Chapter 141

274 19 11
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa namalayan ko na lang ngayon na tila masiglang-masigla ang buong campus. I mean, iba ang sigla ngayong araw. May tugtugin sa stage, mga estudyanteng may dalang teddy bear o rosas ang ilan, tapos tila kakaibang awra ng mga tao. Okay. Baka may nakakalimutan akong event. Pero ano nga? Shemay naman.

Pagka-ring ng bell para sa recess time, agad naman na umalis ang guro namin at nag-recess ang mga kaklase ko. Niyaya ako agad ni Maria sa canteen. Nagugutom daw siya dahil hindi na naman siya kumain bago pumasok.

Kumukuha ako ng pera ko sa bag ko nang biglang nag-“ayiee” ang mga kaklase ko. Napalingon ako sa mga kaklase ko at nakita ko si Alvin na binibigyan si Erika ng maliit na teddy bear na kulay pink at may chocolates. Kita naman na kilig na kilig si Erika nang tanggapin niya ang mga iyon.

“Sana all!” Sigaw ng karamihan kong kaklase.

“Sus! Walang forever! Masaya lang kayo ngayon, tapos wala na. Hmp!” pagka-bitter na sabi ni Jane.

“Ehem! Penge tsokolit,” sigaw ni Niño.

“Hindi tsokolit yun. Tsekolit,” pagtatama naman ni Steven sa kaniya.

“Tsekolit ka diyan. Tsokolit!” Hanggang sa nagtalo na naman sila dahil sa pagkain.

Wait. Parang alam ko na yung event ngayon. Kaso nakakalimutan ko yung pangalan kaya napatanong ako agad kay Maria. “Ano nga ulit ang mayroon ngayon?”

“Valentine’s day. Nakalimutan mo?”

Napakamot ako sa ulo ko. ”Siguro,” natatawa kong sabi.

Natawa rin si Maria. “Tara na nga lang sa canteen. Nagugutom na ako e."

Then agad kaming umalis. Halos kahit saan kami lumingon habang patungo sa canteen ay may mga estudyanteng may hawak na mga teddy bear or chocolate especially sa mga girls. Maski sa loob mismo ng canteen ay ganun din. Edi sila na.

Kapansin-pansin pa nga na hindi ganon karaming estudyante ngayon dito sa canteen. Baka dahil puro chocolates ang kinakain ng karamihan. Bumili na lang kami ni Maria ng pansit at kinain namin sa canteen. Pagkatapos ay bumalik na kami sa classroom.

“Nasaan na pala si Dominic? Wala ba siyang ibibigay sayo ngayon?” Biglang tanong sa akin ni Maria habang pabalik na kami sa room.

Ikinabigla ko ang tanong niya kaya hindi ko alam ang isasagot ko. Maria naman kasi!

Napatawa siya ng mahinhin.

“Kaka-wattpad mo lang yan,” nasabi ko na lang sa kaniya.

Then dumeritso na kami sa room. Makalat ang classroom namin nang dumating kami. Kung saan-saan na nakaharap ang mga upuan namin, nagkakalat na mga notebook, at maraming sulat sa blackboard tungkol ngayong Valentine’s Day.

Dumeritso ako sa upuan ko at kinuha ang cellphone ko. As usual, Facebook na naman ang bagsak ko. Puro about sa Valentine’s Day ang nasa news feed ko ngayon.

After ang ilang scroll, tila biglang tumahimik ang mga kaklase ko. Akala ko nandiyan na ang guro namin kaya agad kong itinago sa bag ko ang cellphone.

“Bakit? Anong kailangan ng mga special child?” Biglang tanong ni Rose Ann.

Napalingon ako sa deriksyon kung saan nakalingon ang mga kaklase ko. Sa may pintuan namin na malapit sa classroom ng Special Section. Nakatayo roon si Dominic at sa likod niya ay ang ilan naman niyang mga kaklase.

“Gusto kong makausap si Trisha,” deritsong sabi ni Dominic.

“Wala siya rito,” agad na sagot ni Rose Ann.

Okras and SpecialsWhere stories live. Discover now