Chapter 40

731 30 4
                                    

Nandito na kami ng ngayon sa quadrangle kasama ang mga kaklase kong kasali sa zumba. Marami na ring mga estudyante na mga naka-zumba attire ang nandito.

"Teka lang, Trisha. May kakausapin lang ako," mahinhing paalam ni Maria sa akin.

Tumango lang ako. Pagkatapos ay umalis si Maria at may kinausap siyang mga babae na naka-zumba attire din.

Nag-iisa na lang ako ngayon. Yung ilan kong kaklase ay nagkanya-kanya. Kausap nila yung mga kaibigan nila na hindi namin ngayon classmate.

Nagmasid-masid na lang ako sa paligid ko. Parang ako lang ata ang walang makausap dito. Habang yung paligid ko, hindi na magkaunda-ugaga sa usapan ng mga magka-kaibigan o magka-klase.

Napayuko ako nang makita ko na hindi maayos ang pagkakatali ko sa sintas ng kanang sapatos ko. Inayos ko ito. Habang inaayos ko ang sintas ko, may lumapit sa akin na siguro ay babae dahil sa kulay ng suot nitong rubber shoes na pink. Napatingala ako kung sino. Si Megan pala. Nakatingin din siya sa akin.

Naka-zumba attire na rin siya. Kita ngayon ang ganda niya. Maputi siya.

Agad kong tinapos ang pag-aayos ng sintas ko at tumayo para harapin siya.

"Hi, Trisha," bati niya sa akin.

"H-Hello," nauutal kong bati rin sa kaniya.

Ano kaya kailangan niya sa akin?

"Sorry nga pala," aniya.

"Huh?" Clueless ako.

"Nagsinungaling ako sa 'yo noong mga nakaraang araw. Yung tinanong kita sa kung anong activity sumali sila Rose Ann at Julie Ann."

Napatango ako ng dahan-dahan ng maalala ko na ang ibig niyang sabihin. Aish! Para nga akong nauto ni Megan. Sabi niya kasi sa akin ay ayaw niya na makasama sa iisang activity sina Julie Ann at Rose Ann.

Ngumiti siya bigla ng mapansin niya na tila wala akong balak magsalita. "Sorry, Trisha. Actually, kaya ko iyon tinanong kung anong activity sinalihan nila ay para makasali rin ako sa kung saan sila sumali. Alam mo na. Hindi ko aatrasan yun dalawa mong kaklase," aniya at halos ibulong na niya ang panghuling sinabi niya.

Napangiti ako ng pilit. Parang walang pinagkaiba pala itong si Megan kay Rose Ann.

"Sorry na, Trisha," pagso-sorry niya at tila nagpapa-cute pa.

Tumango ako.

"Yiee. Ikaw lang talaga ang nag-iisang kaibigan ko sa section niyo," nakangiti niyang sabi sa akin.

Ngumiti ako. 'Hehe. Smile, Trisha. Smile ka lang,' sabi ko sa isip ko. Tila nawala yung dila ko ngayon. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko.

"Oh! Nandito na pala ang special child na ang pangalan ay Megan."

Napalingon naman kami agad ni Megan sa nagsalita. Si Julie Ann.

"Oh. Hi, Okrang Julie Ann," bati ni Megan habang kinawayan pa niya si Julie Ann.

Bigla namang sumama ang tingin ni Julie Ann. "Tse! Pangit ka namang sumayaw."

"Aba. Nagsalita ang akala mo naman ay posteng sumasayaw," kalmadong sabi ni Megan.

"Tss. Tingnan na lang natin kung sino sa ating dalawa ang matigas ang katawan sa pagsayaw," napairap na sabi ni Julie Ann.

"Sige ba," nakangising sambit ni Megan.

Maya-maya lamang ay nagsimula na pagsasayaw. Pinagtipon-tipon na ang bawat grupo kaya dumating sina Caroline at si Rose Ann kay nagkaroon na naman ng tensyon. Maya-maya lang ay dumating na rin si Maria.

Unang magpe-perform ay ang Grade 12 at susunod kami kaya ang pinaka-last na magpe-perform ay ang Grade 7. Kaya kabadong-kabado na kaming Grade 11. Kaya nang magperform na ang Grade 12, sobrang kabado na ako. Pero sina Megan, Caroline, Julie Ann, at Rose Ann naglalaitan. Kesyo pangit daw sumayaw ganun-ganiyan. Haays.

Nung matapos na ang Grade 12 at tinawag na kaming Grade 11, mas lalo ko pang narinig ang kabog ng dibdib ko. Grabe. Sobrang kaba ang tanging nararamdaman ko ngayon.

Pumunta na kaming Grade 11 sa gitna ng quadrangle. Kung ano ang pwesto namin noong nagpractice kami ay s'yang pwesto namin ngayon. Maraming tao ang nanonood idagdag mo pa ang mga sasayaw ng zumba ng bawat grade level. Mabuti na lang at hindi ganoon karami ang mga kalalakihan na nandito. Siguro ay nasa gym sila dahil sa pagkakaalam ko ay nagkakasabay na magsisimula ang zumba at ang basketball.

Nang magsimula na ang music ng sayaw namin, sinabayan namin ito. Nagpalakpakan ang mga manonood.

Naging maayos naman sa una ang pagsasayaw namin lalo na sa mga katabi ko. Pero nang nasa kalagitnaan na ng sayaw namin, namalayan ko na lang na ibang steps na ng sayaw ang ginagawa ng apat na nasa tabi ko. Ang malala, iba-iba na sila ng sayaw.

Nagsisigawan na ang mga manonood at ichene-cheer nila ang apat. Napahinto ako sa pagsasayaw ng mapalingon ako sa kanila. Hindi ko na maintindihan pa ang sayaw nilang apat.

Si Rose Ann, tila nagba-ballet na. Si Julie Ann, nagbubudots na. Si Megan, todo-todo ang galawan kahit hindi naman ganoon ang steps namin sa zumba. At si Caroline, parang nasa disco-han kung sumayaw.

Mapapasabi ka talaga na hindi na talaga umaayon ang sayaw nilang apat sa musika ng zumba namin. Beautiful Life by Sasha Lopez yung music tapos yung steps ng sayaw nila ay ballet, budots, at kung ano-ano pa. Grabe.

Napapalingon ang mga iba pang Grade 11 na kasali rin sa pag-zumba. Ang ilan nga ay napapahinto na rin. Samantala, hindi magkamayaw naman ang mga manonood. Todo cheer pa nga e.

Hindi ko na alam ang gagawin. Tiningnan ko na lang yung apat hanggang sa matapos ang sayaw. Yung apat naman, nag-bow pa.

Ano ba nasa isip ng mga 'to?

"Whoooo! Ang galing niyo!" Sigawan ng mga manonood.

Hindi ko alam ang ire-react ko.

"Okay. Mukhang nasobrahan sa energy ang ilang Grade 11 zumba dancers natin," ani ng emcee sa stage.

Nakakahiya!

"Palakpakan naman natin ang Grade 11! Ang galing nilang sumayaw! Sa sobrang galing, hindi ko na naintindihan ang sayaw nila," dugtong pa ng emcee.

May ilang napatawa pa habang pumapalakpak.

Yung apat naman, nagtatarayan pa sa isa't isa. Hindi ba sila nahihiya sa ginawa nila?

Umalis na kami sa gitna ng quadrangle dahil tinawag na ang Grade 10 dancers. Hindi muna kami nagsibalik sa aming classroom dahil kailangan na manatili lang kami sa may quadrangle hanggang sa makapag-perform na ang lahat para hindi mawala ang mga manonood.

Ipinukos ko na lang ang atensyon ko sa panonood ng ibang performers upang hindi ko maalala ang kahihiyan kanina nung nagpe-perform kami.

¤¤¤¤¤

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now