umamin sa 'yo na taga-Special Section? Diba crush mo siya?"

"Malamang crush ko pa rin. Walang magbabago," sagot ko. Ano ba naman kasing iniisip ni Maria?

"Hmm... Okay." At naglakad siyang muli.

Ano kayang nasa isip ng babaeng 'to? Masyado atang naimpluwensiyahan ang pag-iisip niya sa pagbabasa ng wattpad.

***

Kinagabihan, bago ako matulog, nag-online muna ako sa Facebook. At boom! Tadtad ako ng message mula sa mga kaklase ko. Lahat ng message nila sa akin ay patungkol sa nangyari kanina. Kesyo layuan ko si Dominic ganito-ganiyan. Maski sa group chat namin, iyon ang topic nila. Hindi ko na lang binasa.

Ini-scroll ko pa pababa kung sino ang mga nag-message sa akin. Mga taga-Special Section din. Nagmessage sila sa akin. Kesyo kinikilig daw sila sa nangyari kanina. May emepal nga lang daw na mga kaklase ko.

Hindi ko na binasa ang lahat ng message. Inaantok na rin ako kaya nag-offline na ako at natulog.

***

Dumaan ang ilang araw. Nag-cha-chat sa akin ang mga taga-Special Section. Minsan, nagre-reply ako. Minsan, hindi. Depende sa mood, at sa message. Hindi ko nga lang alam kung alam ba ng mga kaklase ko na nagkaka-chat kami ng mga taga-Special Section. Pero mukhang hindi. Kasi kung nalaman nila, debate na naman ang ganapan.

Lunch break. Tapos na kaming kumain at mag-sweep. As usual, kaniya-kaniya na naman ng buhay.

Icheneck ko muna ang notes ko sa mga susunod na subjects. Baka kasi mag-quiz. Pero wala naman kaming ganoon na bagong lessons. Kaya magfa-Facebook na naman ako. Ano pa ba ang gagawin ko?

Pagka-online ko, scroll-scroll. Wala naman kasing nag-message sa akin. Basa-basa ng memes kahit minsan ay hindi ko gets.

Sa gitna ng pagi-scroll ko, biglang may nag-message. Tiningnan ko kung sino. At shocks! Si Dominic!

Ngayon lang ulit siya nag-chat sa akin mula noong gabi na umamin siya sa chat. Kaya napapaisip ako kung ano naman kaya ang kailangan nito ngayon?

-----------C H A T------------

Dominic Michaels
[Hello.]

Trisha Gonzaga
[Hello.]

Tapos nang-seen lang. Naghintay pa ako ng halos isang minuto. Pero kahit 'typing' ay wala. Active pa rin naman siya hanggang ngayon. Parang nahiya tuloy ako. Parang ako yung unang nag-message tapos sineen niya lang. De wow. Hindi na ako mag-rereply sa susunod.

Inilapag ko muna ang cellphone ko sa arm chair at nag-CR muna.

Pagkalabas ko, nakita ko na si Rose Ann na hawak-hawak na ang phone ko at may ini-scroll. Nakakunot ang noo niya habang titig na titig sa screen.

Naku po! Baka binabasa niya ang convo namin ng mga taga-Special Section! Paniguradong sasabog sa galit na naman si Rose Ann.

Agad akong lumapit sa kaniya. Tumikhim ako para makuha ko ang atensiyon niya at nagtagumpay naman ako. Napalingon siya sa akin habang kunot ang noo.

"Ka-chat mo ang mga taga-Special Section?!" Halos pasigaw na tanong niya sa akin.

Hoo! Parang malalaglag ang puso ko sa ginawa niya. Huhuhu. Sana pala ibinack ko papunta sa home screen, ini-off ang data at ibinulsa ko ang phone ko para hindi niya nabasa 'yan. Bakit kasi ang tanga ko?

Dahil sa pasigaw na tanong ni Rose Ann sa akin, nakita ko sa mula sa likod ni Rose Ann na napatayo si Julie Ann.

"Ano?! Ka-chat mo, Trisha, ang mga special child na mga 'yun?" Hindi makapaniwalang tanong ni Julie Ann.

Hindi ako nakasagot. Naku po! Patay ako nito ngayon.

Ibinalik ni Rose Ann ang tingin niya sa screen ng phone ko. Nanlaki pa ang kaniyang mga mata ngayon at napatingin sa akin.

"At ka-chat mo ngayon lang si Dominic?!" Parang kulang na lang ay kainin na ako ni Rose Ann. Galit na siya. Huhu.

"Oh no! Nilalandi ng Dominic na iyon ang Trisha natin!" Sigaw ni John Rey.

Teka ano raw? Nilalandi? Hala.

Pero shemay! Sineen na nga lang ako ng Dominic na 'yon e.

Napailing ng marahas si Rose Ann.

"Hindi ito maaari!" Sigaw niya.

°°°°°

Okras and SpecialsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon