Chapter 47

711 26 0
                                    

Hapon na. Second subject na namin ngayong hapon. Kasalukuyan kaming nagsusulat ng notes namin. Nakasulat sa manila paper ang kinokopya namin. Habang si Ma'am Joy Bueno na kasalukuyang guro namin sa subject ngayon ay busy sa kaniyang lesson plan sa kakasulat. Ayaw niyang magpa-isturbo at ayaw niya ng ingay kaya tahimik na nagsusulat kaming lahat.

At dahil tahimik ang mga kaklase ko, maganda ang mood ko ngayon. Namamalayan ko na nga lang na malapit na akong matapos sa pagkopya ng notes. Hanggang sa natapos na nga ako. Napalingon ako sa iba kong kaklase. Busy silang lahat sa pagsusulat.

Haaay. Sana palagi na lang ganito na tahimik.

Kaso mayamaya lang, bigla kaming nakarinig ng tugtog. Sa una medyo mahina pa ito at naiintindihan kaya hindi lang namin pinansin masyado. Pero nang nagtagal, lumakas ito at parang magpa-party na.

"Saan 'tong tugtog na ito?" Tanong ni ma'am habang patuloy na nagsusulat sa kaniyang lesson plan.

Nagkatinginan kami ng mga kaklase ko. Habang si Rose Ann, napatayo pa para pakinggan ng maayos.

"Aha! Diyan sa kabila! Sa Special Section," ani Rose Ann.

Huminto muna si Ma'am Bueno sa pagsusulat at itinaas ang kaniyang paningin sa amin. "Pakisabihan sa kanila na mamaya na sila mag-ingay. Nadi-distract kasi ako," seryusong sabi ni ma'am at muling bumalik sa pagsusulat.

Hindi ako umiimik. Siguro sila Rose Ann na ang pupunta sa kabila para pagsabihan.

Napansin ko na inilibot ni Rose Ann ang kaniyang paningin sa loob ng classroom namin----sa aming mga kaklase niya. Hanggang sa nadako ang tingin niya sa akin.

"Trisha," tawag niya sa akin, "Ikaw na ang pumunta sa kabila."

Medyo nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "A-ako?"

"Oo. Ikaw. Sige na. Puntahan mo na. Ang ingay nila."

"Pero bakit ako?" Tanong ko sa kaniya.

"Aish. Basta ikaw. Tapos ka na kasing magsulat. Nagsusulat pa kasi kami," aniya at umupo agad at bumalik sa pagsusulat.

Nagpalinga-linga ako sa mga kaklase ko. Lahat sila ay busy sa pagsusulat. At patuloy rin ang ingay sa kabila.

"Sige na, Trisha. Puntahan mo na. Ang ingay eh," utos ni Rose Ann.

Okay. Wala akong ibang nagawa. Tumayo na lang ako at lumabas ng classroom. Sana pala hindi ko binilisan ang pagsusulat. Haays.

Huminto ako sa tapat ng nakasarang pinto ng Special Section Classroom. Dinig na dinig ko ang ingay nila sa loob.

Huminga muna ako ng malalim at kumatok ako. Hindi ko alam kung may nakapansin ba sa kanila sa loob sa pagkatok ko. Pero naghintay ako ng ilang segundo. Nang hindi pa ito bumubukas, itinaas ko na ang kamay ko upang kumatok ulit sa pinto.

Kaso hindi pa nga dumadampi ang kamay ko sa pinto para kumatok nang bigla itong bumukas. Para akong naging istatuwa nang biglang bumukas ang pinto at nang makilala ko kung sino ang nagbukas kaya para akong ewan.

Si Dominic.

"What?" Seryuso niyang tanong sa akin.

Tumayo ako ng maayos. "A-ano... uhm..." aish! Ano nga ulit yung sadya ko rito? Kainis! Nakalimutan ko pa!

Napatingin ako sa likod ni Dominic. Nakikita ko sa loob ng classroom nila na medyo magulo ang classroom nila lalo na't wala ata silang teacher ngayon. May naggi-guitara, may ginagawang drums ang teacher's table, may nagpapatugtog ng keyboard at lahat ng iyon ay kanya-kanya lang ng mundo. Walang pagkakaisa ng tugtog kaya wala akong maintindihan.

Okras and SpecialsМесто, где живут истории. Откройте их для себя