Chapter 105

722 35 24
                                    

"Ang lakas ng ulan ngayon," mahinhin na sabi ni Maria nang makasilong na kami sa waiting shed na katabi lang ng paaralan namin.

Tumila na kanina ang ulan. Pero bumuhos ulit itong malakas na ulan. Kaya maraming estudyante ngayon ang narito sa waiting shed para sumilong dahil walang mga payong kagaya ko. Hindi ko kasi nadala ang payong ko. Pero maydala si Maria at pinasukob niya ako patungo rito sa waiting shed. Dito na raw siya maghihintay dahil sasabay na siya sa mama niya na umuwi.

"May assignment ba tayo?" Tanong sa akin ni Maria.

"Uhm... Yung pinapag-isip na tayo ng topics natin para sa Practical Research. Yun lang naman. By group nan 'yun eh," sagot ko.

Napatango siya. "Diba ikaw yung leader sa group 1?"

"Oo." Nagkaroon na kami ng grupo para sa research namin. Apat na grupo ang binuo. Binubuo ng lima hanggang anim na myembro kasama na ang leader.

"Sus. Siguradong may mga naiisip ka na na topics," aniya.

"Wala pa. Wala pa akong naiisip na topic no. Ang hirap kaya mag-isip ng topics dahil kailangan alam mo na may sapat kang resources tapos dapat alam mo na kung sila sino ang magiging respondents na madaling mahanap."

Yung grupo namin sa Practical Research I ay ganoon din ang mga kagrupo namin sa Pananaliksik para hindi malito. Kaso nga lang ay dapat magkaiba ang topic na gagawin namin sa dalawang research para hindi translated lang ang mapasa sa Pananaliksik.

"Kung sa bagay. Sana may naiisip na si Pauline na topic namin."

Si Pauline naman ang leader nila Maria. Tapos yung dalawa pang leader ay sila Rose Ann at Jane.

Napapatingin kami ni Maria sa mga eatudyanteng narito na kasama ang kani-kanilang jowa, nagse-cellphone lang o 'di kaya naman ay sinusundo ng kanilang kapatid.

Haaay. Hindi pa ba titila ang ulan? Gusto ko nang umuwi.

"Trisha," tawag sa akin ni Maria kaya napalingon ako sa kaniya. "Ikaw ha. Yiee."

Napakunot ako ng noo ko.

Bahagya siyang lumapit pa sa akin. "May pasukob-sukob na kayo ng payong ni Dominic kanina."

Nagpalinga-linga ako bigla. "Ano ka ba, Maria. Baka may kaklase tayo diyan. Baka pagalitan pa tayo rito."

Mahinhin siyang napatawa. "Yiee. Kilig ka lang eh."

"Psh. Ikaw nga 'tong kinikilig."

"Kinikilig kasi ako sa inyong dalawa."

Napailing na lang ako.

Bigla naman niyang ipinulupot ang kamay niya sa braso ko. "Yieee. Dominic~" pabulong niyang panunukso sa akin.

Pinigilan kong mapangiti. "Ano ka ba."

"Crush mo na siya?" Bigla niyang tanong.

"Shh. Hindi ah."

"Sus. I-crushback mo na kasi siya."

Hindi na lang ako nagsalita. Bahala siya riyan.

Ilang sandali pa ay biglang may huminto na itim na kotse sa tapat mismo nang waiting shed na sinisilungan namin. Mukhang may isa rito ang susunduin nito.

Bumaba ang window ng kotse at halos ma-estatuwa ako rito nang makita ko na si Dominic ang nasa may passenger seat nito. Nakatingin siya ng deritso sa akin.

Naramdaman mo ang paghigpit nang pagkakakapit ng kamay ni Maria sa braso ko. "Yiee. Si Dominic na naman," rinig kong sabi ni Maria.

"Trisha," tawag sa akin ni Dominic.

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now